**HOSPITAL**
Napapaisip pa rin ako habang hinihintay siyang lumabas, kasi naman bakit biglang nagbago aura niya kanina, may mabait naman pala siyang side. Teka. Alam ba niya ginagawa ta pinagsasasabi niya kanina kasi mukang hindi siya yun..
"EEEEEEENG!" sabay bukas ng pinto.
"Salamat po Doc!" sabi niya.
"Sige. Ipahinga mo na yan." sabi ni Doc.
"Salamat po Doc!" sabat ko.
"O iha. alagaan mo ang boyfriend mo ng mabuti ha." sabi ni doc na seryoso.
"tsk. haha" sabay smirk niya.
"Teka Doc! Hindi ko po siya boyfriend. Nagpapatawa ka ba doc? Tingnan mo nama pong mabuti!" pangaasar ko.
"Ahh. Sige na. HAHAHA." sabi ni Doc na biglang napatawa.
LABAS NA KAMI NG HOSPITAL..
Inaalalayan ko siyang lumabas ng biglang nagring ang phone niya..
"Tol, may laro tayo bukas ha! Paalala lang!" sabi ng kausap niya.
"Aay. pano na ba yan? Hindi ako makakapaglaro. Nakapusta pa naman ako ng malaki. Tsk. Lagot ako. Sayang." sabi niya na asar na asr.
""EHEM!" samid ko.
"Kagagawan mo 'to e! kasi naman naghire ka pa ng kunwaring ----!" sabi niya ng bigla akong sumabat kaya hindi siyanakatapos.
"Hoy lalaki! Ang kapal talaga ng muka mo. Sorry kung nangyari yan sayo. Mayabang ka kasi e. Dapat hindi mo na lang ako tinulungan." sabat ko sa kanya na medyo galit dahil sa panunumbat niya.
"HAHAHAHA.." tumawa siya ng nakatingin sakin habang nakaakbay sakin dahil nga inaalalayan ko siya.
"Bakit ha?" sabi ko.
"Para binibiro ka lang naman. Nakakatuwa ang itsura mo kapag naiinis ano." sabi niya habang nakatingin sa muka ko at nakangiti.
"Che! Hindi ka nakakatawa." sabi ko na kunwaring galit.
Infairness, okay naman pala siya kapag nakangiti at mabait ang mood. May itsura naman pala siya.
"O san ka ba nakatira Ms.???" sabi niya.
"VIENNA. Sa INN State 2." sabi ko.
"Ahh talaga. sakto. INN state 3 ako! sabay na tayo" sabi niya.
"Talaga? Okay. Hatid na kita sa inyo pra makapagpaliwanag sa parents mo kung bakit ka nagkaganyan." sabi ko.
"HAHHAHAHAHAHAAHAHAHA." ang lakas ng tawa niya.
"Bakit na naman?" sabi ko na nakakunot ang noo.
"Gagawin mo talaga yun?" sabi niya sabay ngiti na para bang may something fishy na iniisip.
"OO. teka. kung ano mang iniisip mo. PLEASE lang!" sabi ko.
"Okay." sabi niyang nakangiti.
**COJUANCO's RESIDENCE!**
"Ma, Pa! may mahalaga daw sasabihin senyo si Vienna!" sabi niya habang tinatawag ang mommy at daddy niya.
Pinagpapawisan ako. Hindi ako makaimik. Grabeng yaman pala niya. Hindi halata. Sobrang nakakakaba ang parents niya.
"What son? Who's Vienna? Ohhhhh. what happen to you?" sabi ng mom niya ng makita siya.
"Tita, Tito, Sorry po! Kasalana ko po yan. Ipinagtanggol po kasi ako ng anak niyo kanina. Sorry po!" habang nakabow at nanginginig ang boses ko.
"Good son!" sabi ng daddy niya sa kanya.
"Okay Iha. Are you alright then?" sabi sakin ni tita.
"Opo. Okay lang po ako. Salamat po talaga kay Cedrick!" sabi ko.
"Good." sabi ni tita. "But how are you son?" sabay tingin kay cedrick.
"Ma, okay lang ako. Ma, taga jan lang pala sya sa State 2. Hatid ko na siya. Padrive na lang ako kay manong." sabi niya.
"Wag na. Kayo ko na. Just take a rest at salamat!" sabi ko.
"Hindi na. Hatid na kita. Diba ma?" sabay lingon niya sa mommy niya.
"O sige. Pahatid ka na Ms. Vienna!" sabi ng mommy niya habang nakangiti.
"Ah. o sige po. salamat po!" sabi ko ng napakalumanay.
Hinatid niya ako sa harap ng subdivision, sa may guard house. At dun na lang ako nagpasundo. Actually, nagpipilit siyang ihatid ako sa bahay namin pero sabi ko mapapagalitan ako, sabi nya ipapaalam niya nga ang nangyari at sabi ko, "wag na sir marc cedrick cojuanco nakakahiya naman po" pangaasar ko. At sinabihan niya lang ako ng " Sige. basta sa susunod wag ka ng mag-isang umuwi lalo na at gabi, magpasundo ka kung gagabihin ka. Ok!" sabi niya na parang tatay ko lang. Actually, hindi nga siya nakatingin, pagkasabi na pagkasabi niya biglang "PLAAAAAAAAK" sarado ng pinto ng sasakyan.

BINABASA MO ANG
Wag kang ATAT! Darating din tayo dyan. >:P
Short StoryHindi po ako magaling sumulat pero ito po ay nasulat ko dahil nagkusa na lang ang kamay ko, sa tingin ko ito ang napagusapan ng puso at isip ko. :) PAKIBASA NA LANG PO NG PROLOGUE para malaman kung tungkol saan ito. :)) SALAMAT.