Masakit iwan at bitawan ang lalaking mahal na mahal mo. Masakit piliing palayain ang lalaking minahal mo ng sobra dahil alam mong yun ang mas makabubuti para sa kanya. Masakit ipagtabuyan at paalisin sa buhay mo yung lalaking walang ibang ginawa kundi ang ipaglaban ang relasyon niyo. At ang pinakamasakit sa lahat ,yung makitang umiiyak yung lalaking mahal mo na walang ibang ginawa kundi ang pasayahin ka at buuin ang araw mo. Wala na. Wala na ang lahat.
Mahirap man pero kailangang tanggapin dahil iyun ang tama. Kaya mas pinili ko na lang pakawalan sya dahil ayokong mawala ako dito sa mundo na makita syang malungkot. Dahil gusto pag nawala ako may mag aalaga sa kanya ng higit pa sa pag aalaga ko sa kanya, may mag mahal sa kanya ng higit pa pag mamahal na ibinigay ko sa kanya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
PLEASE VOTECOMMENTSHARE☺