Chapter 2

34 0 0
                                    

**BAHAY**

........................................................

**KWARTO**

Nakahiga ako sa kama ko habang nagiisip, iniisip ko ang mga pinagsasabi ng bestfriend kong dragon este ni MEYA.

NBSB ako?!

NBSB ako??

NBSB ako??????

Proud ako kasi nirereserve ko ang sarili ko para sa future partner ko pero nasasaktan pa din ako kapag sinasabihang NBSB, kasi hindi naman nila magets ang paliwanag ko, basta daw NBSB kawawa, outcast, hindi maganda o may diperensya. HAAAAAAAY. Ganon na ba talaga ngayon?

Malapit na akong matapos ng college at hindi ko pa daw nararamdaman ang totoong college life, (hah? totoong college life? bakit fake ba ang college life ko ha?!) yun daw college life na may partner (ahh. okay.) e dinaig pa daw ako ng mga elementary. Haaaay. Kawawa nga ba ako? Outcast? May diperensya? Namaaaan. Basta ang alam ko, masaya ako sa pagiging single, masaya ako dahil nakikilala ko pa ng mabuti ang sarili ko. :))

Sabi nila kawawa daw ako kasi hindi ko nararanasang makipagholding hands (2 kamay ko at pwede silang magholding hands); wala daw ako makausap sa gabi (maagap ako matulog, istorbo lang yun!); wala daw nanlilibre sakin at nag-aayang lumabas (nandyan ang bestfriends ko); wala daw nagpapakilig sakin (e andyan naman celebrities' crush ko); wala daw nagmamahal sakin (malaking kalokohan?! andyan family ko at bestfriends ko alam kong totoong mahal na mahal nila ako at hindi ako sasaktan?! diba?) o ano pa? HAHAHAHA.  tama naman diba? :D

I'm free to do all the things I want, walang babawal na magsuot ng ganito, walang babawal na lumabas ako kasama ng friends, walang nagtatampo na echusero, walang kahati ang family ko sa kin kaya spoiled nila ako, walang istorbo kapag nag-aaral, walang isipin na nagtampo o nakaaway at WALANG KONSUMISYON! :))

Pero iba daw kasi kapag may partner. Ano ba talaga? Hindi ko pa daw nararanasan magmahal. Haaaaaaah?! WHAT?!! NBSB lang ako pero marunong din ako magmahal ano?! TAO pa din  naman ako! grabe makapang husga ha.

OO, NBSB ako pero nagmahal na ako ng higit pa sa sobra at nasaktan ako ng sobra ng wala lang epekto sa mahal ko, ONE SIDED LOVE kumbaga. Ang sakit kaya nun.

Meron akong minahal dati at hindi niya alam, sobrang bait niya sakin, sobrang sweet at lagi niya akong pinapatawa. Meron na nga lang siyang girlfriend. Pero minahal ko pa rin siya kahit na ganun. First love ko kasi siya at highschool ako noon. Pero ng nabuntis niya girlfriend niya, tsaka lang niya sinabi na nahuhulog na daw ang loob niya sakin. Sumama daw ako sakanya magtanan. Hinintay ko ang pagkakataon  na mahalin niya ako at dumating naman yun pero mukang wala ata sa timing dahil nga nakabuntis na siya. At nalaman ko pa na kaya pala niya ako niyaya ay para makatakas lang siya sa responsibilidad niya kasi nga bata pa siya at windang siya sa pangyayari. Gagamitin niya sana ako at ganun din siguro ang kakahantungan ko kung sumama ako. Buti na lang at nagtanong ako nun kay Meya at sinabi niya sakin ang istorya. Haaay. ang sakit nun ha. Ang tagal ko din bago nakamove-on sa one sided love ko na yun kasi namimiss ko ang pagkakameron ng may nagpapasaya sayo na kakaiba. yun sakanya mo lang nafifeel yun sayang ganun.  Haaaay.

Pero hindi lang naman siya ang minahal ko, dalawa sila. Nakamove-on na ako nun nakilala ko yun pangalawang taong minahal ko. Nakilala ko pa nga siya sa LIGA. Mabait din siya, sweet, good-looking, understanding at humble pa. Teka, anghel ba yan? Nag-eexist ba yan? Tunay? HAHAHA. MALI kasi. Kabaliktaran niyan ang ugali ng lalaking minahal ko na kasunod. Napakasarcastic, mayabang, makasarili at PANGIT pa. HAHAHA. Actually, ayaw ng lahat sa kanya kaya wala ako lalong lakas ng loob papuntahin siya sa amin, pero minahal ko talaga yun. Sa totoo, naging MU ata kami nun o one sided love lang ulit. Ewan. Okay na kami e kaso biglang may nangyari na hindi maganda.

Gusto niyo ba ng flashback?

Okay. Pasubali muna bago ang flashback. Istorya namin.

Dahil MU ata kami, ATA ha. (wag makielam yan ang gusto ng author, gumawa ka ng sarili mong kwento kung may reklamo ka. hahaha. PEACE!) we're like bestfriends din kasi pero you know with konting something.

Sweet na kami sa isa't-isa kaso iba pa rin yun sweetness ng magfiance, diba? diba? kasi yun sweetness namin medyo may konting hiyaan pa din naman..

Nandun yun walang sawang hatid-sundo sakin pero hanggang labasan lang ng subdivision namin. Hindi ko pa kasi alam kung handa na ba akong magpaligaw at tsaka hindi pa naman siya nagsasabing manliligaw siya, basta act lang sya ng act. (ACTOR yan e. hahaha) yan tuloy naguguluhan ako kung ano nga ba kami. Walang sawang text and call (mayaman kami e. hahaha). Walang sawang taguan kapag lumalabas (tago dito. tago dun. tago jan at tago kung saan-saan. bata kami e. trip namin. K. hahaha). Walang sawang kaba kapag namamasyal kami kasi baka may makakita (halos hindi na makagalaw sa kaba. JOKE. hahaha). WALANG SAWANG KASIYAHAN! :))

Nga pala, collge na ako nun ng makilala ko siya, I mean magka-college, bakasyon kasi nun e.

Ito na ang flashback. Flashback nun nakilala ko siya.

BOOOOOOOM! Flashback!

Wag kang ATAT! Darating din tayo dyan. >:PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon