No Way!

123 1 0
                                    

Eli

   Pag summer masarap pumunta sa beach. Sa beach! Sa beach!!! Hindi ko naman gustong pumunta sa Baguio, madami kayang tao dun pag summer.  

"Dad, bakit ba bawal ako sumama kayna Jen sa Batangas?" tanong ko sa dad ko habang inaayos n'ya luggage n'ya. 

"Kasi we've planned this new year pa, and you said yes," sabi n'ya. 

"Pero dad-"

"Elizabeth, we are not talking about this, ayusin mo na gamut mo at ilalagay na sa kotse" sabi sa'kin ni dad.

"Fine!" sabi ko at dali daling bumalik sa kwarto ko.


   Binuksan ko yung laptop ko at chineck yung messenger ko. Minessage ako ni Jen kung pupunta ba ako. Tinawagan ko s'ya at sinabi na hindi ako makakpunta. Sana naman walang traffic papuntang Baguio. 


----------------

Zeke


"Kevin walang hiya ka," sabi ko sa kaibigan ko. Nag-grugroup call kami. Lahat sila nasa Manila. 

"Bakit ba kasi hindi ka puwede?" Tanong naman ni AJ.

"Sabi kasi ni mama samahan ko daw ninong ko, papunta na sila," sabi ko sa kanila.

"Good luck bro," sabi ni Kevin.

"Yeah," sabi ko.


"Zeke! Andito na Ninong Arnold mo," sabi ni mama.

"OKAY PO," sigh ko.


"O ayan na, baba ka na," sabi ni Kevin.

"Sige maya ulit," sabi ko at nag-end call.


"Oo ang dami na nga pinagbago n'ya," sabi ni mama kay ninong.

Nasa sala sila naguusap kasama si tita Steph, wife ni ninong.

"Si Elizabeth nga din eh," sabi ni ninong.


"Ma," sabi ko.

"O, andito na pala s'ya, we were just talking about you," sabi ni mama.

"Nong," sabi ko at nagmano.

"Tita," sabi ko at nagmano din.

"Ang laki mo na Daniel," sabi ni Tita. 

Daniel. Wala na atang may tumawag nun sa'kin.

"Are you already in College?" tanong ni ninong.

"Magka-college pa lang po," sabi ko.


"Ay oo nga pala asan si Elizabeth?" Tanong ni mama.

"Ay nandun ata sa labas," sabi ni ninong.

"Elizabeth," twang ni tita.


Pumasok na s'ya sa sala. Parang familiar s'ya sa'kin. Hindi n'ya ako tinitignan. Nakatutok lang s'ya sa phone n'ya. Naka-Nike s'ya na jacket at black jeans. Parang... Parang kilala ko talaga 'to eh, wait lang.


"Eli!" sabi ni tita.

"What!" sagot n'ya.

Tinignan n'ya ako. Nanlaki mata n'ya at napa-nganga. Oh shoot! Sabi na nga ba eh.

"Da-" sabi n'ya at tinuro ako.

Oh god. Bakit?

"No way!" sabi n'ya.

"Ma serioso kayo?" sabi ko.


"Bakit?" tanong sa'kin ni mama.

"Eh yan yung bastos na sinasabi ko sa'yo kagabi," pabulong ko kay mama.

"What?" sabi ni mama.

"Yes Ma, yuan yung babaeng walang modo sa sinehan kahapon," sabi ko at tinuro si Elizabeth.


"Eli! Is this true?" tanong ni tita sa anak n'ya.

"What! No mom," sabi n'ya.


"Hoy, ikaw yung na yung nakabanga," sabi ko.

"Sorry tol ha, nakaka-stress kasi yung movie," sabi n'ya.

"Pero it's not an appropriate reason for you to just bump people and not say sorry," sabi ko.

Tumahimik lang s'ya at tinitignan ako ng massala.


"Eli tama na," sabi ni ninong.

"Ikaw din Zeke," sabi ni mama.

"Hindi ba kayo nahihiya pareho," sabi ni ninong.

Tinitignan lang namin ang isa't isa. Parang staring contest.

"Ang laki n'yo na pareho pero kung magaway kayo parang mga bata," sabi ulit ni ninong.

"Parang walang mga matatanda sa harapan n'yo, ano ba 'to," sabi ni tita.

"I didn't raise you like this," sabi a'kin ni mama.

"Hindi din ganito ang paglaki namin sa'yo Elizabeth," sabi nininong.


Pinaupo kami ni mama at tita sa may dinning table, magkatabi kami pero 'di kami umiimik.  Kahit mandito ako naririnig ko pa rin yung pinaguusapan nila mama.

"We're so sorry Dianne," sabi ni ninong kay mama.

"Okay lang Arnold, sorry din," sabi ni mama.

"I think we should go," sabi ni ninong.

"No Arnold, may plano ako," sabi ni tita.

Ano namang plano 'to?


"Hindi dapat ako sumama dito," sabi ni Eli.

Tinignan ko s'ya, nakatingin lang s'ya sa harap n'ya. 

"Ba't ka nandito?" tanong ko.

"Because of my dad," sabi n'ya.

Tinignan ko lang s'ya.

"Puwede ba wag mo kong tignan," sabi n'ya sa'kin.

Tinignan n'ya ako with teary eyes. Nagiguilty tuloy ako.


"Bastos ba talaga ako?" tanong n'ya sa'kin. 

"Oo," sabi ko.

"Pangit ba ako?" tanong n'ya ulit.

Ang out of nowhere naman ng tanong nito.



------------------

A/N

Ang out of nowhere talaga nung huling tanong ni Eli. Inis na ba kayo sa kanilang dalawa? Ako kasi medyo. 

(unedited)









Para 'to Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon