HALOS ISANG linggo nang hindi nakikita ni Michelle si Gray at ang balita niya kay Liza ay nagtungo ito sa Manila para sa isang business meeting at deal sa mga bagong clients nito. Ang sabi ni Gray sa kanya last time ay hintayin niya ito kaya lang ay hindi niya maiwasang mangamba.
Gayunpaman, sa tuwing naaalala niya ang masayang naganap sa kanila sa blue bamboo resto, a week ago, ay hindi niya maiwasang maging masaya at kiligin nang bongga.
Alam na rin ng buong pamilya ang tungkol sa damdamin niya para kay Gray at lubos na nasiyahan ang mga ito dahil sa wakas ay muli daw tumibok ang puso niya—ang buong akala ng mga ito ay nagka-trauma na siya sa love dahil sa dalawang epic failed na relationship, ngunit nagawa niyang tawirin ang pangyayaring 'yon sa buhay niya at naging handa uli sa larangan ng pag-ibig dahil kay Gray, ito ang muling nagturo sa kanyang magmahal uli at maniwala sa pag-ibig—ngayon ay hindi na lamang siya sa mga romance book kikiligin dahil may Gray na din na nagpapakilig sa kanya.
"Miss ko na siya." saka siya napabuga ng hangin. Break time nila noon sa work at nasa canteen sila ni Liza para mag-meryenda, ngunit parang wala siyang ganang kumain dahil mas ma-e-energize sana siya kung makikita niya si Gray o makataggap ng anumang balita tungkol sa binata.
"Ano ka ba friendship, nagpapaka-workaholic si boss para sa future n'yo kaya relax ka lang dyan, sabi naman niyang hintayin mo lang siya, 'di ba? Tiwala lang!" anito.
Kumagat siya sa waffle niya saka nginuya 'yon at nilunok bago uminom ng softdrinks. "Ewan ko ba, ang weird kasi ng nararamdaman ko, e."
"Dahil na naman ba doon sa babaeng may mahahabang legs?"
"Oo, e. Para kasi siyang kontrabida na anytime ay gustong manira ng isang relasyon at hindi ko maiwasang mangamba." Pagtatapat niya.
"Huwag kang mag-alala, sa mga pelikula lang nangyayari ang mga gano'ng drama—"
"Michelle, right?"
Sabay silang napalingon sa kanan niya—sa babaeng nagsalita at nagbanggit sa pangalan niya. Speaking of the devil. Ano'ng ginagawa ng babaeng ito dito? At bakit siya kinakausap nito? Ano'ng kailangan nito sa kanya? Kapag talaga tina-topic ang isang tao, bigla na lang sumusulpot sa kung saan. Yes, it's Mitch!
"Y-Yes?" bigla siyang kinabahan.
"Can I talk to you, alone?" saka ito bumaling sa kaibigan niya na tila itinataboy, nang mahulaan din ni Liza ang gustong ipahiwatig ng babae ay saka naman tumayo ang kaibigan at nagpaalam na mauuna na sa working place nila na tinanguan na lang niya.
"Ano'ng gusto mong sabihin sa akin?" tanong niya. Alam niyang tungkol kay Gray ang gustong sabihin nito—at hindi pa man ito nagsasalita ay nadagdagan na naman ang kaba niya.
"I want you to stay away from Gray." anito, na gaya sa mga nababasa niyang books na sinasabi ng mga villains sa heroines at mga teleserye.
"B-Bakit ko naman gagawin ang sinasabi mo?"
"Dahil hindi kayo bagay, kailanman ang isang katulad mo ay hindi nababagay sa mga katulad ni Gray." Mas lalo itong nagmumukhang kontrabida sa hitsura at linya ng mga sinasabi nito. Hindi niya akalain na makakarinig at makaka-experience talaga siya ng mga ganitong eksena sa totoong buhay.
"Hangga't hindi galing kay Gray ang mga salitang 'yan, wala akong dahilan para sundin ang mga sinasabi mo, kaya umalis ka na, nag-aaksaya ka lang ng panahon." Matapang na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Seducing my Boss (COMPLETED)
RomanceGray Montefalco is a charmer and a chick magnet, ngunit ayon sa mas nakakakilala sa lalaki ay pihikan daw ito sa mga nakaka-relasyon nito. Kung gano'n, paano mabibihag ni Michelle ang puso nito? Kung gagamitan ba niya ito ng Art of Seduction, bibiga...