A/N
Okay, may reference s'ya ng Infinity War pero promise, reader to reader, writer to writer, wala akong nilagay na spoiler. The main focus is not on the movie, sa characters lang nang story ko.
----------
(2018)
Eli
"Gino, ano ba ginagawa natin sa mall ng 10 am!" Tanong ko sa magaling kong pinsan.
"Eh, Avengers : Infinity War 'to eh," sabi n'ya sakin.
"Diyos ko po, serioso ka ba? Eh ang daming beses mo naman napanood, mas gusto mo pa sa first day of screening," sabi ko sakanya.
"Eh favorite franchise ko eh, but nag sinama pa kita para manood, as if you'll return the favor," sabi n'ya.
Konting konti na lang uupakan ko na 'to. Ginising ako ng 7 am para lang dito, nasa Tri Noma pa kami...
"Elizabeth Anna De Castro, tumabi ka nga dito!" sabi ni Gino.
"Bakit!" sabi ko. Minsan nakakainis lang talaga 'tong taong 'to.
"Umayos ka, Si Adrian Dela Torre nandyan," sabi n'ya.
"Ano! Asaan!!!" sabi ko at tinignan yung paligid ko.
Hindi ako puwede makita ng crush ko na ganito. Di nakapag-hilamos at di nakaligo. Naka t-shirt lang nga ako na grey at pantalon. Tapos naka-rubershoes na madume na. Gulo gulo pa yung buhok. Buti na lang nag-toothbrush ako.
"Gaga kalma, umayos ka na lang, bakit kasi di ka nagayos?"
"Serioso ka, ginising mo ako ng seven in the freaking morning, tas tatanungin mo 'ko n'yan?"
Tinignan n'ya lang ako.
"Gino, dito yung pila," sabi ni Ate Ara, best friend ni Gino.
Nag-thumbs up is Gino at hinila ako papunta sa pila nila.
"Bakit parang puro mga classmates mo yung nandito?" Tanong ko.
"Pa-birthday ni Vicky May Santos,"sabi n'ya sa'kin.
Vicky May Santos? Yun ba yung...
"Gino! You came," sabi ni Vicky.
"Of course," sabi ni Gino at niyakap s'ya.
"Babe, Gino's here na," sabi n'ya tas nilapitan kami ni ano... ni Adrian.
Siya yung girlfriend ni Adrian. Bakit? Seryoso, ulit! Makikita ko nanaman yung gf. Bakit ganon, palagi na lang may gf? Lord bakit? BAKIT???
"Hoy, pasok na," sabi sa'kin ni Gino.
Sumunod naman ako. Hindi ko alam kung nananadya lang yung tadhana o yung pinsan ko kasi nasa eksakto kong harap nakaupo si Vicky at Adrian. Kitang kita ko yung paglalandian bilant dalawa. Ako, nagseselos? Hindi! Bakit naman ako magseselos eh waal naman kambing naging kahit anong relationship ni Adrian. Crush lang, hanggang dun lang.
Nag-stay kami sa sinehan hanggang maatpos yung end credits at hanggang dun landian pa rin sila.
"Uy, halika na," sabi ni Gino.
Lumabas na kami ng sinehan at tumakbo ako palabas ng may nakabangga sa'kin. Nation pa sa'kin yung Coke n'ya.
"Coke ko!" sabi n'ya.
"Ba't ka kasi nakaharang d'yan, kuya!" sabi ko.
"Sorry hah, kasi pila po ito eh," sabi n'ya sakin.
"Ako na nga yung natapunan-"
"Kasalanan mo na yan, ano na iinumin ko ngayon?"
"Ewan ko s'yo," sabi ko at dumeretso sa cr.
"Hoy," sabi n'ya. Bahala s'ya d'yan.
Nandito ako sa may gripo at sinusubukang tanggalin yung coke sa shirt ko.
"Um... Eli?" si Vicky yun, ano meron.
"Eli, um, we kinda need you outside," sabi n'ya.
Sinundan ko s'ya palabas. Nandun si Adrian at yung lalaking nakatapon ng coke sa damit ko.
Nilapitan ako ni Adrian at sinabi, "Eli diba, puwede bang bilhan mo na lang ng coke yung guy na nabunggo mo para walk nang gulo."
Seriously! Fine, para wala nang gulo, pero mostly dahil pinakiusapan ako ni Adrian.
Binigyan ako ni Adrian ng pera tas bumili na ako.
Pagkabili ko pumunta na ako sa may cinema at hinanap yung kuya. Nandun lang s'ya sa labas ng cinema.
"O, ito na coke mo," sabi ko.
----------------
Zeke
Alam mo, nakakairita talaga 'tong babaeng 'to. s'ya na nga yung nakabungo, sya pa yung nagagalit.
"O, ito na, ayaw mo?" sabi n'ya sa'kin. Tinignan ko lang s'ya, mukang napilitan lang talaga s'ya.
Dali dali ko namang kinuha sa kanya yung coke ko.
"Wala man lang thank you," sabi n'ya na nakatalikod. Seryoso ba s'ya. Ang bastos nga n'ya eh.
"At ba't naman ako magte-thank you sa'yo?" sabi ko. Tinignan n'ya ako.
"Wala," sabi n'ya at umalis.
Binigay ko na yung ticket ko at pumasok na sa loob.
Maganda yung movie, action all through out. I can't wait for Ant-Man and The Wasp at Captain Marvel to come out. Sure ako na excited din si Anne if she were her. We watched Age of Ultron together and it was memorable for the both of us, lalo na sa kanya. Siya kasi yung tipo ng tao na inaaway din yung kontrabida sa pelikula habang nanonood.
Paglabas ko ng cinema tinext ako ni lolo, tawaga ko daw mom ko.
Pinindot ko Contact ID ng mom ko at tinawagan s'ya.
"Hello, Ma?" sabi ko.
"Anak, may tatanung lang ako," sabi n'ya.
"Ano po yun?"
"What time ka darating mamaya?"
"Mga 8 pm po siguro, nasa mall pa quasi po ako."
"Okay, bukas na nga pala dadating ninong mo at family n'ya."
"Okay po," sabi ko.
Makabiyahe na nga.
--------------------
A/N
Mukang okay naman si Zeke after 2 years. Ano tingin n'yo kay Eli?
(Unedited)
BINABASA MO ANG
Para 'to Sa'yo
Teen FictionA story about self seeking and self love. A story off downfalls and triumphs. Isang kuwento tungkol sa mga taong naghahanap at hinahanap. ...... Si Eli at Zeke, naghahanap... Si Eli, lumaban Si Zeke, nawalan Si Eli, sinira Si Zeke, nagparaya Si El...