Kabanata 7

10 2 1
                                    

Yung jewelry box ni Josefina

Umuwi nako sa bahay pero parang lalagnatin ako ilang araw na kasi akong walang tulog at kain. Ngayon pa naman ang balik nila ina at ama pero mukhang di ko sila masusundo dahil parang anytime babagsak ako kaya ngayon nasa kuwarto ako at nakaupo sa edge ng kama ko. Kaylangan Kong magpahinga para mabawi ko yung lakas ko kaya tuluyan na nga akong napahiga sa kama ko. Nakakamiss din pala yung buhay ko dati yung Selena life kasi non ako ang nagbibigay sakit sa ulo ng mga tao sa paligid ko di katulad ngayon puno ako ng mga tanong sa isip ko like all of a sudden bakit ako? Puwede namang ibang tao. Sa totoo lang gusto ko ng umalis sa panahong ito dahil kahit papano natatakot din ako sa mga bagay na puwede Kong masaksihan.


Anak

Boses ni Ina yon

Kaya dali dali akong bumaba

Ina sabay yakap

Kamusta po ang lakad niyo ni Ama

Nakakapagod anak pero masaya sagot naman ni Ama

Halika anak may binili ako para sayo sabay hatak sakin

Pumasok kami sa kuwarto ng ibigay sakin ni Ina ang isang napakagandang Jewelry box.

Ina naman

Nako anak sige buksan mo na

Pagbukas ko tumunog ito at may laman ito sa loob na isang kwintas na may Angel na pendant.

Salamat po Ina

Natutuwa naman ako dahil nagustuhan mo ang binili ko para sayo

Ang ganda po talaga Ina

Sabi ko na nga ba huling huli ko talaga ang hilig mo anak

Sige na po Ina magpahinga na po kayo ni Ama Alam ko pong pagod na pagod na po kayo

Sige salamat anak

Lumabas na si Ina pero di pa din maalis ang tingin ko sa jewelry box nato. Sobra kasing ganda niya.

Itinabi ko na ang jewelry box sa aparador ko at bumalik sa pagkakahiga Rafael binabaliw mo ko kakaisip sayo. Teka Alam ko na kahit hapong hapo ang katawan ko pinilit Kong pumunta ng bayan ng palihim sa tingin ko ito ang best way para malaman kung sino o ano ba talaga siya. Nakarating nako sa bayan sinabi ko bang nakasimpleng damit lang ako para di ako makilala nakatalukbong din ang mukha ko ng bahagya. Ngayon sisimulan ko na. 


 Maaari po bang magtanong? May nakita kasi akong Ale tindera sya sa palengke 

 Oo naman Ineng bakit ano ba yung itatanong mo?

 Kilala nyo po ba si General Rafael? 

 Oo naman ineng walang di nakakakilala sakanya niya rito 

Ah ganun po ba? Mabait po ba yun? 

 Ubod ineng at napakatapang matulungin din sya bakit mo natanong?

 Ah wala po salamat po 

 Nagtanong tanong pako at pare pareho lang sila ng sinasabi na mabait daw si Rafael matipuno etchetara. Hanggang sa 

 Ineng gusto mo bang malaman kung sino talaga si General Rafael? 

 Bigla nalang akong kinilabutan sa boses ng matanda pero di ko pinahalata ang takot ko.

 Opo sana may Alam po ba kayo tungkol sakanya? 

 Ang general nayon ay may tinatagong lihim 

Ms. Aphrodite in 1891Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon