Hiking

128 1 0
                                    

Zeke


"Halika na," sabi ko sa kaniya. 

Nandito na kami sa Camp John Hay at tama s'ya na dito pumunta. This place is quite relaxing, at least in my opinion. 

"Saan na dito yung Cemetery of Negativism?" Tanong n'ya.

"Medyo malayo pa," sabi ko.

"Gano ka layo?"

"Magha-hike pa tayo," sabi ko.

"Gaano nga katagal?" 

"Depende sa pag lakad mo,"

"Ang labo mo din talaga ano,"

"Kasi wag mo na isipin kung gaano katagal, enjoyin mo na lang,"

"O edi halika na," sabi nya at hinilia ako.


"Dito ba daan," sabi nya.

"Yup," sagot ko.


.    .   .


Naglalakad na ata kami for ten minutes and hindi pa rin n'ya ako kinakausap. Hindi na naman ako galit eh, I understand her situation kasi I've been there. Galit na galit sa mundo at sa sarili kaso masyadong arugante para aminin. At ngayon nasa harapan ko s'ya, parang nasa harapan ko na din yung dating ako. Hindi naman ako naaawa, nagaalala nga ako eh which I find weird kasi halos kanina ko lang s'ya nakilala. 


"Tama na  ba itong dinadaanan ko?" tanong n'ya.

"Ano sa tingin mo?" sabi ko.

"Hindi ko alam," 

"Nalagpasan mo na yung lilikuan kanina,"

"Ba't di mo sinabi!" angal n'ya.

"Hindi ka naman nagtatanong eh," sabi ko.

Tumigil kami sa paglalakad.

"Eh ewan din pala 'to, bakit mo ko sinundan,"

"Eh ewan ka din pala, di mawawala ka,"

"Matagal na akong nawawala kanina pa,"

"Alam ko, Kaya nga ako nandito eh, para kahit papano may tutulong sa'yo," sabi ko.

"I don't need help," sabi n'ya at tumuloy sa paglalakad. 

Sinundan ko s'ya at tinabihan sa paglalakad.

"Really?" sabi ko.

"Yes," sagot n'ya.

"Promise?" sabi ko.

"Y... Yes..." sabi n'ya.

"You hesitated,"

"Anong paki mo?"

"Ang paki ko, mali na yung dinadaanan natin, ate"

Tumigil kami tas tumalikod s'ya at naglakad. Syempre sinundan ko s'ya.


Pagkalipas ng limang minuto.

"Malayo pa ba?" tanong n'ya.

"Malapit lapit na," sagot ko.

"May tanong lang ako," sabi ko.

"Ano," sabi n'ya.

"Bakit ba sa Lost Cemetery ka pupunta?" 

"Kasi nga diba, I'm lost," sabi n'ya at napatawa ng kaunti.

"Ano naman ang ililibing mo dun?" 

"The Past,"

"Ang grabe naman ng 'The Past', puwede ba yung heartaches na lang?"

Tumigil s'ya sa paglalakad at hinarap ako.

"No," sabi n'ya.

"No?"

"No," sabi n'ya at tumuloy sa paglalakad.


"Sino ba yang nanira sa'yo at parang gusto mo ding ilibing kasama ng 'The Past'," tanong ko.

"Victoria," sabi n'ya at dali daling tumakbo papunta dun sa entrance nung Lost Cemetery.

"Sino si Victoria?" sabi ko pero parang di n'ya ako narinig.

"UY SINO SI VICTORIA," sabi ko at hinabol s'ya. 


.................







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para 'to Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon