CHAPTER 1

27 0 0
                                    

•Cailey•

   "Ano ba Cailey, ganun-ganun na lang 'yon? Sa loob ng 4 na taon na pinagsamahan natin basta-basta mo na lang tatalikuran?! Pvtangina naman Cailey! Mahal kita! At alam kong alam mo kung gaano kita kamahal. Tapos aalis ka?! Iiwan mo ako?! Papatayin mo ba ako?! BAKIT?! May nagawa ba akong mali sayo?! Ano?! Sabihin mo naman. Hindi yung nag mumukha akong tanga dito na nag hihintay ng sagot kung, bakit mo kailangang tuldukan ang relasyon na meron tayo?" sigaw nya.

  Hindi ako makasagot sakanya, dahil gusto ko man sumagot ngunit walang lumalabas na salita sa bibig ko. Kaya pinili ko na lang na tumahimik at nag simula na ang pag tulo ng mga luha ko na tila nag uunahan ng bumagsak.

  "Wala ka ba talagang sasabihin?! Mag salita ka naman oh!! Bakit ba kailangan mo gawin 'to? Wag ka nmn bumitaw oh. Wag mo namang sayangin yung 4 na taon na pinagsamahan natin oh! Parang awa mo na Cailey! Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Please! Wag kang bumitaw. Mahal na mahal kita." Pag mamakaawa nya sakin habang tumutulo na rin ang kaniyang mga luha.

"Umalis ka na Gab!!"Sigaw ko sakanya pero di sya umalis.

"Umalis?! Hindi ako aalis dito hangga't hindi malinaw sa akin ang lahat nang 'to! Cailey! Parang pinatay mo na din ako sa ginawa mo!!"-Gab

"UMALIS KA NA SABI!!!" Sigaw ko.

"Ayoko!!! Hindi ako aalis dito hangga't di mo sinasabi sa akin kung bakit ganun na lang kadali para sayo na iwan ako! Hindi ako aalis dito hangga't~~~~"Pinutol ko ang sasabihin nya siguro dala na rin inis at sakit na nararamdan ko."HINDI NA KITA MAHAL!! MAY IBA NA KONG MAHAL! AYOKO NA SAYO! HINDI NA IKAW! KAYA UMALIS KA NA!!" pasigaw kong sagot sa kanya.

"Hindi totoo yan Cai! Mahal mo ako! Nag bibiro ka lang nmn 'di ba! Mahal mo ako!" Sabi nya habang pinipilit nyang tumawa sa akalang nag bibiro ako.

"Hindi biro lahat ng sinabi ko Gab! Sorry pero hindi na kita mahal! Kaya umalis ka na! Umalis ka na dahil HINDI NA KITA KAILANGAN SA BUHAY KO! Iba na ang mahal ko. Hindi na ikaw!! KAYA PLEASE LANG UMALIS KA NA!!"

Umiiyak na sigaw ko at mabigat sa loob na isinara ang gate ng bahay namin.
 
Masakit iwan at bitawan ang lalaking mahal na mahal mo. Masakit piliing palayain ang lalaking minahal mo ng sobra dahil alam mong yun ang mas makabubuti para sa kanya. Masakit ipagtabuyan at paalisin sa buhay mo yung lalaking walang ibang ginawa kun'di ang ipaglaban ang relasyon niyo. At ang pinakamasakit sa lahat ,yung makitang umiiyak yung lalaking mahal mo na walang ibang ginawa kundi ang pasayahin ka at buuin ang araw mo. Wala na. Wala na ang lahat.

Sa sandaling ito lumakas pa lalo ang buhos ng ulan. Pero mas pinili kong manatili sa aking kinatatayuan kahit na basang-basa na ako. Ngayon ay nakatalikod ako sa gate ng bahay namin at naririnig ang pag kalampag nya at pag pupumulit na buksan ko ang gate  namin. Ang bawat paghikbi nya na kumukurot sa aking puso. At ang bawat pag sigaw nya ng "Mahal na Mahal Kita" ay lubusang dumudurog sa puso ko. Bakit?! Bakit kailangan pa nating damuting sa ganitong point ng buhay?! Bakit pareho tayong nasasaktan ng ganito?! Bakit ang unfair sa atin ng mundo?! Mahal na Mahal din kita Gab💘. Pero mas mabuti na rin siguro na mawala ako sa mundong 'to na tapos na kung ano ang meron tayo, kesa mawala ako na ako pa din 'yang  nasa puso mo. Iiwan kita, hindi dahil hindi na kita mahal. Iiwan kita, dahil gusto ko, bago ako mawala may ibang tao na mag mamahal sayo nang higit pa sa pag mamahal ko. Gusto ko na may ibang tao na mag aalaga sayo nang higit pa sa pag aalaga ko. At gusto ko na may mag papasaya sayo at makakasama mo ng matagal na hindi ko magagawa sayo. Hindi ako mag tatagal sa piling mo kaya hindi ako karapat dapat sayo. I'm sorry Gab. I'm really sorry.....

Napaluhod at napatingala na lang ako sa langit habang pumapatak ang ulan sa aking mukha sabay nito ang pag patak ng aking mga luha. Hanggang sa naramdaman ko na bisig na yumakap sa akin. Si Mama....
"Anak. Tara na pasok na sa loob. Tahan na. Ala na sya." Umiiyak na tono ni Mama
"Mama.." Sabi ko habang umiiyak na parang bata sa balikat ng kanyang ina. Ang bigat bigat sa pakiramdam ko.Para akong iniwan ng mundo, kahit na ako ang nang iwan sa lalaking naging mundo ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A\N

Hi po hehehe pag pasensyahan nyo na po. First time ko lang po kasi mag sulat ng story sana po nagustuhan nyo.

PLEASE VOTE•COMMENT•SHARE😘💘

Story Behind 11:11 ( Make A Wish)Where stories live. Discover now