011 | gone

68 5 6
                                    

Isang malaking malas talaga si Kim Mingyu para kay Jeon Wonwoo. Kaninang umaga lang tumibok ang puso niya nang marinig niya ang pangalan nito, tapos ngayon hindi  siya mapakali dahil ang tagal ng wala nito sa tabi niya.

"Nasan na ba yon?" naiiritang tanong ni Wonwoo sa sarili, "Dapat kase sinamahan ko na lang siya sa loob eh!"

Nagpalakad-lakad pa si Wonwoo sa labas ng Twenty Cafe. Ayaw niya kasing pumasok dito dahil baka nandon si Hansol, meeting the latter is the last thing he wanted.

Medyo nagulat na lang siya nang makita niya si Mingyu na nasa harap na niya.

"O Wonwoo, tara na?" tanong ni Mingyu.

Tinitigan muna ni Wonwoo si Mingyu, medyo pumapasok pa sa isip nito na nandito nga tong lalaking toh sa harap niya, "Oo tara na. Bat ba ang tagal mo ha?"

"Nagregalo si Jihoon hyung sakin, tapos naging kaibigan ko yung kaibigan niya," sagot ni Mingyu, "So far ang saya ng birthday ko, san ba tayo pupunta?"

"Sa mall."

-

"Wala namang magandang palabas," sabi ni Wonwoo.

"Parang maganda kaya toh," niya  ni Mingyu at tumuro sa isang poster sa sinehan.

"Reaper?" binasa ni Wonwoo ang title, "Anong maganda dyan? Napakapanget ng pag po-portray nila saming mga Grim Reaper eh."

"May sinabi ka?" tanong ni Mingyu at tinanggal ang isang ear plug ng ear phone niya.

"Wala," tipid na sagot naman ni Wonwoo.

"Oh, yan na lang panoodin natin. Birthday ko naman eh," pagmamakaawa ni Mingyu.

'Pa-kyut letse,' sabi ni Wonwoo sa sarili.

"Edi yan basta bayad mo."

Umpisa pa lang ng movie, nakatulog na si Mingyu. Ang boring nga naman kase at ang corny pa ng mga special effects. Halos walang nanonood kwera na lang sa ibang senior citizens na libre sa sinehan.

"Kaya ayoko panoodin toh eh," buntog hininga ni Wonwoo.

Bumaling naman ang tingin niya kay Mingyu. Tulog mantika. Ang himbing-himbing ng tulog nito kaso parang hindi siya komportable.

"Napakalakas mag yaya sabay tutulugan ka? Nagsasayang ng pera pwe," sabi ni Wonwoo. Pero kahit masama ang lumalabas sa bibig nito, iba naman ang kanyang ginagawa at kinikilos.

Pinatong niya ang ulo ni Mingyu sa balikat niya para mas komportable ito.

"Nakakagago ka Mingyu," kahit malamig sa loob ng sinehan, mainit ang mukha at tenga ni Wonwoo. Hindi niya na lang ito pinansin at inisip na baka naiinitan lang siya.

-

"Ganda ng movie!!" sabi ni Mingyu at nag unat-unat pa.

"Tinulugan mo nga lang eh," sabi naman ni Wonwoo.

Napatawa naman si Mingyu, "Sorry na, ang boring pala non, sayang pera ko eh."

"So ano na trip mong gawin?" tanong ni Wonwoo.

"Arcade tayo?" suggestion ni Mingyu.

Napailing lang si Wonwoo, "Kung iyon ang gusto mo edi tara."

Hindi sanay si Wonwoo sa mga ganitong lugar. Maingay, makulay, masaya. Sa tinagal-tagal niyang nabubuhay bilang isang Grim Reaper, ngayon lang siya nakapasok sa isang arcade.

"Ano ba yan!" reklamo ni Mingyu nang di niya nakuha ang isang stuff toy sa claw machine na nilalaro niya, "Pang ilang token ko na yan."

"Ako nga," sabi ni Wonwoo. Nagpalit sila ng posisyon ni Mingyu at ngayon siya na ang naglalaro ng claw machine na toh. Kahit unang beses pa lang ni Wonwoo gumamit nito, alam niya na agad kung pano ito laruin sa pamamagitan lamang ng panonood kay Mingyu.

Grim Reaper | MeanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon