KATOTOHANAN

77 1 0
  • Dedicated kay Kristelle Joy Ligaya Salazar
                                    

“First love never dies.”

Yan ang mga katagang kaygandang pakinggan nung mga panahon na una nating naramdaman ang epekto ng pag-ibig sa ating kamalayan. Kasama rin ng mga panahong yun yung mga bagay na kaysarap balikan. Yun bang mga panahon na makikita mo pa lang si first, kumpleto na ang araw mo. Tapos pagkauwi nyo, magtetext ka pa sa kanya ng “Miss na kita”. Yun din yung mga panahon na napakahalaga ng monthsary. Bawat monthsary may bulaklak. May chocolates. May love letter na may nakasulat na “sana wala nang iwanan”. First to fifth monthsary yan ang pinaka-intense na effort. Sixth and above, Oh my God, text na lang ang batian. Minsan hindi lang sya magtext, sumasama na loob mo. Nahihirapan ka pa sa paghinga. Oh di ba? Ako rin ay may tama? Kapag hindi na makayanan ang awayan, mararamdaman mo na rin yung kasama ng first love, yung first break up.

Sabi nga natin, sa first love, doon mararanasan lahat ng first. First kiss? YES! Kilig todamax moments? CHECK! Pero sa kabila ng mga magagandang karanasan natin sa first love, syempre hindi mawawala dyan ang una nating katangahan. Kapag nag-break na, magkukulong sa kwarto, iiyak ng bongga sabay sasabihin mo sa sarili mo “Ayoko nang mabuhay.” Hay naku. Naaalala mo yung ka-echosan mo no? (laugh) Wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa. Kaya kelangan mo na ding mag-move-on. Pero bakit ganun di ba? Sampung taon na nga nung mawala ang inaakala mong tadhana nang makita mo lang sya na may kasamang iba, oh di kaya naman may anak na, OMG, chaket no?

Minsan sobrang nakakalito na ang nararamdaman natin, di ba? Sobrang tagal na nga nung si first ay mawala, wala pa rin tayong magawa kundi umiyak habang nakahiga sa kama. May mga bagay talagang sobrang nakakalito. Lalo na sa simpleng aralin sa eskwela. Tulad na lamang ng pagpili ng tamang tense ng verb na ilalagay sa sentence. Nalilito tayo kung present, past or future tense ang gagamitin. Meron pa nga yung simple perfect tense, past perfect tense at yung future perfect tense. Idagdag mo pa yung ibang tenses. Di ba nakakalito? O di kaya naman ang pagkuha ng value ng “x” sa isang equation na binigay ni Teacher sa Math. Akalain mo, dahil kay “x”, dudugo na ata utak mo.  Minsan nagkukunwari ka na boring ang subject na Math tapos hindi ka na makikinig. Pero sa katunayan, hindi mo lang talaga alam ang pinag-uusapan.   Naka-relate ka ba? Ganyan din ang mga kaklase ko. At paminsan-minsan, ako din. Minsan sa sobrang kalituhan, nakakabaliw na di ba? Hindi mo alam tuloy ang isasagot mo pagdating ng quiz. Kopya ka na lang kay friendship.

Meron ding mga bagay sa buhay na minsan sadyang nakakalito rin. Meron yung pagkakataon hindi naman natin hinihiling mangyari, nangyayari. Minsan maganda ang dating. Pero minsan mahirap tanggapin. Meron yung pagkakataon na darating ang balita na nanalo ka sa lotto. Sa sobrang kasiyahan mo, magtatalon-talon ka sa tuwa at sa sobrang tuwa, lalabas ka pa ng kalsada at magsisigaw-sigaw na parang nagwawala. Meron naman yung pagkakataon na lalabas yung mga pakaalaga mong numero sa lotto. Tapos malalaman ng mga kamag-anak mo ang magandang balita at syempre hindi nila maiwasan ang magsisitalon sa galak. Inunahan ka pang magsaya. Ngunit  ang kasiyahan na yun ay biglang mapapawi ng dala mong balita sa kanila na sa araw pala na yun hindi ka pala nagtaya. Kamuntik na!

Meron naman yung pagkakataon na nasa gitna ka na maraming tao nang biglang kumati yung puwet mo tapos hindi mo makamot sa sobrang dami ng nakatingin sa ‘yo.  Bakit pa sa pagkakataong kelan mahirap, doon karaniwan nangyayari ang ayaw mong mangyari. Kaya minsan sa sitwasyong iyon, nagkukunwari ka na may dumi sa puwet mo tapos papagpagin mo ng sobrang diin na para na ring nakamot mo.

Yun ang mga simpleng bagay na hindi natin maikakaila. Pero punta naman tayo sa seryosong usapan. Sa tingin mo ba may mas nakakalito pa sa sitwasyon na kelangan mong mamili ng isa sa dalawa mong gusto? Bag o high heeled sandals? Hikaw o Bracelet? Kwintas o singsing? Burger o pizza? Ice cream o chocolate? Beach o spa?

Hindi ba mahirap? Kaya seryosong usapan ang tawag. Parang pagbibihis lang natin yan eh. kelangang ng mahabang oras at  kelangan din ng maraming balik sa harap ng salamin para makita kung saan tayo gaganda. Para maging maganda talagang kelangan ng masinsinang pagpili.

 Habang naiisip ko ang mga simpleng bagay na yun, nawawala ang kamalayan ko sa mundo. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit sa sobrang simple ko, napakagulo ng aking mundo. Kung tutuusin common sense lang ang kailangang gamitin. Pero hindi ko maiwasang maniwala sa kasabihan ng taklesa kong guro sa Filipino na mahirap pala talagang pulutin ang common sense.

Sabi ko nga, simple lang ako kaya isa lang akong simpleng babae. Kontento na sa kung anong meron ako. Hindi naman ako choosy, praktikal lang. Pero hindi ko alam kung bakit palaging napupunta sa akin ang mga magagandang bagay. Hindi ko na tuloy maiwasan ang maniwala na talagang lapitin lang talaga ako ng tinatawag ng aking bestfriend na swerte. Pero ang mga magagandang bagay na yun ay hindi rin nagtagal. Hanggang sa una lang pala. Sabi nga nila, kapag madali mong nakuha, madali rin itong mawawala.

 Yan ang tunay na ako. Simple pero sobrang gulo.

The Fallacy of First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon