Ang Ika-Limang Pagbalik

7 1 4
                                    

"Bumangon ka na diyan JL." Sabi saakin ni Joaquin habang kinikiliti ang aking paa. "Dali bumangon ka na diyan!"

"A-Anong oras na?" Sabi ko habang naka-upo at kinukusot ang aking mga mata.

"6:30 na!!" Sigaw saakin ni Joaquin.

Bigla kong naalala na bawala palang ma-late. Agad naman akong tumayo at nag-punta sa C.R para maligo. Nakalimutan kong magising ng maaga siguradong mapapagalitan ako nito ni Sir.Velasquez.

"Sige JL dali mo nalang! Mag-hihintay ako sa'yo dito sa labas." Sigaw niya saakin habang nasa banyo ako.

"Sige." Sagot ko. Nang matapos na akong maligo tumingin ako sa orasan at 6:40 na pala. Bumaba ako agad-agad para puntahan si Joaquin.

"Oh! JL kuhain mo na 'tong sandwich, kainin mo nalang habang nasa byahe ka." Sabi saakin ni Tita.Adeline.

Kinuha ko naman ang inalok saakin ng mama ni Joaquin. At dali-daling lumabas para puntahan si Joaquin na nag-hihintay sa gate. "Pasensya ka na na-late ako." Sabi ko kay Joaquin.

"Sige, Halika na sumakay ka na kaagad." Binuksan na niya ang pinto papunta sa driving seat. At binuksan ko din naman ang pinto para makasakay. At sa wakas nasa school na kami.

"Sige na JL bumababa ka na mauna ka na pumasok, ipaparada ko lang 'to sa parking." Sabi ni Joaquin.

"Asige, Salamat ulit." Agad-agad akong lumabas ng kotse at tumakbo papuntang 4B. Tumingin ako sa orasan at 6:58 na. Naku siguradong papagalitan talaga ako nito ni Sir.Velasquez. Agad akong tumakbo papuntang 6th floor. At nang nakapunta na ako ay dumiretso na agad ako sa room ko. Bago ako pumasok tiningnan ko muna kung anong oras na, 7:02. Aish talagang mayayri ako nito. Binuksan ko na ang pinto. "Sorry I'm Late May I Come In?" Sabi ko sakanilang lahat. Naalala ko kung anong sasabihin kapag na-late noong kinder ako buti nalang pala at naalala ko pa.

"Sige. Pumasok ka na at pake sarado ng pinto."

Agad naman akong pumasok at isinara ang pinto. Umupo naman ako sa bakanteng upuan sa dulong row. Pinag-masdan ko ang mga classmate ko, ang weird nila dahil napaka seryoso ng mga muka nila. "Hi ako nga pala si JL." Sabi ko sa katabi ko na nasa bandang kanan ko.

"Ako nga pala si Noel." Sagot niya saakin habang naka-ngiti.

Ginantihan ko din naman siya ng ngiti. "Kanina pa ba kayo nag-simula?" Tanong ko sakanya.

"Hindi naman kanikanina lang." Sagot niya saakin.

"Mr.JL? Pwede ka bang sumama saakin at may sasabihin lang ako sa'yo?" Sabi saakin ni Sir.Velasquez habang naka ngiti at unang beses ko siyang nakitang ngumiti at masasabi kong nagiging cute siya kapag naka-ngiti.

"Sige po sir." Sagot ko sakanya. Tumayo naman ako para sumama sakanya. Lumabas kami ng room at nag-punta sa isang kwarto na may nakapaskil na Conference Room.

"JL may gusto sana akong sabihin sa'yo." Sabi saakin ni Sir.Velasquez medyo kinabahan ako dahil baka kung ano ang sasabihin niya, baka dahil 'to sa na-late ako kanina. "Gusto sana kitang makausap tungkol sa kakayanan mo." Napa-atras naman ako ng konto dahil sa Nabigla ako sa sinabi saakin ni Sir.Velasquez. paano niyang nalaman ang tungkol sa kakayanan ko! Sino ba talaga 'to. "Teka lang JL wag kang matakot hindi kita sasaktan." Sabi niya saakin.

"S-Sino ka ba talaga?" Tanong ko sakanya.

"Sasabihin ko sa'yo pero kumalma ka muna, umupo ka muna."

Pinakalma ko naman na ang aking sarili at umupo sa harap niya. "P-Paano mong nalaman—"

"Mag-papakilala ako ulit sa'yo, Ako si Dr.Zynon Velasquez, Anak ako ni Professor Alex Velasquez. Ang totoo niyan ay sa Dubai talaga ako nakatira pero pumunta ako dito 2years ago para hanapin ang mga kagaya mo—" Hindi na niya natapos ang pag-sasalita niya dahil nag tanong agad ako sakanya ng pasigaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reset: The Odd Life Of Clock ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon