Chapter 1

56 0 0
                                    

Ako nga pala si ANNA VIENNA VALENZUELA, 19 years old, 4th year college sa INNDI-TO COLLEGE SCHOOL (walang maisip e, pasensya na.), Accountancy ang course ko. :) Solo akong babae at bunso ako saming tatlong magkakapatid. Dahil bunso ako, spoiled ako ng mga kuya ko at pati na rin kay daddy at mommy, PERO dahil bunso ako at solong babae, marami pa ring bawal sa akin, lalo na kapag LOVELIFE ang pinagusapan sobrang higpit ng 2 kong kuya at lalo na si Daddy. Haaay!

Teka. ITSURA KO?

Short hair ako, 5'5 ang height, maputi, "34-26-28" ang katawan, medyo singkit ang mata, may 2 dimple at hindi ganun katangos ang ilong, yan ang itsura ko. Hindi naman ako ganun kaganda, may itsura naman ako e. Hindi lang talaga ako katulad nun mga Hot girls sa campus namin na over ang tiwala sa sarili na sobrang ganda nila na parang DYOSA at kung makapagpalit ng boyfriend ay parang accessories lang, mabilis magpalit at pwedeng sabay-sabay. TAOB tayo jan.

VIENNA's POV

"VIENNAAAAAAAAAAAAAAA!" sigaw ng parang wala ng bukas.

"BAKIIIT? Kung makasigaw ka naman dyan parang gumigising ka ng patay. Ano bang meron? sabi ko sa kaibigan ko.

"VIENNA, kami na ni Meya! Sinagot na niya ako!" pasigaw na sabi ni Daryl habang nakangiti ng wagas.

"E talaga? Congrats! Ikaw na! KAYO NA NI MEYA ANG MASAYA!" sabi ko na may halong inggit pero masayang-masaya talaga para sa dalawang kaibigan ko. (sila pa nga ang nagkatuluyan) "O nasan na si Meya? sabi ko.

"Pinatawag lang ni Dean" sabi ni Daryl.

"Ahh. ganun ba. o sige, tara na sa canteen dun na lang natin siya hintayin." sabi ko.

**CANTEEN**

Habang nasa canteen kami, makikita mo ang iba't-ibang year, mapa-highschool o college na ligawang-ligawan sa iba't-ibang parte ng canteen na parang walang pakielam sa mundo. Meron din mga elementary na mga nagpa-puppy love moves. Grabe! Nakakainggit! Sobra ko bang pangit at wala akong karelasyon. Nasan na ba yun prince charming ko? Nasan na yun future partner ko? Bakit naman ang tagal nyang dumating? Hinahanap kaya niya ako? yan ang mga naglalaro sa isip ko ng biglang may nanggulat sa likod ko.

"BEST! VIENNAAA! :)" sabi ni Meya na sobrang saya.

"O ano? Parehong-pareho kayo ni Daryl na HIGH e. Nakadrugs ba kayo? Ganyan ba kapag in love na in love ha?!" sabi ko na medyo nangaasar pero masayang-masaya. (Syempre, masaya ako para sa bestfriends ko)

"Syempre naman! O ikaw ba? Magboyfriend ka na kaya! Malapit na tayong gumraduate ah. Patapos na ang college life, kelan mo balak magboyfriend? kapag nagteteleport na tayong mga tao? Buhay ka pa kaya nun teh?" sarcastic na sabi ni Meya.

"Oo nga babes(meya). pilitin mo na magboyfriend yan si vienna, sabihin mo sagutin na yun mga manliligaw nya baka magsawa yun mga yun at daanin siya sa santong paspasan (pero patay naman sakin yun mga yun kapag ginawa nila yun)" sabi ni Daryl.

"Hoy! Tigilan niyo nga akong dalawa ha! porket kayo na pinagtutulungan niyo na ako ha! Bad kayo! E hindi pa nga diba dumadating o bumabalik si--." sabi ko ng biglang naputol kasi sumabat na si Meya na sabatera. HAHAHA. joke lang. love ko yan e.

"Aber! Aber! Sino na naman ba? Hanggang ngayon ba naman yun pa din? E sino ba kasing may gawa at nawala yun? Pakipot ka nga kasi diba? ayan. Nakuha mo?!" sabat ni Meya na nangaasar. (parang sobrang makasalanan ko kung mapagalitan ako.)

"Babes (Meya), Vienna, alis na muna ako. tawag lang kaming mga varsity. See you later baby (meya)." singit ni daryl.

"See you baby! Ingat! I love you!" sabi ni meya na nagbblink-blink pa ang mata at nagflying kiss pa.

"I love you too baby!" sabi ni daryl na nagmamadaling umalis.

"Grabe ha! Korni niyo! Akala niyo naman chocolate kayo at ang tamis niyo! Pwede ba ayokong langgamin?!" sabi ko na nangaasar.

"Hoy! Pwede ba?! Inggit ka lang babae ka! Wag mong baguhin ang usapan! okay." sabi ni Meya na parang nanay ko lang. HAHAHA. :D

"E kasi nga.." sabi ko.

"E kasi nga ano?" sabat ni Meya.

"Pwedeng patapusin? Atat lang? Sabat ng sabat kasi agad." sabi ko.

"O sige madaaam. ituloy niyo na po. pasensya na po." sabi niya na mahinahon at sabay biglang "ANO?! DALI! lulusot ka pa ha?!" sabi niya na parang nanay lang na galit. (KATAKOT)

"E hindi siya pumunta sa bahay kaya hindi ko siya pinapayagan. yun kasi nga ang gusto nila kuya at daddy diba?" sabi ko na halatang napaexplain sa takot.

"E kasi nga hindi siya pumunta sa bahaaaay," pagulit ni meya sa sinasabi ko para mangasar. "E diba ayaw mong papuntahin? Ilang beses nagsabi sayo a! AYAW MO! galit ka pa nga diba madaam?  ANO KA BA VIENNA? gusto mo bang matukso na naman?" pasigaw na sabi ni Meya na akala mo dragon na magbubuga ng apoy ano mang oras. HAHAHA.

"Dapat nagpilit siya. diba? Syempre, kapag pumayag ako na pumunta siya ibig sabihin, malaki ang pag-asa niya? diba? diba?" pabulong na sabi ko na nakatungo.

"TOOOOOOOOOOOOOOOK!" sabay batok sakin ni meya.

"OUCH! Bakit ba? Ang sakit nun ha?!" sabi ko habang hinihimas ang batok.

"Kung hindi ka naman GAGA! Ano bang gusto mo? Hindi niya mahalata na patay na patay ka sakanya tapos isusurprise mo na biglang OO kayo na. ganuuuuun? ano ka nananaginip? fairy god mother ikaw ba yan? mahilig sa magic?  ABA! E gising-gising Vienna bago kita buhusan ng kumukulong tubig!" pasigaw niyang sabi na tila irita na sakin.

"E takot nga kasi ako kay daddy at sa dalawa kong kuya." sabi ko.

"Diba nga payag naman sila basta makilala lang nila tapos takot ka?! Eng-eng ka bang talaga?! Ano ba naman yan? Bakit ba ako nagkameron ng kaibigang kulang-kulang?! Ayan. WAA NA TULOY SIYA! DISAPPEAR na teh!" sabi niya habang ang right hand ay nasa noo at umiiling-iling.

"Basta! Kung siya talaga, Babalik yun! Maghihintay na lang ako!" pagmamatigas na sabi ko.

"TOOOOOOOOOOOOOOK!" batok ulit niya.

"GAGA ka bang talaga?! EWAN KO SAYO VIENNA HA?! Hindi ka ba nagsasawa sa tukso sayo, ANNA VIENNA VALENZUELA ANG BABAENG TATANDANG DALAGA!" sabi ni meya.

"Ayoko naman syempre. Sawang-sawa na talaga ako dun at ayoko ng marinig yun!" sabi ko na hiyang-hiya.

"E teh?! mukang gusto mo atang patunayan na tama sila e?!" sabi ni meya na nakataas pa ang isang kilay sakin.

"HINDI A! bastaaaaaa." sabi kong mapilit.

"Ilang months na lang graduate na tayo tapos 'NBSB' ka pa din? Haaay. Naka 4 na ako at naka ilan na si Daryl aba e iwan na iwan ka naman ata. Pagisipan mong mabuti yan! Wag ka ng pakipot! please lang vienna! WAG MAGHINTAY SA WALA! Kung sinong andyan pakisamahan." pasigaw na sabi niya.

"OO na po! Ok ok! Kelangan ipagsigawan na NBSB ako?!" sabi ko.

"OO! para matauhan ka. O sige na alis na ako. Punta pa akong library at magaasikaso ng papers ni Ms. Ramos. PAG-ISIPAN MO HA!" malakas na sabi ni Meya habang naglalakad palayo.

Makauwi na lang tutal wala naman klase maya...

Wag kang ATAT! Darating din tayo dyan. >:PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon