Nagmamadaling tumatakbo si Seungkwan pabalik sa bahay niya. Galing siya sa grocery store, namili lang siya ng ilang supplies kase ubos na ito lahat. Mabilis maubos ngayon ang mga supplies ni Seungkwan, lalo na't ngayon na dalawang tao na silang nakatira sa bahay niya.
Ni-lock niya agad ang pinto ng bahay niya nang makapasok siya sa loob. Sa likod ng pintuan ay merong mga wardings at drawing to keep any supernatural being from entering. Kaya safe sila ngayon. Matagal niya nang pinalayas si Hansol sa bahay niya nang malaman niya kung ano ito at mga pinang gagawa nito.
"Mingyu yah!" tawag ni Seungkwan sa kanyang bagong housemate. "May binili akong pagkain! Halika muna dito!!"
Alam naman ni Seungkwan na walang sasagot sa kanya pero sinusubukan niya padin ibalik sa dati si Mingyu. It had been a month since he died. Isang buwan ng pagdudurusa at pagkamuhi sa sarili para kay Mingyu. Sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ni Wonwoo. Buti nga at nahanap siya ni Seungkwan, kundi malamang nabaliw na siya magisa.
Hindi nagtagal, bumaba na si Mingyu mula sa bagong kwarto niya. He looks sick, and different. Pumayat siya ng kaunti at parang nawalan ng buhay sa kanyang mukha. Weird, how much Mingyu changed with just a span of one month... But he changed for the worse.
"Pizza ulit? Peyborit mo ba toh?" Mingyu smiled, but it was obviously fake. It's so weak, and it didn't even reach his eyes. Alam ni Seungkwan na Mingyu's just trying to be polite, and although hindi naman sila gaano ka-close, Seungkwan felt sad and responsible over the taller boy. Gusto niyang ibalik yung Mingyu na nakausap niya dati sa Cafe na pinagtratrabahuhan ni Jihoon. Kaso pano niya magagawa yun kung wala na ang happy pill ni Mingyu?
Naisip ni Seungkwan na makisakay na lang sa trip ni Mingyu. If the latter wants to act like nothing happened, then so be it.
"May bentahan kase ng pizza malapit sa sebmor. Kaya ayun," sabi ni Seungkwan. Tumango na lamang si Mingyu at kumuha ng isang slice ng pizza. Tahimik niya itong kinain, samantala si Seungkwan ay nagpakabusy na lang sa pagliligpit ng mga binili niya.
"Seungkwan ah," tawag ni Mingyu, na siya namang kinagulat ni Seungkwan. Humarap agad si Seungkwan dito, bakas ang gulat at pagkataka sa mukha nito.
"Salamat," sabi ni Mingyu at ngumiti pa kay Seungkwan.
Seungkwan felt like crying because of Mingyu's sudden expression of gratitude. Iniwan niya ang mga pinamili niya at kumuha ng permanent marker. Lumapit siya kay Mingyu at kinuha ang kamay nito. Nagtaka naman si Mingyu.
"Anong ginagawa mo?"
"Ayan," Seungkwan smiled, proudly showing off his work. Nag drawing siya ng symbol sa kamay ni Mingyu, kagaya nung symbol na nasa pintuan nila.
"Para san toh?" tanong ni Mingyu.
"Proteksyon my fren," pag e-explain ni Seungkwan, "Gumagana yan, ganyan din yung ginagawa ko para makalabas ako ng bahay."
"Hmm," pagsangayong ni Mingyu, "Pero bakit naman natin kaylangan ng proteksyon?"
"Kase lalabas tayo."
"Ahh... Ha?!!"
Hindi na nakapagreact pa si Mingyu, bago niya pa mapigilan si Seungkwan, na sa labas na agad sila. Ngayon na lang ulit nakaramdam si Mingyu ng hangin na galing sa labas sa loob ng isang buwan. Ngayon na lang ulit tumama sa kanyang mukha ang ilaw ng araw at simoy ng hangin. Isang buwan niyang kinulong ang sarili mula sa labas, ngunit pag tapos ng isang buwan na iyon, ito na ulit siya. Nasa labas, ngunit hindi pa rin handa.
"Halika! May bagong tayo na park dito. Tambay tayo dun!" pag aaya ni Seungkwan.
Sinusundan lang ni Mingyu si Seungkwan sa kanyang paglalakad. Nang nakadating sila sa parke, agad na nagpaalam si Seungkwan na bibili daw siya ng ice cream. Hinayaan lang siya ni Mingyu. Napaupo na lang siya sa isang bench habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro.
BINABASA MO ANG
Grim Reaper | Meanie
Fantasy"Kim Mingyu must die." - taglish | narrative | meanie 1st installment of 'supernatural' series - (c) @boorix- FOR THE AMAZING COVER OMG, I WAS NOT DISAPPOINTED! ASDFGH