CHAPTER 3

11 0 0
                                    

•Cailey•

  Sadyang napakabilis ng panahon. Dalawang linggo na ang nakalipas. Isang linggo na lang pala. Ibang-iba na ang itsura ko. Wala na yung dating lakas ko. Halos buto at balat na lang ako. Wala na yung Cailey na maganda at dyosang dyosa daw. Yung buhok ko halos wala ng natira.... Wala na yung dating haba ay lambot nito. Yung katawan ko na halos lahat ng gusto kong gawin ay nagagawa konpa ngunit nagayon ay ala na para akong lantang gulay.

Pinatanggal ko ang machine na nakasalpak sa akin. Dahil napag desisyonan ko na sa loob ng isang linggo na natitira sa buhay ko, ay hindi ako mananatili sa loob ng puting kwartong ito, sa loob ng ospital na ito. Gusto kong masilayan muli ang ganda ng labas. Gusto kong marinig ang mga ingay na galing sa mga sasakyan na matagal kong hindi narinig. Ang mga tao sa labas.

At ang masasabi ko lang ngayon ay handa na talaga ako. Handa na ako... Dahil masaya na sya. Handa na ako... Dahil may mahal na syang iba. Handa na ako... Dahil may nag aalaga na sa kanya. Handa na ako... Dahil nagawa nyang mag pasok ng iba sa puso nya. Handa na ako... Dahil ikakasal na sya.😣☺

Siguro dahil pinasabi ko kay mama na sabihin sa kanya na ikakasala na ako sa iba para tuluyan na nya akong bitawan. At tanggapin nya na hinding hindi na talaga ako babalik pa sa buhay nya.

•Gab•

Dalawang linggo na din ang nakalipas. Ang daming nag bago. Isa na dun yung nalaman ko na mag papakasal na sya. Yun yung naging sign ko para bumitaw sa pag habol ko sa kanya. At ang pag iisip na babalik pa sya sakin.

Si Vina... Di sya nawala sa tabi ko. Sya ang naging sandalan ko nung mga panahon na hindi pa ako nakaka move on sa pag iwan nya sakin. Kahit ilang bese ko pa syang pag buhatan ng kamay at ipag tabuyan hindi sy umalis. Kaya napag desisyonan ko na din na baguhin ang aking buhay at sanayin na magiging iba na ang takbo nito. Pinapasok ko na si Vina sa puso ko... At pumayag nadin sa desisyon nila Daddy na pakasalan sya.

Kahit ngayon hindi ko parin maitatanggi na sya parin ang mahal ko at lagi syang may space dito sa puso ko.

Sa linggo na ang kasal namin ni Vina, isang linggong pag hahanda. Napag isip isip ko na dumaan muna sa park, bago ako sumunod kay Vina dahil may meeting kami with the wedding planner. Sa pag lalakad ko.... May natanaw akong babae na nakahinto sa puno. Ang punong lagi naming tinitigilan ni Cai. At ang punong iyun ang naging saksi sa apat na taong pag sasama namin. Nakatalikod ang babaeng iyun sa kinatatayuan ko. Hindi ko malaman ang dahilan ng biglang pag bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Imposible naman na si Cailey yun dahil maikli ang buhok nito... Imposible rin na si Cai yun dahil naka wheel chair sya. Lalapitan ko na sana ito, ngunit may nurse na lumapit sa kanya at sinamahan na sya pabalik sa sasakyan nila. Di ko na sila nagawang sundan... Nang lumapot ako sa puno may nakita akong papel na nakatupi sa tapat nito. Agad ko nmn pinulot iyun at binasa ang nakasulat dito.

Gab,
     Salamat sa ala-ala na nabuo kasama ka. Salamat sa mga taon na pinaramdam mo sakin kung gaano ako kahalaga. Salamat sa pag mamahal at pag alalaga mo sa kin ng subra sobra. Patawad... Patawarin mo ako sa pag lisan ko sayo ng hindi ko naipaliwanag ang totoong dahil. Patawarin mo ako kung tinuldukan ko ang apat na taon nating pag sasama. Patawarin mo ako dahil hindi ko tinupad ang pangako natin sa isa't isa. Hindi kita magagawang pasayahin ng habambuhay.. Hindi kita kayang alagaan ng matagal.. At di ko kayang manatili sa buhay mo hanggang sa tumanda tayo... Patawad... Patawad kung binitawan kita... Patawad kung sinukuan ko kung ano ang meron tayo... sana.. Sana maging masaya ka sa piling niya.. Pahalagahan mo siya ha.. Mahalin mo siya.. Karapat dapat siya para sayo.. At masaya ko kasi nakikita kong masaya ka... Sa piling niya...
Alam kong imposible na din na bumalik ka sa lugar na to.. Pero kung sakali man , .. Kung sakali man na mabasa mo to,.. gusto kong sabihin sayo na ,walang nagbago... Walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo.. Mahal kita.. At hinding-hindi yun magbabago... Gusto kong hilingin na sana makita pa kita... Pero di na ata mangyayari yun.. Abala ka na sa bagong buhay mo... At sana nandun ako sa masayang araw mo... Sana nandun ako sa kasal mo.. Gusto kong makita muli yung mga ngiti mo.. Kaso sa araw na yun, aalis na ulit ako... At pupunta na ko sa pinakamalayong lugar... Pero ok lang Gab... Basta alam ko na masaya ka na.. Masaya na din ako... Mahal na mahal kita Gab.. Mahal na mahal kita... Hanggang sa muli nating pagkikita... Sa lugar kung saan wala ng problema... Paalam☺
    
                            -Cai

Tila bumagsak ang aking mga balikat ng basahin ko ang sulat na iniwan nya para sakin. Halu halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Napuno ng tanong ang aking isip. Ano ang ibig nyang sabihin?! SHIT!!!

Hindi ko na napigilang ang aking mga luha ng nakita ko ang face mask na may nakaburda na pangalan ni Cailey. Tila bumigat ang dibdib ko. Mas doble pa ang sakit nung iniwan nya ako. Bumitaw sya sa relasyon namin dahil may nilalabanan syang kung anumang sakit?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thank you po sa mga nag babasa at mag babasa☺

PLEASE VOTE•COMMENT•SHARE☺💘
   

Story Behind 11:11 ( Make A Wish)Where stories live. Discover now