Hi! HAHAHAHA maraming
salamat sa pag babasa ng
aking istorya. Itong
chapter na 'to ay dinidi-
dicate ko kay seungyeoja
Maraming salamat sa'yo at
sa pag-suporta mo sa aking
Istorya ^^.
~~~ ♣ • ♣ • ♣ ~~~
"S-Sino ka?" Tanong ko sakanya. Habang ang aking boses ay puno ng takot at pagkabigla.
Habang isa namang pamilyar na boses ang biglang tumawag saaking pangalan. "JL!" Tumingin ako sa aking kaliwa dahilan upang malihis ang aking atensyon sa naka itim na maskara. Nang hindi ko namamalayan ay nawala na pala ang epekto ng aking kakayahan. Nakita ko ang aking inang puno ng mga grasa sa kanyang katawan at mukha. Ibinalik ko naman ulit ang aking paningin sa lalaking naka itim na maskara ngunit pag lingon ko ay wala na siya. Hindi na akong nakapag-isip ng ano pa awtomatikong ang aking katawan ay tumakbo sa kinaroroonan ng aking ina. Nang ako ay mas nakalapit pa nakita ko na ang kanyang balat ay puno ng mga lapnos sa kanyang katawan at unti-unti nalamang siya napahiga sa lupa at agad-agad ko namang sinalo ang kanyang ulo sa pamamahitan ng aking mga braso. "M-Ma, Ano po ang nangyari?" Pag tatanong niya sa kanyang ina at Hindi namalayan ni JL ang patak ng luhang pumapatak sa mga grasa na nasa pisngi ng kanyang ina. Hindi maipaliwanag ni JL ang kanyang gagawin nang makita ang ina na nanghihina at panay pa ang pag ubo.
"J-JL, W-Wag kang babalik sa nakaraan— U-Upang iwasan ang pangyayaring ito." Babala sakanya ng kanyang ina habang mayroong patak ng luhang dahan-dahang bumababa sa pisngi ng ina niya. "Oo, JL alam ko ang tungkol sa kakayahan mo—" Sabi ng kanyang ina habang mayroong ngiti sa kanyang labi.
"M-Ma! Ano bang sinasabi mo hindi kita hahayaan nalamang sa ganitong kalagayan!" Sabi niya habang ang kanyang boses ay nanginginig sa pagkabigla sa mga nangyayari.
"Hindi! Hindi kita hahayaan nalamang babalik ako sa nakaraan para maiwasan itong mangyari!" Isinara ni JL ang kanyang mga mata At unti-unti ang mga tao ay hindi na paabante ang lakad kundi paatras. Habang ang kanyang mga luha ay pababa parin. Iniisip niya na ang mga luha nalamang niya ang hindi niya kayang ibalik sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
Reset: The Odd Life Of Clock Man
RomanceSa buhay natin may bagay na hiniling nalamang nating hindi iyon nangyari. May mga disisyon na pinag sisihan. Mga pagkakataon na pinalagpas. Minsan ba naisip mo na sana ay kaya mong ibalik ang mga nakaraan upang itama ang hindi mo ginustong mangyari...