IKALIMANG KABANATA

38 0 0
                                    

Pagkabitiw ko ng mga salitang iyon, pakiramdam ko napaka-rude ko sa kausap ni mama. Pero sa tingin ko tama lang yun dahil alam ko sanay na ang kausap ni mama na marinig sa akin ang mga ganong kataga. Maliban dyan, alam namin dalawa nung kausap ni mama na mas mean sya sa akin kapag nagbibitiw ng salita. At sigurado ako, sa kanyang sagot pa lang, makokonpirma na ang aking hinala.

“Ow my God! Ang pangit mo bestfriend!” sagot sa akin ng kausap ni mama.

Sabi ko na nga ba na pamilyar talaga ang boses na yun. Mga boses na kapag narinig mo pa lang, siguradong ikaw ay mapapangiti. Pero yun din ang boses na minsan ikaw ay maiinis kapag narinig mo itong nanlandi. Pero kahit ano pa man ang meron sa mga boses na yun, masaya pa rin ako dahil nandito ang taong nagmamay-ari ng boses na yun. Kahit papano mapapawi ang lungkot ko kapag nandito ang isa sa mga taong nagpapasaya sa akin. Ang aking bestfriend, si Hazel.

Medyo sa una hindi ko sya nakilala. Medyo gumanda kasi sya sa kanyang maputing kutis na dati mas maputi yung sa akin. Yung kasing-kulay ng kanyang budhi na buhok, naging kulay mais na pinapakain sa mga manok. Sa tingin ko din naging mas malandi sya sa kanyang suot na sleeveless at mini-skirt.

“Ikaw na ang maganda.” Sumbat ko sa napaka-prangkang sagot ni Hazel. “Isa pa maaga pa bestfriend gumagala ka na…Wala pang costumer.” Pati rin si mama tumawa na rin nung marinig nya yung pang-aasar ko sa parang pokpok kong bestfriend.

“Nakakatawa bestriend!”

“Oh sya, tama na yan. Bago pa magka-giyera, mag-aayos na muna ako. Dahil sigurado ako, mapapasubo ako sa pagandahan.” Singit ni mama.

“Dalian nyo po tita, baka kapag hindi ako makapagtimpi, sabog sabog na ‘tong anak nyo pagkatapos nyo.” Pabirong sabi ni Hazel kay mama na kunwari pinaparinggan nya ako.

Pagkaalis ni mama, dali dali kong niyakap ang sexy kong best friend. Pakiramdam ko naibsan ng konti ang aking kalungkutan nung makita ko syang nandito lang sya malapit sa amin ni mama. Taliwas sa pagkakaalam ko na nasa ibang bansa na sya para doon mag-aral. Tungkol pala sa bagay na yun, “Akala ko ba lumuwas na kayo papauntang ibang bansa?” tanong ko kay Hazel.

“Oo. Pero isang linggo lang ang tinagal ko dun. Pinakiusapan ko kasi si mama na kung maari dito na lang ako sa Pilipinas mag-aaral.”

“Buti pinayagan ka?”

“Alam kasi nila na may isang tao na nangangailangan ng nurse sa mental.”

“Swerte naman ng baliw na yun.”

“Oo. Swerte mo talaga”

Kahit ano pa man ang pang-aasar ng best friend ko sa akin, masaya pa rin ako dahil nandito sya. “Thank you best friend.”

Habang hinihintay namin si mama sa pag-aayos ng kanyang sarili, kinwento lahat ni Hazel ang kanyang karanasan sa isang linggong pananatili nya sa Spain. Una na dyan ang mga lalaki na na-gwapuhan nya. “Nakakawala ng poise”. Yan ang description nya sa mga nakita nyang lalaki dun sa pinuntahan nya. Kasi nung nakakita daw sya ng gwapo dun, tulala ang inabot nya. Dagdag pa dyan ang  pagkatumba nya sa kanyang inuupuan. Kung may isang hindi nagbago sa kanya, yung kalandian nya. Pero natutuwa ako every time na nagkwekwento sya ng mga kakulitan nya.

Pina-inggit nya din lahat ng mga lugar na pinuntahan nya. Isa na dun ang mga football stadium na pinasukan nila kapag nanonood ng mga football match. Habang kinukwento nya ang mga yun, hindi ko maiwasang maalala si Glen. Sigurado ako kapag nakapaglaro sya sa mga ganung kalaking stadium, alam kong nakamit nya na ang pangarap nya. Ang Spain kasi ang pinakasikat pagdating sa sport na football. Lahat ng football players inaasam na makapaglaro sa bansang iyon. Isa na dun si Glen. Pero sigurado ako, imposible na ang mga bagay na yun.

The Fallacy of First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon