Wish 3

6 1 0
                                        

"Kim?" tawag ko sakanya at agad naman siyang lumingon.

Her blonde hair reflects the sunlight. Maputi siya at matangkad. In short maganda.

She smiled, "yes Felicity?"

I smiled back at inabot sakanya ang bouquet of flowers, "may nagpapabigay."

Kinuha niya ito at tinignan, "its beautiful, sinong nagbigay?"

I shrugged, "just a friend."

"Oh I love it! Pakisabi thank you!" she happily said. Oh I wish I was that happy.

I nodded at nagpaalam na. I saw Breune hiding within the trees, nakasilip siya sa amin kaya binigyan ko siya ng thumbs up.

He hurriedly ran to me at niyakap ako. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Salamat! Treat kita mamaya ha?"

I nodded, inaya ko na siyang pumunta ng room dahil malapit ng magsimula ang klase namin.

Our first and second subject was boring, walang ibang ginawa kundi magdicuss at magpaquiz.

Nang magbell ay sabay sabay kaming pumunta ng canteen, pinagkaguluhan nanaman kami ng mga estudyante at pinapapirma nila ang album namin.

"Anong gusto mo?" Breune asked me while looking at the menu.

I shrugged, "lasagna, blueberry cheese cake, chicken with rice, at yung tuna penne," mahabang sabi ko habang tinuturo ko ito isa isa.

He chuckled, "you're not that hungry, are you?"

I rolled my eyes, "halata ba?"

He nodded at nagorder na.

Umupo na kaming magkakaibigan sa lamesa namin. Nilantakan ko agad ang mga pagkain na nilibre sa akin ni Breune dahil ayokong kumausap kahit sino sa kanila.

"Easy there bubs, walang aagaw sayo," they giggled on Maureens' banter.

I rolled my eyes and continue to eat. Nang maubos ko lahat ay agad na akong nagyayang umalis.

"Sandali lang!" nagmamadaling sabi ni Breune at nakita naming nilapitan niya si Kim.

I don't know why but I'm starting to compare myself to Kim.

Nakita namin kung paano sila ngumiti sa isa't-isa.

"Tara na," masayang sabi niya ng makabalik sa amin. Inakbayan niya ako, "alam na niyang sa akin galing yon Felicity. I asked her if I can court her, she answered yes. Hindi naman daw ako mahirap sagutin."

I smiled at him, "t-that's good."

He smiled back, "kung pwede nga lang daw na sagutin na niya ako ngayon, pero gusto niyang maranasan ang magkaroon ng manliligaw."

I nodded at inalis na ang pagkakaakbay at sumabay kay na Maureen.

Natapos ang buong klase ng parang wala lang. Same as the other day.

"May practice tayo sabi ni Manager. Dun daw sa condo natin," Maureen said while looking at her phone.

We all nodded. Naglakad na kami. Malapit lang naman ang condo nila. I saw a grasshopper by the sidewalk at inilagay ito sa braso ni Breune.

Her Last Wish (On Going)Where stories live. Discover now