IKAAPAT NA KABANATA

11 0 0
                                    

Kasabay ng simula ng panibago ay ang pagsalubong ng maliwanag na sikat ng araw paglabas ko ng aming kwarto. Dalawang buwan mula na nung naiwan ako ng pag-usad ng sibilisasyon. Dalawang buwan mula nung makadanas ako ng masakit na resulta ng aking katangahan. Dalawang buwan na mula nung mawala ang pinakamamahal kong lalaki. Pero ang pinakamasakit sa mga nangyari sa loob ng dalawang buwan na iyon ay yung mawalan ako ng malay tapos kawalan ang aking mababalitaan sa pagbabalik ng aking kamalayan. Pero sa kabila ng mga nangyaring iyon, kailangang magsimula ng panibago. Kailangang mabuhay sa kasalukuyan.

Alas syete na ng umaga ng gumana ang aking sorpresa kay mama matapos ang ilang buwang wala akong pakialam sa aking mundo. Para mabayaran ko ang hirap na tiniis ni mama para sa akin sa pag-uunawa ng aking kalagayan sa mga oras na kailangan ko ng katahimikan, pinakita ko ang bagong simula na aking uumpisahan kasama sya.

Kitang kita ko ang kasiyahan na nararamdaman ni mama na sa tinagal ng panahon ng aking pagkukulong,

“Mukhang laya na tayo anak ah.” Pabungad ni mama sabay guhit ng matamis nyang ngiti nung makita nya akong nag-aayos ng aming hapag kainan.

“Ma naman, para naman akong bilanggo sa sinabi mo eh.” parekalamo kong sagot sa kanya

“ Eh anong tawag mo sa ginawa mo?”

“ehmmm...” nag-isip ako ng pambanat na sagot kay mama. Pero, “…Oo na warden. Salamat sa pagpapalaya.”

Pagkasabi ko kay mama ang mga salitang iyon, inuna muna nyang tumawa kesa sabihin na, “Namiss kita ng sobra anak.” Pagkasabi ni mama yun, hindi na nya mapigilan ang pagtulo ng kanyang luha habang pinapakita nya ang kanyang mala-anghel na mga ngiti.

“Sorry po ma.” sagot ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Ramdam ko ang init ng luha ni mama sa aking balikat.

Sa mga oras ding yun, ramdam ko ang aking pagkabata. Walang inaalala. Wala akong ibang maisip maliban sa mapangpawing yakap ni mama. Kung ito lang sana ang aking ginawa nung mga pangahong kailangan ko ng masasandalan, hini ko sa mararanasan na ako ay nag-iisa lang dahil sa pagkawala ng pinakamamahal kong lalaki sa buhay ko. Kung pinansin ko lang sana si mama nung mga panahon na kailangan ko ng makakapagpakalma, hindi ko sana maiisip na lahat sa akin ay nawala na.

Bilang kabayaran sa aking pagkamakasarili, sinadya kong maunang gumising kay mama para ako na ang magluto ng aming agahan. Kahit na hindi pa ako marunong magluto at malabo kong mapantayan ang sarap ng luto ni mama, ginawa ko pa rin ang aking sorpresa para sa kanya. Alam kong matutuwa sya kapag makikita nya akong lumabas na sa aking selda.

“Oh sya, bago pa mahaluan ng anumang maalat na sabaw ang ating pagkain, mag-ayos ka na. Drama mo kasi eh.”  utos ni mama habang inaalis nya ang pagkakayakap nya sa akin at ngumiti kami sa isa’t- isa.

“Aaaahh? Mama naman eh. Ini-spoil mo ang moment!” banat ko kay mama.

“Sori naman daw…” Sagot ni mama. “Dahil may sorpresa ka sa akin, ako naman ang may sorpresa sa ‘yo” pasabik na sabi ni mama sabay banggit na may tatawagan lang sya.

Nung sinabi ni mama yung bagay na yun, napaisip ako kung ano naman ang sorpresa ni mama sa akin. Sinabi nya na may tatawagan lang sya. Baka tatawag lang yun sa mga fast food chain na nakabukas na para mag-order ng sobrang daming pagkaen para magselebreyt. Kung ano man yun, sigurado ako bongga ang sorpresa ni mama.

Itlog, hotdog  at noodles ang niluto ko para sa aming agahan. Naisip ko na lunes pala nung araw na yun. Nag-isip ako ng puwedeng magawa sa buong araw.

“Ma anong magandang movie ngayon? Nood tayo ng sine? Sagot ko ngayon.” alok ko kay mama.

“San ka naman nagtratrabaho nung habang nakabilanggo ka aber?” tanong ni mama.

The Fallacy of First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon