CHAPTER 4

13 0 0
                                    


•Cailey•

  Dalawang araw na lang ang nalalabi sa aking buhay... Bukas na ang kasal nya.. At bukas mabubura na din ako sa mundong 'to. Hinang hina na ang katawan ko pero pinipilit ko pa din na lumaban... Kinausap ko sila mama kung pwede akong lumabas... Gusto kong puntahan ang pinaka importateng kugar sa buhay... Sa simbahan... Simbahan kung saan ipinangako ni Gab kami ikakasal sa ika- anim na taon namin ngunit hindi pala iyun matutupad dahil sa sakin😣😷.

Lumuhod ako.... Tumungo... Pumikit at kinausap sya.

"Salamat po sa buhay na ipinahiran ninyo sa akin. Salamat po kasi nakilala ko sya.. Yung taong bumuo ng buhay ko.. Yung lalaking minahal ako sa loob ng apat na taon.. Salamat po kasi sa kabila ng lahat ng pagsubok na pinagdaanan ko , pinatatag mo ko... Salamat po kasi naging matapang din ako.. Salamat po sayo... Salamat po Panginoon... May hihilingin po sana ko sayo.. Wag mo po syang pababayaan ha?.. Gusto ko po syang maging masaya.. Bukas.. Sa huling araw ko, sana ... Sana makita ko po syang nakangiti.~~~~~~"

"Cai....?" -??? Napatigil ako ng may tumawag sakin at ng makita ko kung sino ito laking gulat ko.

"Vina?!" Gulat na sabi ko sakanya. Bakas rin sa kanyang mukha ang pag kagulat nang makita nya ako.

"Anong ibig mong sabihin? Anong nangyari sayo?! Bakit ka nag kaganyan?! Anong sinasabi mong huling araw?!"- Vina

Ngumuti ako sa babae na nasa aking harapan.... Ang bagong babae na nag papasaya, mag aalaga at higit sa lahat ang bagong babae sa puso at buhay nya.

" Kaya mo sya iniwan?!? Cai... Anong sinasabi mong huling araw?!" -Vina

"Masaya na ako para sa inyong dalawa. Vina.. Maraming salamat at nandun ka noong araw na kailangan nya nang masasandalan. Alagaan mo sya... Mahalin mo sya ha... Pag pasensyahan mo na kung minsan makulit sya.. Pag galit sya, lambingin mo lang... Ok na sya, kayo mawawala na agad ang galit nun... Make him happy every second, minute, hour, and day of his life. Promise me" Sabay na pumatak ang aming mga luha.

"Bakit di mo na lang sinabi sa kanya?!" -Vina

" Alam mo naman na ayoko ang nakikita syang nahihirapan at nalulungkot sya sa sitwasyon ko. At ang pinaka ayaw ko ang tuluyang mag dusa sya sa pag kawala ko. Malala na ang sakit ko. May na din ang buhay ko.. Bukas.. Bukas maaring bawian na ako ng buhay. Kaya ipangako mo sakin na aalagaan mo sya... At mamahalin."

•Gab•

Ngayon na ang araw ng kasal namin. Tumingin tingin ako sa paligid, para hanapin sya. Ngunit nabigo ako ni kanyang anino ay hindi ko nakita.
Nasa loob ako ng simbahan.... Pinaka espesyal na arw sa dalawang taong nag mamahalan... Ikakasal na ako... Pero bakit ganto ang bigat bigat ng nararamdaman ko?! Bakit parang kinokontra ng puso ko ang isip ko sa naging desisyon nito?! Hindi ko namalayan na nag lalakad na pala si Vina sa isle suot ang gown na napili naming dalawa... Pero bakit?! Bakit parang umiiyak sya?! Sobrang lungkot ng kanyang mga mata. Hanggang sa makalapit sya sa akin... At yumakap ng sobrang higpit...

Tila pinag sakluban ako ng langit at lupa ng marinig ko ang kanyang sinabi.

"Puntahan mo na sya... May taning na ang buhay nya... May cancer sya... Ngayong araw ang nakatakda na bawian sya ng buhay... Puntahan mo si Cai... Kailangan ka nya... At mahal na mahal na mahal ka nya..." Kasabay ng pag tulo ng aking mga luha ang simula ng pag takbo ko patungo sa aking sasakyan. Agad kong pinaandar ang aking sasakyan at pinaharurot patungo sa hospital na sinabi ni Vina. My heart skipped a beat.

"Please Cai!"

"Lumaban ka. Malapit na ako."

"Don't leave me. Please fight for us."

"Cai... Mag kikita pa tayo. Mag kikita tayo!!"

"Don't give up! I'm coming, wait for me!"

"MAG KIKITA TAYO!!"

****BOOOOGSHHH!!!!!!****

And all went black
-

Third person's View

Sa sobrang bilis ng pag da dribe ni Gab, hindi nya napansin na may truck na nakasalubong sa kanya.

Nawalan ng preno ang truck na sasalubong sa kanya... Napalakas ang impact nang banggaan... nNa naging dahilan ng pag sugod sa kanya sa hospital... At sa pag kakataong iyun dinala sya sa katabing kwarto kung saan binabawian ang isang babae na may malubhang kalagayan.... Si Cailey...

Sa pag kakataon ding iyon sabay silang binawian ng buhay....

TIME OF DEATH 11:11

Tinupad ni Gab ang kanyang pangako kay Cai na.... Mag kikita ulit sila at mag kakasama sa lugar kung saan walang problema. Kung saan habambuhay sa piling ng isang AMA na nag lumikha ng kanilang LOVE STORY...

-------------------THE END---------------------

Thank you po sa mga nag basa at mag babasa☺

First and last story ko na po ata 'to ☺

PlEASE VOTE•COMMENT•SHARE💘💝

Story Behind 11:11 ( Make A Wish)Where stories live. Discover now