Ang Pangapat Na Pagbalik

4 1 3
                                    


~~~ ♠ • ♠ • ♠ ~~~

Tumambad saaking harapan malaking bahay na napaka ganda. Bahagya akong napahinto sa tapat dahil sa aking nakita. "Hoy! JL! Gumising ka!" Tawag saakin ni Joaquin ng mapansin niyang naka tulala ako dito. Pumunta siya sa gilid ng gate.

"Saan ka pupunta Joaquin?" Tanong ko sakanya habang sinusundan ko siya.

"Bubuksan ko lang yung gate." Tugon niya saakin. Mayroon siyang kinuhang parang hugis ng flashdrive sa kanyang wallet at isinaksak ito sa tila isang kahon na mayroong USB port. At maya-maya pa ay nag bukas nalamang ang gate. Bumalik na siya sa kanyang kotse pero ako ay naiwan at manghang-mangha sa ginawa niya.

"Hoy! JL! Tara na ano pa bang ginagawa mo diyan!" tawag niya saakin habang nasa loob na siya ng sasakyan. Agad naman akong tumakbo sa kotse niya at sumakay

"Napaka yaman niyo talaga Joaquin!" Sabi ko sakanya ng mayroon paring pagkamangha sa aking muka.

"HAHA, Hindi naman kami ganoon kayaman." Tugon niya saakin. Nakapasok na kami sa loob ng kanilang bahay at masasabi kong nakakamangha ang kanilang bahay. Bumababa na kami sa kotse at dumiretso sa pinto. "Ma, nandito na po kami." At maya-maya pa ay bumukas na ang pinto.

"Oh! JL ang tagal din nating hindi nagkita. Halika na at pumasok ka." Anyaya saakin ni Edeline siya ang nanay ni Joaquin sa tansya ko ay nasa 70 years old na siya. Mayroon siyang mahabang buhok halata din sa kanyang muka ang mga kulubot at linya. Agad naman na kaming pumasok sa loob kasama si Joaquin. Agad naman na kaming inimbitahan na kumain at pumunta kaming lahat sa lamesa na napakalaki sa lamesa ay mayroong 5 putahe napaka sarap tingnan ng mga pagkain dahil na rin ata sa amoy ng mga ito. Maya-maya pa ay umupo na kami. Habang kumakain ay nag kwentuhan muna kami ng kaunti.

"JL ikinalulungkot ko ang nangyari kay Jane." Banggit saakin ni Joel na nasa kanan ko. Siya naman ang tatay ni Joaquin halos mag ka edad lang sila ni Adeline sa tansya ko ay nasa 71 na siya.

"Naku Joel huwag mo na ngang banggitin ang tungkol diyan." Tugon ni Adeline kay Joel. At iniabot namaan niya ang adobo saakin.

"Salamat po. Naku po wala po yun kahit naman po iyakan ko pa ulit ang mga nangyari.. hindi na maibabalik si mama." Bahagyang tumahimik ang paligid. Pero maya-maya ay nag salita si Joaquin.

"Ah! Oo nga pala JL ano ng balak mong gawin ngayon?" tanong saakin niya saakin.

"Napag-isipan ko na rin ang tungkol sa bagay na 'yan. Balak ko sanang lumipat ng eskwelahan dito para maipag patuloy ang aking pag-aaral. Pero huwag po kayong mag alala habang nandito po ako tutulong po ako sa gawaing bahay at sa iba pa pong mga gawain."

"Naku JL 'wag mo nang isipin ang tungkol doon marami tayong katulong dito sa bahay. At tungkol naman sa pag-aaral mo pinaaskaso ko na sa abogado ang mga papeles para sa pag-transfer mo, siguro bukas makakalipat ka na kaagad." Sabi saakin ni Adeline na kasalukuyang kumakain.

"Maraming salamat po sa lahat ng tulong."

At natapos na kaming kumain lahat, Ang nanay at tatay ni Joaquin ay agad nang dumiretso sa kwarto nila. Habang naiwan naman kaming dalawa ni Joaquin sa hapag kainan. "Halika na JL at ihahatid na kita sa kwarto mo." Tumayo naman ako sa aking kinauupuan at sumama kay Joaquin para ituro saakin ang aking kwarto. Umakyat kami sa 2nd floor ng bahay at masasabi ko paring namamangha ako sa laki at desenyo nito. Pumasok kami sa isang kwarto ar nakita ko ang isang kama na kung titingnan mo ay ginawa para lang sa isa, sa tabi nito ay may maliit na cabinet at may lamp shade sa taas na kulay pink. "Ito na ang kwarto mo, pag pasensyahan mo na ang maliit na kwarto namin na 'to." Sabi saakin ni Joaquin.

Reset: The Odd Life Of Clock ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon