6

7.4K 226 11
                                    

"ANO, KUMUSTA 'yong paghatid sa 'yo ni boss kagabi? Isinagawa mo na ba ang plano?" nakangiting tanong ni Liza sa kanya. Muntik na niyang maibuga ang iniinom niyang tubig.

"Huwag kang masyadong maingay, baka may makarinig sa 'yo," bulong niya, "Hindi ako nakagawa ng da moves ko kagabi dahil hilo na ako at nagsuka pa," naiiling na sabi niya, ngunit naalala niya ang pagkakalapit nila ng binata; ang paghawak nito ng buhok niya at paghagod sa kanyang likuran habang sumusuka siya. "Saka kapag ba inakit ko siya, sa tingin mo tatalab 'yon? Samantalang 'yong mga magaganda ngang babae na nagpapapansin sa kanya ay nginingitian lang niya."

"Friendship, hindi naman lahat ng guwapo at successful na katulad ni boss ay mahilig sa lantarang maganda at sexy na babae, malay mo, mas bet pala niya ang mga simpleng babaeng tulad mo, 'di ba?" nakangiting sabi nito.

"Sa tingin mo?" naging hopeful tuloy siya.

"Plangaks! Kasi hindi lahat ng tao sa mundo ay pare-pareho ng taste at gusto sa isang babae, tulad ni Pilot Albert, nakita mo na ba 'yong bagong idini-date?"

"Meron na?"

Tumango-tango ito. "Chubby girl na mukhang mas matanda sa kanya ng limang taon, friendship!"

"Totoo? Eh, malay mo kamag-anak pala."

"Kamag-anak ba 'yong iki-kiss sa lips?"

"Nag-kiss sila?"

"Nabalitaan ko lang naman sa mas chismosa sa akin, alam mo na, kaya malaki talaga ang chance mo kay boss, sinasabi ko na sa 'yo, kaunting da moves lang para mapansin ka niya."

"Eh, paano kapag na-bash ako dahil sa pakikipaglapit kay boss at masabihan akong social climber?"

"Sabihin mo sa kanila na hindi pa man Presidente si Boss sa Montefalco Corporation ay crush mo na siya! Hayaan mo, kapag may nang-away sa 'yo, sasamahan kitang manabunot isa-isa sa mga 'yon!" anito.

Natawa tuloy siya. "Salamat sa support, friendship, maid of honor ka sa kasal namin." Natatawang biro niya.

"Asahan ko 'yan!" natatawa ding sagot nito. Naging abala na si Liza sa mga bagong customers na nagdataningan para mag-inquire. Hanggang sa makita niya ang guwapo nilang boss na naglalakad kasama ng ilang matatandang big bosses and business partners nito, kumabog nang mabilis ang puso niya.

Sa binatang ito lamang niya nararamdaman ang gano'ng uri ng kaba, excitement at saya kapag nakikita ito. Ano kaya ang meron sa lalaking ito at gano'n na ang nararamdaman niya?

Ang guwapo talaga! Nangangarap niyang sabi, parang nag-i-slowmo ang paglalakad nito at ang pagbuka ng bibig nito dahil sa pakikipag-usap sa mga kasama nito, ang ganda rin nang mapupulang mga labi at mga ngiti—my God, ano nang nangyayari sa kanya? Saglit pa ay natapos nilang i-assist ang mga customers nila.

"Buksan mo ng dalawang butones 'yang suot mong tops." bulong sa kanya ni Liza.

"Ha? Bakit naman?" nagtatakang tanong niya.

"Kailangan mong magpakita ng cleavage para mapansin ka."

Mabilis niyang hinampas ng magaan ang braso ng kaibigan. "Kasasabi mo lang na hindi na hindi lahat ng lalaki nakatingin sa ka-sexy-han ng babae e," natatawang sabi niya.

"Malay mo doon mag-ugat ang pagkakalapit n'yo." Natatawang sabi din nito. "Sundin mo na kasi 'yong plano ko."

"Pag-iisipan ko muna nang mabuti—" nagulat siya nang mabilis siyang hinila ng kaibigan niya para lumabas sa kinaroroonan nila. "Teka, ano'ng gagawin mo sa akin?"

"Magpapansin ka kay boss!"

"Ano?"

"Magte-thank you ka lang naman, e."

"H-Ha?" bigla yata siyang kinabahan. Iniwan na siya ni Liza sa kinatatayuan niya. Nanginig ang mga kalamnan niya... pero nilagpasan lang siya ni Gray. Masyado itong abala sa mga kausap nito kaya hindi na siya napansin. Pero naisip niyang ayaw na uli niyang ma-miss ang second chance na 'to. "S-Sandali po sir Gray!" kapal-mukhang agaw-atensyon niya, na mabilis namang ikinatigil nito at ng mga kasamahan nito sa paglalakad, mabilis itong bumaling sa kanya. Kabado siyang lumapit sa binata.

"Hey, Michelle! Are you okay now?" nakangiting tanong nito. Napakagat siya sa ibabang labi niya dahil sa kabang nararamdaman, sana ay hindi nito mapansin ang panginginig ng kamay niya dagdag pa na pati ang mga big bosses ay nakatingin din sa kanya. "Is there anything I can do for you?" tanong nito.

"G-Good day po sir," sagot niya saka siya yumukod dito at sa ibang mga bosses. "Gusto ko lang pong mag-thank you para po sa treat kagabi at sa alam n'yo na po..." nahihiyang sabi niya.

Ngumiti naman ito at tumango. "Welcome." Nakangiting sabi nito. "'Yon lang ba ang gusto mong sabihin?" tanong nito na tinanguan niya. Magaan nitong tinapik ang balikat niya bago nagpaalam at magalang din siyang nagpaalam sa mga ito.

Napabuga siya ng hangin na bumalik sa kinaroroonan niya kanina habang nakahawak sa tinapik ni Gray na balikat niya. "Ang smile niyang 'yon..." Nangangarap niyang sabi.

"Ang ganda ng smile kanina ni boss sa 'yo, kaya 'yang short hair mo ay umabot na hanggang talampakan! Kinilig ako sa inyo, friendship!" nakangiting sabi nito.

"Friendship, wala namang masama mang-akit ng lalaking single na guwapo at super caring, 'di ba?"

Tumango-tango ito at ngumiti. "Walang-wala. Ipapa-realize mo lang naman sa lalaking 'yon ang tunay mong kagandahan na hindi niya napapansin. Seduction is an art and everyone is an artist."

"Sa tingin mo, mase-seduce ko siya?"

"Naman! At tutulungan kitang mag-ayos dahil ako ang fairy god friendship mo at ayoko nang mag-alala ang parents mo na matuyuan ka ng egg cell dahil magkaka-dyowa ka na!" kinikilig na sabi nito.

"Kailangan kong magpaka-sexy kung gano'n, kailangan kong ma-achieve ang waistline na twenty four, balakang na thirty six at boobs na—" napatingin siya sa hinaharap niya at biglang nadismaya, paano lalaki ang boobs niya?

"Don't worry, madadaan 'yan sa push up bra, tiwala lang!" nakangiting sabi nito.

Impit naman siyang napatili sa excitement. "Sa palagay mo ba talaga bagay kami?"

"Oo naman, ikaw na ang kukumpleto sa buhay niya."

"Pero sa totoo lang, sa tingin ko din talaga bagay kami e," natatawang sabi niya.

"That's the spirit, friendship!" nakangiting nakipag-high five si Liza sa kanya.

Wait for me, Gray, mag-e-evolve ako into Anastasia Steele!


***

A/N: OMG! May nagbabasa ba kay Gray? Haha! Sabi ni Grant, nagtatampo na daw siya. Haha...

Seducing my Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon