Eli
"I'm sorry for that stupid question," sabi ko at tinignan s'ya.
Tinaas n'ya yung kaliwa n'yang kilay at tumingin uli sa malayo.
"Diba magkasing tanda lang tayo," sabi n'ya.
"Oo, diba eighteen ka din," sabi ko.
"Nineteen na 'ko, pero parehas tayo ng birth year," sabi n'ya.
"Alam ko na nababastosan ka pa rin sa'kin pero sorry talaga," sabi ko.
Di naiba s'ya ng pusisyon sa pagupo at di umimik.
"Elizabeth," sabi ni dad at pumunta sa puwesto namin.
"Zeke, we're going already," sabi ni dad. Thank you.
"But Eli's going to stay,"
Ano?
"What?" tanong ni Zeke kay dad.
"Well, as parents we have decided to let you deal with your differences and problem and not just forget about it," sabi ni dad.
Tinignan ko si Zeke, and by the look of it, ayaw n'ya ako makasama. Ako naman din ayaw ko din s'ya makasama.
"Bibisitahin na lang namin dito si Eli, we'll be staying at a near hotel," sabi ni dad.
"And Zeke, pasensya na, I hope mapagusapan n'yo and both of you'll understand," sabi ni dad.
"Okay, see you both dinner, kain tayo sa labas," sabi ni dad at umalis.
"Ninong," sabi ni Zeke.
"Yes," sabi ni dad at lumingon.
"I'm sorry po for my unruly behavior kanina," sabi n'ya.
"It's okay, your mom told me that you have a tendency to be like that, we understand," sabi ni dad at tumuloy na.
"So yeah, I'm sorry," sabi ko kay Zeke.
"Okay," sabi n'ya at umalis.
Ano ibig sabihin ng okay?
"Eli?" sabi ni Tita.
"Po?" sagot ko.
"I'll show you to your room na," sabi n'ya.
Tumayo ako at sinundan si Tita sa second floor.
"Tita, um hindi sa nangaano po ako," sabi ko at nilapitan s'ya.
"Ano 'yun dear?" sabi ni Tita.
"Sa Maynila po ba si Zeke nag-aaral?"
"Yes, dun s'ya nag-senior high, dun din s'ya magka-college," sabi n'ya.
"Sa UST ka nag-aaral diba," sabi ni Tita.
"Ah, opo," sabi ko.
"Well, here's your room," sabi ni Tita.
Nginitian ako ni Tita at bumaba na, may aasikasuhin pa daw s'ya.
Binuksan ko yung pinto sa room and I was surprised. Parang ditto at a dapat matutulog si Mom at Dad. Okay lang naman, solo ko yung kuwarto. May mga pictures nila Tita sa may mirror, picture ni Tita at nila Dad at picture ni Zeke nung bata pa s'ya. And cute n'ya nung bata pa s'ya. May salamin at medyo mahaba yung buhok.
Nag-vibrate yung phone ko, nag-message is dad.
Dad : So what's your plan?
Me : Cemetery of Negativism.
Dad : Magpasama ka na lang kay Zeke, baka mawala ka pa.
Me : Fine.
Dad : Sige, enjoy anak.
Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Tita. Tinanong ko s'ya kung puwede ba ako magpasama sa Cemetery of Negativism. Sabi n'ya na si Zeke na ang sasama sakin. Bago pa man ako makaangal ay bumaba na si Zeke na may hawak na susi.
"Ano na, sasama ka ba?" Tanong sa'kin ni Zeke.
Sinabi ko kay Tita na pupunta na ako at lumabas. Tinignan ni Zeke ang mama n'ya at sumunod na sa'kin sa labas.
Pinagbuksan n'ya ako ng pintuan, nag-"thank you" ako at pumasok. Parang nagiguilty ako sa mga ginawa ko, nakakahiya.
Tahimik lang s'ya na nagda-drive. Should I initiate a conversation? Paano ba 'to? Pero bago pa ako makapagsalita, nagtanong na s'ya.
"Ano ba gagawin mo sa Camp John Hay?"
"Magsu-soul searching," sabi ko.
"Bakit?" tanong n'ya.
"Kasi nawawala ako," sabi ko.
"Okay," sabi n'ya.
After that, wala na s'ya tinanong.
"Ano ibig-sabihin ng "okay" mo?" tanong ko sa Kenya.
"Mhm?"
"Nung nag-sorry ako, sagot mo, okay," sabi ko.
"Okay... okay," sabi n'ya.
"Hah?"
"Okey na, ibig-sabihin nun, naintindihan ko," sabi n'ya.
"Paano?"
"Kuwinento sa'kin ng mom mo through the phone pagalis nila," sabi n'ya.
"Lahat?" tanong ko.
"Lahat ng alam nila... na-sense ko na may kulang sa kuwento n'ya."
"What do you mean?"
"May hindi ka sinasabi... pero it's okay kung ayaw mo sabihin... kung ayaw mo pang sabihin," sabi n'ya.
Tumahimik na lang ako. Tama s'ya. Ayaw kong sabihin sa mga magulang ko. Hindi ko nga ata masasabi sa kanila eh.
-----------------
A/N
Hi po! Thanks for reading. (Unedited)
BINABASA MO ANG
Para 'to Sa'yo
Teen FictionA story about self seeking and self love. A story off downfalls and triumphs. Isang kuwento tungkol sa mga taong naghahanap at hinahanap. ...... Si Eli at Zeke, naghahanap... Si Eli, lumaban Si Zeke, nawalan Si Eli, sinira Si Zeke, nagparaya Si El...