CHAPTER 4

147 5 1
                                    



Chapter 4



Silver


Gab's POV:



Habang unti unting lumiliwanag ang kalangitan ay sya ring unti unting pagkaubos ng pasensya ko.


Bakit ba kasi antagal nun? Paimportante pa sya ha! Kapag hindi pa 'to dumating, sinasabi ko ta--



Andyan na sila!

"Grabe pre iba ang ngiti natin ah! inlove na inlo--" naputol ang sasabihin ng kasamahan nito nang maramdamang napakatahimik ng lugar. Kaya naman agad silang naalarma at nagmasid.



Maya maya lang ay sumigaw na yung nakaitim na lalaki.



"Kung sino man kayo! Lumabas kayo at harapin nyo kami!"


Habang pinapanood ko sila ngayon ay napakarami ng kalokohan ang tumatakbo sa isip ko.



Kinuha ko ang balisong na naagaw ko dun sa mga lalaking itinali ko.At mula sa kinatatayuan ko ay siguradong kayang kaya kong asintahin ang isa sa kanila. Isang hagis lang then boom,patay na!




Pero di pwede eh, kaya inihagis ko na lang yun sa plywood na dingding. Yung konting kembot na lang ay madadaplisan kung sino man yung nasa unahan.



Dahil sa ginawa ko ay lalo silang naalarma. Nilabas nila ang mga baril nila at itinutok ito kung saan galing ang balisong. At dahil hindi naman ako tanga, ay malamang umalis ako dun noh! Habang dahandahan silang nalapit sa pwesto kung saan ako nanggaling ay may naisip na naman akong kalokohan.



Pumunta ako sa madilim na parte ng base nila at don ako sumigaw.



"AAAAHHHHHH!!"





Nagulat silang apat sa pagsigaw ko pero nanatili silang nakahanda sa pagsugod.


It's showtime!



Itinulak ko naman isa isa ang mga nakatali nilang tauhan habang di pa rin umaalis sa dilim. At nang mailabas ko na ang lahat ay halatang nagulat sila sa nangyari sa mga ito pero nakaabang pa rin sa susunod na kilos ko.



Lumabas ako at ngumiti ng napakalaki sa kanila. Gulat na gulat ang lahat dahil sa paglabas ko.



And this ladies and gentlemen is how I introduce myself....


"Gab?!" sabay na sigaw nina Andrew at Raff.




Napatingin sila sa isa't isa at sabay ring bumaling sakin.



"Anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman 'tong lugar na 'to? Ikaw ba ang may kagagawan ng mga 'to? Paa--" marami pa sanang itatanong si Andrew nang magsalita ako.




"Insan isa isa lang pwede. Inaantok pa nga ako kakahintay sa inyo eh. Antagal ninyo, masyado kayong paimportante! Pero ansaya nyo pa lang kalaro! Hahahaha!" sabi ko sabay upo sa malaking sofa doon.




Sinimulan na ng kasamahan nila na tanggalan ng tali  ang mga myembro nila. Pero si Raff at Andrew ay nanatiling nakaupo habang nakatingin sakin at para bang inaalam kung ako ba talaga ang gumawa non.




Kaya hindi na rin ako nakatiis at nagsalita na ako.




"Ay oo nga pala! Sabi ni Black magpakilala ako.Hi everyone! Specially to my cousin and Raff! I'm Gabby Garcia and I'am Silver,at your service!" sabi ko sabay saludo sa kanila.



Napatulala sila sakin nang umalingawngaw ang tawa ng pinsan ko.



"Hahaha tang*na insan! Kelan ka pa natutong magbiro" malakong sabi ni Andrew.


Tsk!



"Ha.ha.ha tang*na mo rin insan" sabi ko sakanya sabay seryoso ng mukha "Kung tuluyan ko kaya ang isa sa inyo, maganda bang biro 'yon?" namutla naman sya at nanahimik. Napatingin naman ako kay Raff na masama ang tingin sakin.




"Ikaw yung sinasabi ni Black?" tanong nya kaya't napatango na lang ako. Nakita ko naman pagtikom ng kamao nya sabay bumulong ng di ko dinig.



Galit na galit! Gitil na gitil! Hahahahaha

"Tsk!Pero babae ka? Paano nangyari 'yon?Kung mag 3-O na lang tayo para magkaalaman?" hamon nya sakin. Sa sinabi nyang yon ay napangisi ako.



"Ganyan ka na ba kadesperado sa posisyon ko at pati akong babae ay hinahamon mo ng one on one?" dahil sa sinabi ko ay nakita ko ang pag igting ng panga nya, pero nagawa pa rin nyang ngumisi.



"Bakit natatakot ka ba?" tanong naman nya.



"Oo....natatakot ako na baka maging mamamatay tao ako ng di oras." sagot ko naman rito habang nakikipagtitigan pa rin sa kanya.




" *sipol, uhm..." napatingin ako sa nagsalita.Ngumiti ako sa kanya.



"Hi, I'm Gab. Silver" sabi ko sabay extend ng kamay ko.



"A-ah, I'm Lawrence. 3rd Red" sabi nya sabay abot sa aking kamay.



Napatingin ako sa paligid...



"Hmm... Talaga bang ganto kayo kahihina?" tanong ko na nang aasar. Napaayos naman ng upo si Raff na halata mong naiinis na sakin. Pero di ko sya pinansin at ibinaling ang atensyon ko kay Andrew.




"Insan? Wag mong sabihing hindi mo nabibigyang hustisya ang apelyido natin? You're a GARCIA and no one can beat us!" halatang napahiya naman ang pinsan ko sa sinabi ko.




"Alam mo hindi ka namin kai--" pinutol ko ang sasabihin ni Raff or should I say RED.




"Oh come on!? Ako na lang ang pag asa nyo, itataboy nyo pa ko? Hindi ako nagpakapuyat para lang ganyanin nyo." sabi ko sabay tingin ng mapang asar.




Bigla na namang nag ring ang cellphone ko kaya naputol ang pinag uusapan namin.



Ba-ba-BLACKsheep calling.....




Ini-loud speaker ko ang cp ko para marinig rin nila ang pag uusapan namin.



"Silver...." panimula nito kaya't nagkatinginan silang apat.



"Black. Kasama ko na sila ngayon. Pero sa tingin ko ayaw nila ng tulong ko." sumbong ko.




"Hm? Ganon ba? Nakikinig ba sila?" tanong nito. Magaling makiramdam si Black sa mga bagay bagay pero syempre mas magaling pa rin ako.


"Ah-huh!"



"Red..." pagtawag nito kay Raff.



"Bakit Black? Ito na ba ang sinasabi mong mas magaling sakin? Huh! Babae sya Black! Hindi nya ako kayang talunin!" galit na sigaw nito





"Oops! Ingat lang sa pananalita Red... hindi mo sya kilala. Hindi lang yan basta babae kasi kapag kinalaban mo sya baka makakita ka ng halimaw bigla." paalala naman ni Black.At dahil don ay napatahimik si Raff.



"Hahaha! Tama na Black pinapalaki mo ang ulo ko masyado kang madada!" biro ko dito sabay baba ng tawag.



*****




(A/N: Hello guys! Sorry kung natagalan! But anyway guys thank you for your support! Love yah! :*)


Please vote comment and follow me po....



Also if you're a GabRu fan please check out their facebook page:


YLAB2016❤TeamGabRu


GabRu Fans (Gabbi Garcia and Ruru Madrid)

.....

#SLYUD

SOMEONE LIKE YOU Where stories live. Discover now