Chapter 5: Charm Training

31 2 3
                                    

Eclipse's POV

"So, kamusta katabi si Felix?" Ngiting ngiti na tanong ni Rianne. Napataas ako ng isang kilay. What's the big deal? It really wasn't that special. So what kung nakatabi ko si Felix? Hindi naman ako isa sa mga fangirls niya na baliw na baliw sa kanya.

"Not much of a big deal." I said. Napakunot noo ako nang matawa sila.

"Anong nakakatawa?" I asked, confused. Tumigil sila sa pagtawa at ngumiti na lamang sa akin.

"Eclipse, kakaiba ka talaga. Parang pangalan mo lang." Daphne said as she laughs once more. Ipinatong ni Pearl ang kamay niya sa balikat ko. Napatingin ako sa kanya. She was smiling at me genuinely. She looked like an actual angel.

"Natawa lang kami, kasi ibang iba ka sa mga naging kaklase o kaibigan namin." Pearl stated as she smiles. I shook my head in confusion. What makes me so different? And is that a good thing or a bad thing?

"Isang beses din kasi, may kaibigan kami na nakatabi si Felix noon. Sobrang dikit niya non kay Felix, kaya medyo naging hindi kumportable sa kanya si Felix. Aaminin ko isa rin ako sa mga gusto siyang makatabi, kasi naman!" Napahawak si Rianne sa pisngi niya na tila kinikilig.

"Ang bait bait kasi niya! Si Lucas kasi sobrang sungit! Kaya lahat ng nakakatabi non kinikilig sa kanya. Paano ba naman kasi, friendly talaga yun si Felix. Pwedeng-pwede ka don magtanong kapag meron ka'ng hindi naintindihan sa mga lecture natin at siya ang magtuturo sayo. Matalino rin kasi talaga sila ni Lucas." Dagdag pa ni Rianne. Napahawak ako sa may batok ko. Ibig sabihin ba non dapat akong kiligin nung nakatabi ko siya? Kalokohan! Anong lahat ng nakakatabi, kinikilig? So, kinikilig si Lucas kay Felix, ganon?

"Kalokohan! Hindi niyo naman pwedeng iexpect na lahat magkakagusto don!" I stated in disbelief. Napasimangot ako nang tawanan nila ako. I crossed my arms.

"Kaya nga naiiba ka, eh. Hindi ka tinatablan ng charms niya." Wika ni Rianne at humagalpak sa tawa. Charms? Wala naman siyang charms bukod sa aerokinesis (air manipulation) niya! Tsk.

"Sus. Baka naman kaya hindi siya tinatablan ng charms ni Felix ay dahil si Lucas pala ang type?" Hirit ni Daphne. Tinusok tusok pa nila ako sa tagiliran. Napangiwi ako at umirap sa kanila. Natawa sila.

"Tigilan niyo nga ako." Wika ko. Hindi naman porket patay na patay doon sa dalawang yun ang karamihan sa mga estudyante dito ay ganun na rin ako. Ibahin nila ako. I don't see the reason why they're so special to the girls here in Celestial U. They seem the same like other boys to me.

Napatingin ako kila Pearl. Nginitian nila ako. Ngayon nalaman ko nang kasabay ng pagkakaroon ng kaibigan, kailangan mo maging mapagpasensya. Naalala ko bigla nung wala pa akong kaibigan, except kay Archer. Palagi akong naiirita non tuwing kinukulit niya ako. Idagdag pa yung pagiging concern niya sa'kin na parang tatay ko. Laging nauubos ang pasensya ko dahil sa kanya. Madalas ko rin siyang nasisigawan noon dahil sa pagkainis.

Which just proves how determined he was to become friends with me.

Kahit ilang beses ko pa siya non pinagbuntungan ng galit, hinding-hindi niya ako iniwan. Ngayon ko lang naintindihan yung ginagawa niyang yun. Pinagpapasensyahan niya ako non dahil kaibigan niya akong mahalaga para sa kanya.

Siguro kung hindi lang mahalaga para sa'kin yung mga kaibigan ko ngayon, itinaboy ko na sila.

"Eclipse!" Tila nagising ako nang tawagin ako ni Rianne kasabay ng paghawak niya sa balikat ko. Tinawanan nila ako. I tilted my head in confusion.

"Nakatulala ka na naman kasi! Ano ba'ng iniisip mo?" Natatawang tanong ni Daphne. Umiling ako.

"Wala yun." I uttered. I didn't want them to know what was going on inside my head.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Special AbilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon