Chapter 1: Celestial University

43 3 0
                                    

Eclipse's Point of View

"Tita, malapit na ba?" Bored na tanong ko kay tita Celine na nagd-drive. Nakasandal lang ako sa bintana. Ang tagal naman kasi ng byahe.

"Oo, malapit na tayo." Sagot nito habang nakatutok pa rin sa pagmamaneho. We're heading to Celestial University where people who has magic, charms, or special abilities belong. Ang sabi ni tita Celine, doon din sila nagaral ni lola. At kasalukuyang nagtatrabaho bilang teacher doon si lola.

"Halos limang oras na tayong bumabyahe, ganon ba yon kalayo?" I asked. Narinig ko ang pagtawa ni Tita. Nagtaka ako.

"Anong limang oras? Dalawang oras at kalahati palang tayo bumabyahe!" Natatawa nitong sambit. Parang limang oras na eh! Napanguso ako.

"Tuturuan ka nila doon na makontrol ng maayos ang kapangyarihan mo. Parang normal na school lang, pero tuturuan kayo kung paano mamaster ang mga special abilities niyo. At magingat ka sa mga estudyante doon, yung iba nananakit gamit yung charm o mahika nila. Pero sa totoo lang mas lamang ka sa kanila." Nagtaka ako. Mas lamang ako sa kanila? How?

"More than one special ability is rare." She stated. Napauwang ang bibig ko. More than one special ability is rare?

"At maaaring hindi lang dalawa ang special ability mo. You possess telekinesis and you can also manipulate plants, there might be another charm you haven't discover yet." I didn't know how to react. Things happened so quickly. Parang kahapon lang namumuhay ako ng normal. Well, not completely normal since my blonde hair had a mix of pink.

Dapat ba akong matuwa? Dapat ba akong malungkot dahil mapapalayo ako sa pamilya ko? Dapat ba akong matakot sa bagong mundong haharapin ko? Napabuntong hininga ako. Paano kung walang may gustong makipagkaibigan sa akin doon?

"Andito na tayo." Agad akong sumilip sa bintana nang sabihin yon ni tita. Napanganga ako dahil sa laki at ganda ng Celestial University. It wasn't just your typical normal school. Sinuot ko na ang bag ko. Binuksan ko ang pinto at lumabas. It had two buildings at its sides.

"Halika na." Nakangiting wika ni tita Celine. Tahimik akong sumunod sa kanya habang nakatingin pa rin sa paligid. We entered a building at its left side. I assumed it was a dormitory or something.

"Good morning po, ma'am Celine." Bati ng ilang mga babae pagkapasok namin. Iniwasan ko ang mga titig nila.

"Good morning." Bati rin ni tita Celine. Nilingon niya ako at ngumiti.

"Kilala na nila ako dito dahil madalas akong dumadalaw dito sa Celestial U. Saka kilala rin nila ako bilang 'plant manipulator'. Nagiisa lang kasi ako na may kakayahang kumontrol ng mga halaman." She stated. I nodded.

"Pero ngayon, andito ka na. Kaya dalawa na tayong may kakayahang kumontrol ng mga halaman." She added while smiling. Napatingin ako sa paligid. May mga kwarto at halos lahat ay merong mga babaeng nakatayo sa may pinto. Ganito ba sila kaclose kay tita?

"Mukhang may transferee."
"At may kapit siya kay Ma'am Celine."
"Ano kaya ang ability niya?"
"Siguro mahina lang yung special ability niya."

I can't help but get pissed because of the gossiping. Palihim kong tinignan ang mga babaeng nakakasalubong namin. How can they be so pretty? Iba iba ang kulay ng buhok nila. Pero kumpara sa buhok ko, iisang kulay lang ang buhok nila. Bigla akong nainsecure. Bakit ang gaganda nila?

Special AbilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon