Kabanata 3

15 1 0
                                    

Damit ni Selena


Naginat inat ako pero bakit parang ang tigas ng higaan ko at napakadaming Boses sa paligid.


Ke gandang dalaga

Bat kaya sya sa kalye natutulog

Pagmulat ng mata ko talo ko pa ang naregal shocker. Yung mga tao lahat sila naka barot saya tiningnan ko ang sarili ko aba pati ako nakabarot saya yung sinukat ko bago ako matulog yun ang suot ko ngayon.

Napatayo ako hinanap ko na agad ang cellphone ko pero wala wala akong nakitang phone may nakita akong banig na bag pagbukas ko ang baby gold bars ko ang nakita ko mukhang kilala ko na kung sino ang may pakana neto.

Tumayo ako at nagtanong sa isang babaeng nakabarot saya din.

Uh Ate Asan po si Manager Kim?

Manager Kim? Ineng Hindi ko kilala yung taong yun bigla syang tumalikod pero may pahabol say si ate ke gandang dilag may sira ata sa utak

Automatikong napataas ang kilay ko.

Ako baliw pathetic manang. Convincing ang trip ni manager Kim talaga bang gusto nyang galingan ko talaga at madami pa syang inupahang tao para magdamit lang ng mga barong pati lugar makalumang makaluma may mga kalesa pa.

Malilintikan Ka sakin manager Kim pagnakita kita.

Naglakad lakad ako baka kasi nasa paligid lang si Manager Kim.

Nang may nabangga akong isang babae.

Paumanhin iha

Sorry din po

Anong sinabi mo iha?

Patawad po

Naweweirduhan nako sa mga tao may naisip ako makapagtanong nga gusto Kong ikompirma ang mga kagimbal gimbal na ito.

Alam nyo po ba kung nasaan ang Brgy San agustin?

Ito yon iha

Yes makakauwi nako napahiyaw ako sa isip ko teka naalala ko may shooting pala ako nung chineck ko sa schedule ko March 12 2018 ang shooting ko at 3 pm yun. Kaya nagtanong ulit ako.

Anong pong oras na po ?

Ika sampu na ng umaga Iha

Yes may time pako para magretouch.

Sige po salamat.

Umalis na agad ako at hinanap ko ang bahay ni Mang epoy lakad ako ng lakad pero wala pa rin akong makitang bahay ang init init na ng suot ko.

Maya Maya pa ay may lumapit saking parang mga mukhang espanyol.

Binibini mukhang naliligaw Ka ata

Sabay ngisi nya

Kaya naman wala akong pasubaling nagtanong

Alam nyo ho ba ang bahay ni Mang epoy?

Mang epoy? Dito nako ipinanganak kahit kaylan wala pakong narinig na Mang epoy. 


 Sya po yung may paupahang bahay dito yung bulok este antique na bahay

 Binibini walang paupahang bahay dito sa katunayan lahat ng nakatira dito ay puro tanyag at may sinabi sa buhay. 

 Pero Kuya meron nga pong Mang epoy Pakikipagtalo ko

 Binibini Hindi tanyag dito ang mga paupahan Baka naman ang tinutukoy nyo ay ang tahanan ni Mang Goryo maganda ang tahanan nya ang Luma na din itinayo yun noong 1820 at hanggang ngayon nakatayo pa din. Ano daw 1820? 

Ms. Aphrodite in 1891Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon