click
Very good Darlene
click
Look at the other side Darlene
click
OK so 30 minutes break
Pagkasabing pagkasabi ng photographer na may 30 minutes break nagparetouch nako ng make up ko.
Nararamdaman Kong nanginginig ang kamay ng ika 50 make up artist ko. Nang dahil sa kamay nyang Ewan ko kung pasmado o kinakabahan dahil sakin nalipstickan nya ang baba ko at doon ko naimulat ang mata ko at tinitigan sya ng nakamamatay.
You're Fired
Namutla at naiyak sya sa sinabi ko.
Selena pang 50 mo na syang make up artist
I don't care manager Kim as long as Hindi ako satisfied sa trabaho ng make up artist ko patuloy pa rin ako magtatanggal.
Inabutan na lang ako ni Manager Kim ng Tubig at wheat bread dahil nga isa akong model,actress, dancer and singer I need to maintain my figure.
Bago ko nga pala makalimutan I'm Selena Darlene Ford but I'm Ms. Lee Ae Min in Korea I'm 20 years old and I'm Korean Filipino.
As of now abala ako sa photoshoot ko para sa isang magazine ako kasi ang cover girl this month. Kaya I can't afford na magkaroon ng stupid idiotic make up artist dahil marami pa Kong gagawin.
Pagkatapos ng break time pinagpatuloy namin ang photoshoot mga gabi na din ng matapos kami sa ngayon dito ako sa Korea nakatira.
Pagkatapos ng Shoot dumiretso ako sa Condo ko at doon ng beauty rest ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang may tumawag sa cellphone ko.
Manager Kim calling
Hello Selena
Yes Manager Kim
You need to go to the Philippines
WHAT!! Napasigaw naman ako sa sinabi ni Manager kim.
Mayroon kang proyekto dun at diba death anniversary din ng mamat papa mo kaya pupunta Ka din don
50/50 pa ang Pagpunta ako don you know naman kung gaano ako kagalit sa bansang yon.
Selena Half Filipino Ka pa rin kahit anong gawin mo
OK OK manager Kim I will think about it later
Sabay binaba ko ng ang phone pagod na nga ako lelecturan pako.
Pinikit ko ang mata ko ng nakakatulog nako ng dahil sa pagod.
Tulungan mo kami parang awa mona May mga nakahandusay na mga katawan mga babaeng ginagahasa mismo sa harapan ko at wala akong magawa kundi pagmasdan na lamang ang kanilang unti unting pagkamatay.
Napabangon ako bigla muna sa aking pagkakatulog. Ang panaginip na naman na yon lagi na lang akong pinapakaba. Tumayo ako at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.
Naninikip nanaman ang dibdib ko tuwing napapaniginipan ko yon. Ang nakakatawa lang ang settings ng panaginip ko ay sa makalumang panahon sa pilipinas eh ano namang kinalaman at pake ko dun. Napabuga nalang ako ng hangin at tinawagan si Manager Kim.
Hello Manager Kim
Yes Selena I accept the project
Sabay binaba ko na ang phone ko.
Hindi habang buhay tatakutin ako ng letseng panaginip kong yon. I'm Selena Darlene Ford Hindi ako yung tinatakot dahil ako ang nananakot. Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang schedule ko for this week.
Photoshoot bukas
Ribbon cutting sa miyerkules
TV guesting sa Huwebe
s Hosting sa Friday and Sunday
Launching of my Album in Sunday
May lugar pa ba ko para sa salitang PAHINGA mukhang wala.
Binalik ko sa side table ko ang copy ng schedule ko at kinuha ang box na nasa ilalim ng kama ko.Sa totoo lang gusto ko ng sunugin tong box na to kada kasi bubuksan ko sya puro pait at pasakit lang ang hinahatid nito sakin. Andito kasi yung family picture namin Si Papa si Mama at ako ang masaya naming pamilya. Masagana ang buhay namin noon masasabing mayaman dahil parehong mama at papa ko ay negosyante. Kaya lang naglaho lahat ng naipundar at kasiyahan namin ng itakbo ng PINOY na kasosyo ni Papa ang pera ng korporasyon dahil don hinabol kami ng mga board members ng kompanya ni papa kung saan saan kami nagtago. Hanggang sa matunton nila kami pinilit akong itakas ni Mama at Papa dahil papatayin sila ng mga yon tumakbo ako ng tumakbo at Hindi ko na piniling lumingon pa kahit sunod sunod ang putok ng baril ang naririnig ko. Iyak na lang ang tanging nagawa ko. Napunta ako sa DSWD dahil pati kamag anak namin tinanggi kami suwerte ko na lang ng may umampon saking mag asawang koreano at dinala ako sa Seoul sila rin ang dahilan kung bakit isa nakong matagumpay na actress ngayon. Pero pareho na rin nila akong iniwan.Hindi ko na namanalayan na tumutulo na pala ang mga Luha ko kaya minabuti ko ng itago ang box at ibalik sa ilalim ng kama ko. Hindi ko afford magkaroon ng eye bags .Kinabukasan
Pagkagising ko nakatanggap ako ng Text mula kay manager Kim magkita daw kami sa Coffee shop sa baba ng condo ko may paguusapan daw kami. Dali dali Kong inayos ang sarili ko mahirap na may makakita pa saking fan ko at magulat dahil mukha akong zombie sa itsura ko.
Tamang tama lang ang pagdating ko dahil mukha ng kakarating lang ni Manager Kim.
Umorder Ka muna
Cappuccino , ikaw manager Kim
Ganun na lang din
At umalis na yung waiter
So ano paguusapan naten?
Selena kinancel ko na ang mga appointment mo dahil kaylangan mo ng pumunta sa pilipinas mamayang gabi.
Ano? At bakit naman?
Nagpadala ng manuscript ang director ng pagbibidahan mong teleserye at ito pa pala sabay bigay sakin ng mga makakapal na libro aralin mo yan dahil ang teleserye mo ay tatakbo sa makalumang panahon kaya kaylangan mong pagaralan ang kasaysayan ng pilipinas.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Manager Kim
Wala ng Atrasan Selena diba you already accept the project
OK
Kasabay nun ang pagabot din nya ng ticket ko papuntang pilipinas.
Babalik nanaman ako sa impyernong bansang yon
Pagkatapos ng paguusap namin ni manager Kim bumalik ako sa condo ko para magimpake its already 3 pm at mamayang 6 pm na ang flight ko. Kaya binilisan ko na ang mga kilos ko at sinama ko na rin yung mga makakapal na libro na ibigay sakin pampabigat lang to eh. Pero ok lang di naman ako magbibitbit ng mga bagaheng to.