CHAPTER 7

92 2 0
                                    

Chapter 7

Lunch

Gab's POV:

"Teka lang Gab!" lunch namin ngayon at kasalukuyang hinahabol ako ni Khalil. Pupunta kasi ako restaurant sa tapat ng school namin.





Matapos nyang sabihin sa akin na manliligaw sya ay hindi ko na lang sinagot ang tanong nya. Bakit? Kasi...' I want to know him better...' atsaka wala namang masama dun diba? Kung gusto nyang mapahiya then go. I don't care.




"Anong gusto mo? Oorder na kita." nakangiting saad nya. Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.




"Ililibre mo ba ako?" tanong ko pabalik sa kanya. Masama tanggihan ang libre...hehe.




"Oo naman! Kung ayon ang gusto mo" sagot pa nya kaya napangiti na lang akong kinuha ang menu at pinili lahat ng gusto ko.




"Gusto ko nitong C5 pakipaltan ng cokefloat yung coke. Gusto ko rin ng...uhm...A1 at etong fries with burger na B1! Yun lang! Eh ikaw di ka ba oorder?" tanong ko sakanya habang sya naman ay titig na titig na parang may nakaka amaze akong ginawa.





"Oi?!" pagtawag ko sa kanya at nabila naman ako ng bigla syang tumawa.



"Bakit ka tumatawa?"



"Hahaha...wooh! I don't know what to do with you! You're making me like you more! So amazing..." sabi nya na parang nangigigil sakin at naambang pipisilin ang pisngi ko pero di nya magawa dahil alam nyang magagalit ako.





"Ano bang sinasabi mo dyan? Tumayo ka na lang at kunin ang order ko kung ayaw mong umorder.." pahayag ko habang nakakunot ang nuo. Nakakabanas 'tong lalaking ito ah!





" Eto na po ma'am!" magiliw nyang sabi habang patawa tawang naglalakad patungong counter.





Habang iniintay ko na makuha ni Khalil lahat ng order namin ay nilibang ko muna ang sarili gamit ang cellphone ko. Malapit ko na sanang matalo ang kalaban ko nang biglang may humablot sa cellphone ko. Napatingin ako sa hampaslupang gumawa noon.





"What are you doing here?" sabay naming tanong. Aba! Maka- 'what are you doing here' 'to ah! Sya ba ang may ari ng resto na 'to?


"Give me back my phone" I said atsaka ko inilahad ang palad ko sa kanya.



Sasagot na sana ito ng may biglang umimik sa tabi ko.




"She's with me..." sambit ni Khalil.



Agad na napakunot ang noo ni Raff nang makita kung sino ang nagsalita. Nakita ko ang pag tiim ng panga nya kasabay ng pag ikom ng kamao nya. Bumaling sya sakin at walang pasabi sabing hinila ako palabas ng restau.





"BAKIT MO SYA KASAMA?! HINDI MO BA KILALA KUNG SINO SYA?!" galit na sigaw nya sakin.




Imbis na magalit humalukipkip lang ako at tinitigan sya.




"Ano titigan mo lang ba ako?" tanong nya at nakakunot pa rin ang noo, halatang pinipigilan nya ang kanyang galit.




"Sa tingin mo ba tanga ako? Pasensya na ha, pero wag mo akong itulad sayo." sabi ko, lumamlam ang mata nya at mukhang natauhan.




Akmang tatalikod pero pinigilan nya ako sa pamamagitan ng pagyakap mula sa likod ko.




"Sorry...nagalit ata kita eh... Ayoko lang na nakikita kang may kasamang ibang lalaki bukod sakin. Nakakloko mang sabihin...pero nagseselos ako." ramdam ko ang pagbuga ng mainit nyang hininga sa may balikat ko. Humarap ako sa kanya at tiningnan syang mabuti.





Nung una halos patayin nya ako sa titig nya ng malamang ako si Silver tapos ngayon para syang maamong tupa?




"Alam mo Raff...wala kang karapatang magselos dahil walang tayo.." harsh man pakinggan pero yon ang totoo. Matapos kong sabihin yon ay inalis ko ang pagkakayakap nya sakin at nagsimulang maglakad papaalis.


Raff's POV:



'Alam mo Raff...wala kang karapatang magselos dahil walang tayo..'

'walang tayo..'


'walang tayo..'


Paulit ulit na nagreplay ang mga sinabi nya sa utak ko.




'Oo nga naman Raff...walang kayo..' Pero hindi yan ang magiging dahilan ng pagsuko ko...napangisi ako at nagsimula ng bumalik sa susunod kong klase.



"Bakit? Wala  pa rin namang kayo ni Khalil diba? At kung meron man sisiguraduhing kong babaguhin ko yon..."


Gab's POV:



Dumaan ang araw at naririrto na naman ako sa lungga ng mga tauhan ni Raf. Lahat ng pinag uutos ko ay nagawa na nila, malinis ang paligid at lahat sila ay pareparehas rin ng kasuotan. Nakabalandra sila sa aking harapan kasama na ang pinsan ko, si Raf at ang iba pa nyang mga kaibigan.




"Magsimula" utos ko ngunit para silang mga tangang hindi alam ang gagawin. Napapikit ako at napahawak sa sintido.




"Ano bang kalokohan yan! Wala ba kayong mga designated na kapareha?! Bilisan nyong kumilos! Marami kayong kailangang matutunan!" Kanya kanya naman sila ng kilos at pares pares na naglaban.



Kitang kita ang kawalan ng ensayo ng mga ito habang nakikipaglaban kaya't ako'y nagsimula nang mag ikot para sila ay alalayan.



" Hanapin nyo ang kahinaan ng kalaban! Pero wag na wag nyo pababayaan ang inyong depensa! Mananatili itong matibay at sa puntong makita nyo na ang hinahanap nyo ay tsaka nyo ito gamitin bilang panlaban!" Sigaw ko habang patuloy sila sa pakikipaglaban.




Makalipas ang ilang oras ay nakikitaan mo na sila ng pagod may ibang natalo na at ang iba nama'y hindi magawang mawaglit ang kanilang kalaban.



"Walang titigil!"


-To be continued-




******



(A/N: Hello guys! Here's the short chapter 7 of this story! Sorry ngayon lang ako nakapag update medyo busy lang ng school days eh! Atsaka you know huhuhu wala na ang GabRu then umamin narin sina Khalil at Gabbi na sila so ayun....kahit na ganon naisip ko pa rin na ituloy yung story remembrance kung baga yun lang! Love yah! :*)



Please vote comment and follow me po....


Also if you're a GabRu fan please check out their facebook page:

YLAB2016❤TeamGabRu

GabRu Fans (Gabbi Garcia and Ruru Madrid)

.....

#SLYUD

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SOMEONE LIKE YOU Where stories live. Discover now