IKASYAM NA KABANATA

44 0 0
                                    

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Pero  pagpasok ko sa pangalawang araw ng huli naming taon sa kolehiyo ni Hazel, medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Wala rin ako sa mood makipagkulitan sa best friend ko nung nasa sasakyan kami papuntang eskwelahan.

Kaya nung nasa classroom na kami habang hinihintay namin si Mr. Hoven , instructor namin sa Thermodynamics V, hindi na naiwasan ni Hazel bitawan ang pambato nyang pang-asar,

 “Best meron ka ba?” tanong nya sa akin sabay hawak sa ulo ko habang ako’y nakayuko sa aking desk.

Hindi ko sya pinansin dahil kung sakali, hindi na naman sya titigil sa pangungulit.

Bago pa sya magtanong ulit,

“Good morning class.” Bati ni Mr. Hoven. Hindi ko naramdaman na nasa harapan na pala sya.

“Good morning sir.” Sagot ng buong klase.

“Uhm. Bago natin i-preview yung syllabus ng ating subject, i-welcome muna natin ang bagong myembro ng klase natin na transferee mula sa ibang skul…” tumahimik ang lahat habang hinihintay banggitin ng instructor namin kung sino yung bagong naming kaklase at ako,  wala pa rin sa mood at nakayuko pa rin sa desk ko. “…alam kong kilalang kilala nyo na sya dahil mula ngayon…”

Kilalang kilala? Pagtataka ko sa sarili ko. Paano namin sya makikilala eh transferee nga. Baka medyo na-eexcite lang ang sir namin kasi may nadagdag na rin sa sampung myembro ng aming klase. Kami lang kasi ang naka-survive sa mga terror naming teacher na wala ng ginawa kundi magbagsak ng mga estudyante. Syempre sa mga sampung iyon, kasama kaming tatlo nila Hazel at Harold. Pasalamat na lang kami kay Harold sa galing nya.

Tahimik pa rin ang lahat. Naghihintay pa rin sa pangalan nababanggitin ni Sir Hoven. “…magiging kaklase nyo na si Mr. Keith Velasquez.”

Mas lalong tumahimik ang klase maliban na lang nung may narinig akong pumasok sa pinto ng classroom namin habang ako ay nakayuko. “Ahhhhhh!” sigaw ng mga kaklase ko.

Mula sa pagkakayuko ko, muntik na akong nahulog sa kinauupuan ko sa sobrang gulat dahil sa pagsigaw ng mga babae kong kaklase. Syempre medyo nainis ako. Ano namang klaseng babae yung mga yun. makarinig lang ng pangalan ng lalaki, nawawa-poise na.

Hindi ko naman sila masisisi kung ngayon lang ulit sila magkakaroon ng isa pang lalaking kaklase maliban kay Harold.

Yung iba nagbubulungan pa.

“Ang gwapo nya pala talaga sa malapitan.”

Tinaas ko yung ulo ko at tumingin kay Hazel para tanungin kung ano ba ang nangyayari. Pero pati ata sya naapektuhan sa pagdating ng lalaki kasi hindi ko sya matanong sa sobrang tulala at hindi makapagsalita. Ilang sandali lang, tinignan nya na rin ako sabay banggit ng, “Best sya yun!” habang tinatapik nya ako sa balikat na parang sobrang na-excite o di kaya naman kinilig ulit?

Hindi ko pa rin alam kung sino yung binabanggit ng best friend ko na “sya”. kaya hindi ko pinatagal pa para tignan ang bago naming kaklase.

Pagtingin ko sa kanya, parang nakita ko na si Christian Bautista sa malapitan sa mukha nya. Pero mas malapad lang mukha nung bagong dating na kaklase namin. Bumati sya sa klase namin. “Hi.” Saka ngumiti. Dahilan ng paglabas ng aking tutuli sa tenga sa sobrang lakas ng hiyawan ng aking mga kaklase kong malalandi. Syempre hindi papa-exempt si Hazel. Hindi ko pa tuloy maaninagan kung sino yung hinihiyawan nila.

Nung medyo tumatahimik, luminaw na ang itsura nung lalaki. Naisip ko ulit yung sinabi ng best friend ko na “…sya…”. Napagtanto ko, sya nga yung lalaking yun. Kaya nung na-realize ko kung sino nga yung tao na yun, kumulo agad ang dugo ko at hindi ko na napigilan ang aking sarili para isigaw ang aking pagkagulat, “IKAW?!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Fallacy of First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon