IKALAWANG KABANATA

23 0 0
                                    

Mag-aalas sais imedya na nung magising ako. Medyo mataas na ang araw kaya nasilaw ako sa liwanag nito.Malapit na kasi ang summer kaya maagang sumisikat ang araw. Sa science namin, yun ang tinatawag na summer solstice na kung saan mas mahaba ang araw kesa sa gabi. Oh di ba? Nakikinig din pala ako sa klase namin.

Hindi ko muna minulat ang aking mga mata. Nagmuni-muni muna ako ng ilang minuto habang hindi maalis sa isipin ko yung mga oras na kayakap ko si Glen kagabi. Yun bang bigla nya akong nanakawan ng halik. Tapos kunwari pakipot pa ako. Yun pala hinahanap hanap ko na. Excited na rin akong pumasok. Naisip ko rin kasi yung sorpresa ni Glen sa akin. Ano na naman kaya ang pakulo nun.

Sa ilang sandali lang, bumangon na din ako. Nag-ayos ng higaan. Deretso sa banyo. Nagsalamin konti. Na-realize ko nung nakita ko yung itsura ko sa salamin, ang ganda ko rin pala kapag bagong gising basta maalis lang yung tuyong laway sa gilid ng labi ko.

Pagkatapos ng ilang minutong pagpupuri sa sarili ko sa harap ng salamin,

“Camille, kain na! Lalamig na tong pagkain. Mahuhuli ka na.” sigaw ni mama mula sa kusina. Yun na ang hudyat para maligo na.

 Pagkatapos ng wet concert ko sa shower, syempre sinuot ko na rin yung napakagandang green na uniform namin sa skul. Oh di ba parang elementary lang? Naglagay din ng lotion sa buong katawan. Pagdating ko sa babang parte ng aking katawan, napansin ko na humahaba ang buhok sa parteng yun. Sa may paa ko. Balbunan kasi ako eh. Para nga akong lalaki. Ayoko namang ahitin baka lalong humaba at magbinting lalaki na ako nun.

Bago ko pa man marinig ang sasakyan nila Hazel sa harap ng bahay namin na sumusundo sa akin tuwing umaga para magkasabay kaming dalawa na pumasok, kumaen muna ako ng agahan na luto ni mama.

Pero bago yun, “May balak ka bang maging singer anak?...” asar ni mama nung madatnan ko sya sa kusina. “Ang ganda kasi ng boses mo. Pero huwag mo nang ulitin ha? Wala pa tayong budget pambili ng bagong salamin.” bulalas nya sabay ngiti na abot hanggang tenga.

“Ma naman, wag ka nang magtaka.  Alam mo na kung saan ako nagmana di ba?” banat kong sagot sa kanya at pagkatapos sabay kaming tumawa.

Sinangag at pritong daing na bangus ang lutong agahan. May kasama pang talong at toyo na may kalamansi ang sawsawan. Napadami ako ng kain sa sobrang sarap ng inihanda ni para sa akin ni mama.

Nagpaalam na ako pagkatapos kong kumaen. Palabas na ako nang maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko nung paghawak ko sa doorknob namin para buksan ito. Nakapagtataka yun. Hindi naman cguro mataaas ang blood pressure ko at isa pa bata pa naman ako para alalahanin ang mga bagay na yun.  So hindi ko na lang pinansin yung napakaliit na bagay. Wala naman sigurong masamang pahiwatig yung naramdaman ko. Maliban na lang kung tatanga-tanga ako at madapa ako. Pero pagkasabi ko pa lang ang bagay na yun, natapilok na ako. Tinawanan pa tuloy ako ng bruha kong bestfriend.

Sa mga oras na magkasama kami sa loob ng sasakyan nila Hazel papuntang skul, hindi nya pa rin tinigilan ang pangungulit sa akin about sa first kiss ko kay Glen. At nagulat na lang ako sa sumunod nyang tinanong sa akin, “Anong nangyari kagabi bestfriend? Natuloy na ba?”.

Syempre nung una kung marinig yun, I was caught off guard. Nagtaka ako pero sigurado akong tama ang hinala ko na spy sa loob ng bahay namin. Tatlo lang naman kami kagabi. Ako, si Glen at si… hay naku. Alam ko na. Kaya pala pinaghanda nya ako ng masarap na agahan, alam nyang malalaman ko din kay Hazel ang ginawa nya. At para hindi ko na sya kulitin pagka-uwi ko mamayang hapon.

The Fallacy of First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon