CHAPTER 6

117 8 2
                                    

Chapter 6



Ligaw




Gab's POV:

Pumasok na ako sa classroom at nakikita ko pa rin ang masasamang titig nila sa akin.



Ngumisi lang ako at pumunta sa likuran para doon umupo. Dumating ang teacher namin kasunod ang isang lalaki. Nagsimula naman silang mag bulungan at maghagikgikan na parang kinikilig.





"Attention class! So, as you can see.. You have your new classmate...please introduce yourself. " lumingon sya sa lalaki na.... nakatitig sakin? Ngumiti naman sya at inalis ang tingin sa akin.



"Hi guys! I'm Khalil Gonzales! Hope we can be friends!" sabi nya kasunod ng tilian ng mga babae.



"Okay Mr. Gonzales you can now choose your sit, I'll just go to the school's office" umalis na si sir kaya panay naman ang alok ng upuan ng mga kababaihan habang ako ay nakahalukipkip at nakikipagtitigan sa kanya.





Pumunta sya sa bakanteng upuan sa tabi ko at dun umupo. Inayos ko naman ang ang lukot kong damit at kinuha ang bag ko para umalis.



Hindi pa man ako nakakahakbang ang pinigil na ako ng katabi ko.




"Uhm... Diba magsisimula na ang klase san ka pupunta?" tanong nya. Tiningnan ko ang kamay nya at hinawi iyon.


"Anong pake mo?" maldita kong sabi dito.

Gutom na ako at walang makakapigil sakin! Mwahahahaha!

Ngumiti sya sakin at tsaka tumayo.

"Pwede bang sumama sayo?"


Tiningnan ko sya ng ilang segundo at tsaka sinenyasan na sumunod sakin. Habang papunta ako or should I say kami sa canteen ay nakasalubong namin si Raff.


Taimtim na nakatitig sa katabi ko... At bumaling naman sakin.



"Sino sya baby?" malambing nitong bigkas dahilan para magtayuan ang balahibo ko.




"Bakit mo sakin itatanong? Ayan lang sya oh! Tanungin mo!" sabi ko sabay irap.



"May boyfriend ka na pala?" tanong naman nitong si... Ano... Si....Khalil?


"Wala. At wala akong balak." maikling sagot ko na ikinangisi nya.




"Edi magbalak ka na! Liligawan kita!" sabi nya sabay akbay sa akin.




Nakita ko naman ang pag igting ng panga ni Raff.... Problema nito? Tsk!
Inalis ko ang pagkakaakbay ng tukmol na 'to sabay diretso sa canteen.



Umorder ako ng spaghetti, burger, fries, ice cream at coke. Sabi ko sa inyo eh... Wag nyo ko gugutumin!



Pagkaupo ko pa lang ay dumating naman si Khalil.



"Seryoso ako ha! Liligawan talaga kita!" nakangiting banggit nito. Nagpatuloy na alang ako sa pagkain hanggang sa maubos ko lahat.



Bumalik naman kami kaagad ng classroom para sa next class namin.


Fast forward....


Natapos ang buong maghapon ko ng puro aral... Kaya napagpasyahan kong pumunta muna sa gym ng bahay namin.

Kinuha ko ang boxing gloves ko at ipinuyod ang mahaba kong buhok tsaka nagsimulang suntukin ang malaking punching bag sa harap ko.



Makalipas ang ilang minuto ay umupo muna ako saglit para magpunas ng pawis tsaka ko kinuha ang cellphone ko....

Napangisi ako...







'Khalil Gonzales' ang ex- red rank ng grupo namin....



*****

(A/N: Hello guys! Sorry kung natagalan! But anyways guys thank you for your support! Nawala kasi yung update na tinype ko...sana mas maaga pa ang UD!Pero inulit ko na langs! ❤ Love yah! :*)

Please vote comment and follow me po....

Also if you're a GabRu fan please check out their facebook page:

YLAB2016❤TeamGabRu

GabRu Fans (Gabbi Garcia and Ruru Madrid)


.....

#SLYUD

SOMEONE LIKE YOU Where stories live. Discover now