Kabanata 6

6 2 0
                                    


Teresita photo

Nagising ako dahil sa sikat ng araw this is the day nga pala ang kaarawan ni Rafael. Inayos ko muna ang sarili ko at bumaba para sa umagahan. Nakita ko si Pinay at ang mga silbidora namin. Ang dami ng niluto nila eh ako lang naman ang kakain. 


 Sabayan nyo nako kumain 

 Nako po señorita pagkatapos nyo pa dapat kami kakain Sabi naman ni Pinay

 Ako ang amo nyo kaya ako ang masusunod kaya halinat kumain na kayo

 Wala naman silang nagawa kundi sundin ang gusto ko. 

Sabay sabay kaming kumain pagkatapos ng agahan umakyat muna ako sa kuwarto ko para makapagisip. Hindi naman ako dadalhin ng petseng tadhana na yon dito kung wala akong gagawin o dapat gawin. Pero ano? Isa ba don si Rafael? Pero bakit ako? Wala nga akong pake sa nakaraan

Napabagsak na lang ang katawan ko sa higaan ko. Mamaya makikita ko si Rafael at sisikapin Kong alamin kung ano at sino ba talaga sya? Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako at mag aalasinko nako nagising kaya nagmadali akong magayos ng aking sarili. 


 Señorita nagaantay na po ang inyong kalesa Ng marinig ko ang tinig ni Pinay ay dinobleb ko ang bilis ko at ng matapos nako kinuha ko ang aking regalo sa ilalim ng unan ko. 

 Andyan Na Pagbaba ko eksakto may kalesa na agad akong sumakay. Sana di ako mahuli yan ang paulit ulit na bigkas ng isip ko nakakahiya naman kasi kung malelate ako bakit kasi ako nakatulog. Malayo palang natatanaw ko na ang ibat ibang kulisap ng ilaw may mga taong magagarbo ang suot at may tutunog na naggagaling sa violin. 

Nang makababa nako agad Kong inayos ang sarili ko at nag "walk like a lady" ang drama ko. Maraming napalingon ng ako ay dumating. 

 Yan ba ang unicahija ng mga Agustin

 Sadyang kakaiba ang taglay nyang ganda 

 Pero bakit sya nandito sya ba ay nobya ng General 


 Dyusme pati ba naman sa makalumang panahon may mga chismosa na din. Kahit Ganon nagpatuloy lang ako sa paglakad ko. Nang may tumawag sakin 

 Josefina! Paglingon ko nakita ko ang birthday boy si Rafael abot tenga ang ngiti nya parang nanalo sa lotto.

 Akala ko di mo ko sisiputin 

 Tumtupad ako sa usapan

 Halina may nakalaan akong upuan para sayo 

 Kaya ako sumunod na lang ako sakanya at mas lalo pa tuloy kaming pinagchismisan ng mga chikadora sa tabi. Wapakels naman si ako masyado akong maganda para pansinin sila. Umupo nako sa upuang laan daw sakin ng bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan naiihi ako. May nakita akong Parang waiter di kalayuan. 

 San po ang (teka ano ba sa Tagalog yung Cr?) Palikuran? Buti naisip ko agad 

 Dun po akyat po kayo sabay kaliwa 

 Salamat Dali dali akong pumunta dun sa direksyon na itinuro nya. Feeling ko sasabog na yung pantog ko.

Sa wakas nakita ko na yung Cr kaya pumasok agad ako at pinakawalan ang ihi ko diba nga sabi nga ni Elsa let it go.


Pabalik na sana ako sa baba ng may narinig akong ungol

Ughh~

Ms. Aphrodite in 1891Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon