Prologue

78 3 0
                                    

Nagbabasa ako sa library nang dumapo ang tingin ko sa relo ko. Agad kong isinara ang libro nang makitang 6:00PM na pala. Hindi ko napansin na madilim na pala at wala ng tao sa library. Nilagay ko na yung libro sa bag ko. Nagmamadali akong lumabas.

Napasabunot ako sa sarili ko nang bumungad sa akin ang malakas na ulan. Kumikidlat pa. Mabuti nalang at hindi ako takot sa ganon. Tumingin tingin ako sa paligid. Wala na talagang tao. How didn't I notice the weather? Napabuntong hininga ako. Ang ganda kasi ng binasa kong libro eh.

Niyakap ko ang bag ko. Huminga ako ng malalim bago sumugod sa malakas na ulan. Bakit ba kasi hindi ako nagdala ng payong? Napairap ako sa ere. Pabagal ng pabagal ang pagtakbo ko sa basang lupa. Napaisip ako. Bakit pa ako nagaabalang tumakbo kung mababasa rin naman ako? Mas malaki pa ang chance na madulas ako kapag tumakbo ako. I looked at the sky. It was raining like there's no tomorrow.

Ibinaba ko ang tingin ko sa bag ko. Saka ko lamang napansin ang zipper ng bag ko na kalahati lang ang nakasara. Sinubukan ko itong isarado ngunit nastuck ang zipper. Pinwersa ko ito at naitulak ko rin ng di sinasadya ang libro sa loob non, dahilan para dumulas iyon at mahulog.

Sinubukan ko itong abutin gamit ang kamay ko kahit alam kong hindi ko iyon maaabot ngunit nagulat na lang ako nang lumutang ito. Ibababa ko na dapat ang kamay kong nakaabot doon ngunit sumunod ang libro. Kumurap ako ng ilang beses. Am I dreaming?

Napanganga ako. Inirelax ko ang daliri ko at mabagal itong ginalaw patungo sa akin. Kasabay ng paggalaw ng kamay ko ay ang paggalaw din ng libro. Sa libro ko itinuon ang pansin ko. Nakatingala ako dahil may kataasan ang lutang ng libro. Isinara ko ang palad ko nang maitapat ko na ang libro sa itaas ng palad ko. Agad kong sinalo gamit ang isa kong kamay yung libro.

Masyado akong namangha sa nangyayari at wala na rin'g kwenta ang pagkuha ko nito sapagkat basang basa na ito ng ulan. I didn't know how to react. Napabuntong hininga ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa ko. Wala sa sarili akong umuwi.

Pagdating ko sa bahay, agad akong nagpalit at nagtungo sa kwarto ni Mama. She was just laying at her bed while scrolling through her cellphone.

"Ma? Paano 'to nangyari?" Nilingon agad ako ni Mama. Itinapat ko ang kamay ko sa maliit na upuang malapit sa akin. Kasabay ng paggalaw ng kamay ko ay ang paglutang ng upuan. Napatayo si Mama sa gulat. Inilapag niya yung cellphone na hawak niya.

"Nadiskubre mo na pala?" She said in a calm voice. Napakunot noo ako. Umupo ito sa kama. Tinabihan ko siya.

"Yung Lola mo, may telekinesis at si tita Celine mo, plant manipulator. Silang dalawa lang ang kilala ko'ng may special ability sa pamilya natin. Hindi ko naman inasahang pati ikaw rin, meron." She stated. She gave me a smile. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Akala ko hanggang imagination nalang ang mga ganon. Telekinesis at Plant manipulation? Wow.

"Nung maliit ka palang, nagulat kami nung unang beses namin masaksihan ang kapangyarihan mo. Yung mga laruan mo lumulutang. Tapos katagalan, napansin namin yung buhok mo, may halong pink. At doon na namin naconfirm na katulad ka rin ng tita at lola mong may special ability. Gifted kayo." Pagpapaliwanag pa ni mama. Napanganga ako. Ako? May special ability? This is just so unreal.

Kaya ba may green highlights ang buhok ni tita ay dahil nakokontrol niya ang mga halaman? Kaya pala ang lawak lawak ng garden nila. Kaya pala may halong red ang buhok ni lola? At kaya pala may halong pink ang buhok ko. Everything had a reason. Finally, I found answers.

Madalas akong tinatanong sa school kung bakit may halong pink ang buhok ko. Ang sinasabi ko, pinanganak na akong ganon ang kulay ng buhok ko. Hindi sila naniwala, pinagbubulungan pa nila ako na nagpakulay daw ako ng buhok. Minsan na rin akong napagalitan ng teacher dahil hindi daw pwede ang may kulay ang buhok. Now I know the true reason. I had a special ability.

"Satingin mo, ano ang kapangyarihan mo?" Nakangiting tanong ni mama. Napaisip ako.

"T-telekinesis?" I said, unsure. Napangiti si mama.

"Telekinesis palang ang nakokontrol mo. Sa susunod, makokontrol mo na rin ang iba't ibang mga halaman. Gifted ka, anak. Kaya gamitin mo ng tama ang biniyaya sayo ng Diyos." Agad akong tumango. Parehas kong namana ang kapangyarihan ni lola at ni tita. Wow.

Tumayo si mama at binuksan ang drawer na malapit sa kama. Napauwang ang bibig ko nang makita ang hawak niyang malaking bulaklak. I assumed it was a wand. Nilingon niya ako at natawa nang makita ang gulat kong ekspresyon. She sat beside me as she handed me the giant flower like wand. I analyzed it carefully.

"Nung 4 years old ka, nagulat nalang kami nang makita yan na nilalaruan mo. Ang sabi ng tita Celine mo, ikaw daw ang gumawa niyan. Nung sinubukan namin kunin yan sayo, tila nagkalindol dahil may biglang tumubong mga puno. Pero nang tumagal, hindi mo na ulit nailabas pa ang kapangyarihan mo. Ngayon lang ulit bumalik." She explained. I nodded. Everything was sinking in now.

"At ngayon, handa ka nang pumunta kung saan ka nararapat. Kasama ang mga taong may special abilities din gaya mo." I looked at mom, confused. Saan ang tinutukoy niya?

"Sa Celestial University. Kung saan tinetrain ang mga katulad mong may special ability, charm, o magic."

Special AbilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon