CHAPTER 3

165 8 1
                                    

Chapter 3

Something


Raffael's POV:

Nakatambay lang kami ng tropa sa aming kuta nang biglang tumawag sakin si Black.




"Red..." batid kong nakangisi na ito sa kabilang linya.



"Black...bakit ka tumawag?" tanong ko.




" Nabalitaan mo na ba?" tanong nya.




"Oo, Sigurado ka ba dito sa isang 'to?" paninigurado ko sa kanya.



"Kilala mo ko Red...mapili ako,hindi ako magpapasok ng tauhan kung hindi naman karapat dapat" narinig ko pa ang pagtawa nya. Alam kong alam nyang naiinggit ako sa bagong darating dahil kahit bago palang ito'y naging mas mataas na ang posisyon nito kesa sakin.




"Kelan namin sya makikilala?"





"'Wag kang magmadali...pero sigurado akong magugulat kayo kapag nakita nyo sya" malokong sabi nito.

"Aasahan ko yan" sabi ko sabay baba ng tawag. Hayst! Siguraduhin lang talaga nya!




"Sino 'yon?" tanong sakin ni Andrew.




"Si Black tinatanong kung alam na ba natin ang gagawing pagpapalit..."




"Ah...okay, nga pala una na 'ko may kailangan pa akong gawin" paalam nito sakin. Tinanguhan ko na lang sya bilang pagpayag.


.....



Matapos naming mag-usap-usap ay dumiretso na rin ako papunta sa aming bahay.Pagkabukas ko palang ng pinto ay may yumakap na sakin.



"Yah! Kuyaaaaaa!"




"Oh? Bakit ka naman nandito? Diba may bagong bahay ka na? " tanong ko kay Mikie.





"Sama mo! Dito pa rin naman ako nakatira ah!" nakangusong saad naman nya.Pero mamaya ay napangiti rin. Tsk! Baliw!




"Kuya, para masaya ipapakilala na lang kita sa mga friends ko!" sabi nya sabay sabit ng mga kamay sa aking braso para hilahin ako papunta sa salas kasabay ang pagkuha ng mga dala kong pagkain.Tss...ano naman ang masaya dun!





"HAHAHA! P*ta!" rinig ko ang tawa ng babae habang nakatalikod pa rin samin. Nanonood sya kaya nasisigurado kong di nya namalayan ang pagpasok namin.Napkalakas ng tawa nya na pati volume ng tv ay di na maririnig.



"Gab! Meet my beloved brotha~" pakilala sakin ni Mikie. Humarap naman samin yung Gab, inayos nya muna yung buhok nya sabay ngiti.





Ngiting makalaglag brief.....grabe heaven dre. Hehehe

Di ko na rin mapigilang ngumiti. Kaya pala sinasabi ni kapatid na mas masaya 'pag nakilala ko sya.



Tumakbo sya patungo sakin. Ang akala ko'y sasalabungin nya ko ng yakap kaya pinaghiwalay ko ang aking braso,pero nagtaka ako ng lumihis sya ng daanan.




"Naks! Ang dami nito ah! Alam mo Mikie kung dito ako nakatira di na ko aalis! Unli ang pagkain! MWAHAHA!" sabi nito habang sinisimulang alisin ang laman ng mga paper bag. Napabagsak naman ang balikat ko. Akala ko may libre yakap na ko. Pinahiya nya ko! Tsk!






"HAHAHAHA! K-KUYA! HAHAHA! A-ANG EPIC! HAHAHAHA!" nanlaki ang mata ko  dahil sa biglang pagtawa ni Mikie, agad kong tinakpan ang bibig nya at tsaka hinila papuntang kusina.



SOMEONE LIKE YOU Where stories live. Discover now