CHAPTER 5

119 8 0
                                    



Chapter 5



Game



Gab's POV:



Matapos ang pagtawag ni Black ay wala ng nagtangka pang magsalita, kaya tumayo na ako at nagsimula ng usapan.





"Ilabas nyo na lahat ng gamit nyo. Linisin nyo lahat ng kalat, pati mga basurang gamit itapon nyo na rin. At sa Linggo ay magsisimula kayong mag ensayo LAHAT" utos ko sa mga tauhan ni Red sabay akmang aalis na nang hawakan nya ako sa balikat.





"Bakit mo ba ginagawa 'to ha? Bakit ka nakikialam?" inis na tanong nya. Tuluyan na kong humarap sa kanya habang di pa rin nya tinatanggal ang pagkakahawak sakin at tsaka humalukipkip.


"May paparating kayong misyon at balita ko kayo ang pinakamahina sa lahat ng grupo ni Black. At ikaw, ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko, hindi ako nakikialam sa pamumuno mo kasi tumutulong lang ako. Pero kung wala ka ng ibang masasabi pwede ba bitawan mo ko." mahinahon kong sabi para bitawan na nya ko ng tuluyan.



"Gusto ko handa na kayo bago sumapit ang ala una ng umaga sa Linggo. Walang sino man ang mahuhuli, nagkakaintindihan ba tayo?" sabi ko dahilan para magkatinginan silang lahat.





"NAGKAKAINTINDIHAN BA TAYO?" pagdiin ko sa tanong ko.




"Opo!" sabay sabay nilang sagot.



"Mabuti kung ganun,simulan nyo na at babalik ako sa Linggo para masimulan nyo na ang pag eensayo." huling bilin ko bago umalis sa base nila.

.....


"Gab! San ka galing?! Ang aga aga mong umalis tapos ngayon ka lang nakarating? Alam mo bang halos mamatay na kami sa pag aa--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Mikie.




"Oo na. Oo na. May pinunatahan lang naman ako ah" paliwanag ko dito sabay akyat ng hagdan dahil sigurado akong pauulanan nila ako ng tanong.



Matapos kong magshower ay kinuha ko na ang papel na ibinigay sa akin ni Black...





RUBY COMPANY INC.


NAME: GEORGE NATIVIDAD



AGE: 62


The most powerful drug lord of gang 508. Recieve 20 million php. Every month.


Ang unti naman ng info.



Hm tsaka. Gurang na pala 'to. Bakit kaya nagpapayaman pa sya eh baka konting araw na nga lang tigok na sya. Pero wala naman akong pakialam, oh well.




Itinabi ko na ang folder atsaka nagsimulang matulog...





"GAB! BANGON NAAA! MAY PASOK TAYO REMEMBER?!" agad akong napabalikwas mula sa pagkakatulog ng marinig ang napakalakas na sigaw ni Mikie.





"Oo na! Eto na nga diba!?" sigaw ko pabalik.




Pagkatapos kong ihanda ang sarili ko ay tsaka ako nagmamadaling bumaba para magbreakfast. Pero sa halip na sina Mikie ang makita ko ay isang bwisita ang nakaupo at parang may inaantay.





"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Raff sabay upo sa harapan nya.




"Sinusundo ka." tipid nitong sagot pagkatapos ay humalumbaba habang pinapanood akong kumain.


"Hindi ko kailangan ng sundo. Kaya kong magdrive." sabi ko rito pero mukha syang walang narinig kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain.


Matapos kong kumain ay tumayo na ako at niligpit ang aking pinggan.



"Tara na. Kanina pa nakaalis sina Mikie. Masyado na tayong late." sabi nya sabay labas para istart ang kotse nya.




Tsk! Sino ba kasing may sabing intayin mo ko....



Sumakay na lang ako at hindi na umangal pa. Para na rin makatipid sa gas.




Nang makarating kami sa school ay nauna na syang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Rinig ko ang pagsinghap at ilang bulungan ng mga kababaihan ng makita nila ako




"Wag mo na lang silang intindihin..." bulong nya sakin. Napangisi ako at hinawakan sya sa balikat. Halatang nagulat sya at kinuha ko na ang pagkakataon para bulungan sya.





They want a game then I'll be a good player....




"Sino bang may sabing papansinin ko sila?" mapang akit na bulong ko tsaka nagsimula ng maaglakad at iwanan sya don.



Nakita ko ang matatalim na titig nila sakin habang ako'y naglakad na patungo sa aming classroom..



*****


(A/N: Hello guys! Sorry kung natagalan! But anyways guys thank you for your support! And happy 3 years! ❤ Love yah! :*)


Please vote comment and follow me po....

Also if you're a GabRu fan please check out their facebook page:

YLAB2016❤TeamGabRu

GabRu Fans (Gabbi Garcia and Ruru Madrid)

.....

#SLYUD

SOMEONE LIKE YOU Where stories live. Discover now