O53 | narration

500 12 3
                                    

bae yerin.

lunchtime na at maya-maya alam ko na biglang susulpot si wink boy dito sa classroom namin.

gusto ko naman na sumama sa kanya sa lunch pero at the same time, parang ayaw ko din kasi alam mo naman na nandyan si eunwa na napaka possessive kahit matagal na silang wala.

habang nag-aayos ako ng mga gamit ko, kinulbit ako ni yoonji at napatingin ako sa kanya. "eonni may naghihintay sayo sa labas. manliligaw mo ata." sabi niya kaya ako nabigla at nahataw ko naman siya sa braso niya. alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

"tangina hindi ko 'yun manliligaw ano ba." sabi ko kay yoonji at napatawa nalang siya. "basta iniintay ka na ni jihoon sa labas." sunod na sabi ni niya at tinigil ko muna ang pagiimis ng gamit ko at lumabas.

"ano ba jihoon?" tanong ko sa kanya at tiningnan niya lang ako. "anong ano ba jihoon? diba sabay tayo magl-lunch ngayon?" sabi niya sakin at hindi muna ako umimik.

"bahala ka sa buhay mo kakain nalang ako mag-isa." banggit ni jihoon at muntikan na siyang maglakad papalayo pero hinawakan ko yung braso niya para tumigil siya.

"uy joke lang naman." sabi ko at sabay tawa. "joke mo mukha mo." pagkatapos niyang sabihin ay inirapan niya ako. wow ha.

"tangina jihoon diba line ko yan?" tanong ko sa kanya at binigyan niya ako ng confused face. "you mean wink boy mo mukha mo?" sagot niya at ngumiti naman ako sa kanya. buti naalala pa niya 'yun.

"ayan 'yung chat mo sakin diba?" tanong niya at tumango ako. "halika na nga gutom na ako." yaya ko sa kanya at pumunta na kami sa canteen.

pagpasok namin sa canteen ay bumungad na agad ang mukha ni eunwa. peste talaga 'toh kahit kailan eh.

"lumayo ka nga kay jihoon!" sigaw niya saakin at tinulak niya ako. muntikan na ako matumba pero buti nasalo naman agad ako ni jihoon.

"ano ba eunwa! wala nang tayo!" sigaw ni jihoon sa kanya. "pero mahal parin kita jihoon!" sigaw naman pabalik ni eunwa. eh kung mahal parin niya si jihoon bakit niya siya iniwan para dun sa justin na 'yon?

"hindi na kita mahal eunwa! 'wag ka namang possesive diyan dahil hindi ako sa'yo! kailan pa nga pala ako naging sa'yo kung you're with justin ha? hindi ba niloko mo lang naman ako all the time? tama na eunwa! hindi ka saakin and i will never be yours!" awat ni jihoon sa kanya and it caused all the students in the canteen to look at him and decided not to talk.

to be honest, ngayon ko lang nakita na ganito si jihoon at natatakot na ako. hindi ko alam kung anong sunod niyang gagawin.

pagkasabi naman ni jihoon ng lahat ng bagay na iyon, napaiyak nalang si eunwa at tumakbo papalabas sa canteen.

jihoon and i also left the canteen kasi natatakot ako na baka pagkaguluhan pa siya ng ibang students sa canteen. nawala na rin naman ang gana naming kumain.

after a little talk with him, nag ring na ang bell at pumasok na ulit kami sa sari-sarili naming classrooms.

WINK BOY. jihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon