Zylle P.O.V
Nandito na nga kami ni alex sa room kaya tatanungin ko na sya about sakanila ni Paolo
"Kelan pa ?" Tanong ko . Bigla naman syang nagtaka sa tanong ko
"Hah? Sinasabi mo?" Balik nyang tanong
Kunwari galit ako . Pero ang totoo gusto kong sya mismo ang mag sabi saakin na boyfriend na nya si Paolo kasi Finally Nagkaboyfriend na ulit sya . Oo Ulit? Kasi dati niloko sya
Grabe yan kung umiyak ,Parang wala ng lalaki sa mundo
"Wag mokong sagutin ng tanong " Seryoso kung sabi pero deepinside natatawa na po ako
"Pano kita sasagutin kung hindi ko alam " sabi na nya rin. Oo nga no baliw narin aya ako
"Okay . Kelan pa naging kayo ni Paolo ?" Meron ng galit sa tono ko para makatutuhanan naman . Para may thrill
"Nong nong nong..kagabi" nabubulol nya pang sabi . Paano hindi naman sila nagausap kagabi kasi nya nagkahiyahan
"Paano?" Tanong ko curious lang po
"Nong tulog ka kagabi. Hindi ako makatulog kaya lumabas ako para magpaantok sakto namang andon sya , Don don na " sabi nya
"Waaaah. Finally bes " sabi ko at tumakbo ako sakanya ta pinayayakap . Kasi naman ngayon ko lang ulit sya makitang masaya . Oo masaya sya pero hindi yong ganito nong dumating si Paolo sa buhay nya
"Akala ko galit ka " Halo to! Umiiyak na sya .
"Stop crying ang O.A mo syempre joke ko lang yon. Masaya ako para sayo " sabi ko niyakap naman nya ako . At maya maya pa'y kumalas na kami sa yakap bumalik naman na ako sa higaan ko
"Tara swimming na tayo " sabi nya kaya tumango naman ako
Nagpalit lang ako ng Short shorts at jacket na pang swimming ganon din naman si alex .
"Let's go " sabi nya kaya lumabas na kami . Tumakbo kami agad kasi gusto ko ng maligo . Kahit mainit okay lang basta makaligo ako sa beach
Pagdating namin don pumunta kami ni alex agad at nagsisilangoy langoy . Kahit hindi marunong nagano naman kami ng tubig . Ansaya talaga kapag meron kang kaibigan na laging andyan para sayo , Lagi mong kasama sa kalokohan
Naalala ko nanaman ng nagprank kami grabe . Si alex yong kaibigang handang magpakabaliw mapasaya kalang , Sya lagi andyan nong mga panahong may malalaki akong problema sya lagi kong pinagiiyakan .
Magkakaroon man ako ng madaming kaibigan .Sya at sya parin ang pipiliinko sa mga ito Sya parin ang hahanapin ko na magpapasaya saakin
Antagal nadin namin dito na naliligo pero bakit wala pa sila Brylle at Paolo kaya lumapit ako kay alex para maitanong kung nakita nya ang mga ito
"Asan sila Paolo at Brylle?" Tanong ko . Kaya tumingin naman sya sa paligid
"Hndi ko pa naman nakikita. Wala naman sila dito , Dont worry baka mamaya andyan na sila . Tara na Magenjoy na muna tayo " sabi nya kaya tumango nalang ako at hindi nalang inisip yon at nagenjoy nalang kasama si alex
Pero halos mag2hours na kami dito bakit wala pa sila? Kaya lumapit ulit ako kay alex
"Bakit wala pa sila?" Tanong ko ulit. Makulit na kong makulit . Pero bakit wala pa sila? Bakit wala pa sya? Mga tanong na gusto ko masagot
"Chill bes .Baka may ginagawa lang sila or pinuntahan. Grabe to ilang oras lang na hindi mo sya nakita ,kong makareact wagas " eh sa . Miss ko na sya normal lang naman yon ah
"Eh sa nagaalala lang ako .Bawal?" Sabi ko naman
"Hindi naman . Baka nandyan na sila chill lang ,Magenjoy ka na lang muna parang hindi ka masaya na kasama ako ah " tampo tampo ang Bestfriend ko .Magenjoy ka na nga muna kasi Zylle
Kahit nagaalala parin ako. Pinilit ko paring magenjoy kasama si alex mamaya kasi makahalata pa ito at magtampo . Nakakaloko pa naman yan magtampo
Pero 5pm na wala parin sila? Asan kaya nagsuot yong mga mokong yon
"Alam mo dadating din yong mga yon mamaya . Malay mo nakatulog pala sila , Bes hindi lang ikaw ang napapagod .Tara na don sa kwarto " tama nga naman sya baka tulog lang yong mga yon . Puntahan kaya namin pagkatapos magpalit para sabay na kaming kumain
"Puntahan natin mamaya , Sabay tayo kain sakanila " sabi ko sakanya
"Bes pupuntahan nila tayo . Bayaan mo muna sila , Ako nga hindi ako kinakabahan kasi Kong mahal mo ang isang tao . Pagkakatiwalaan mo sya nako nako , Bayaan na muna natin sila baka nagpapahinga lang " Sabi nya . Hindi ko kasi maiwasan magalala , Tsaka hindi ko maiwasang magisip ng kung ano ano . Kasi sabi nila Once na niloko ka ng isang tao hindi mo na maiiwasang magisip ng kung ano ano
Pero hindi naman ako niloko ni Brylle ! Pero bakit ganto ako magisip? Hayst
Bumalik na nga kami ni Alex sa Kwarto . At shower na nga kami at nagpalit . Pero wala paring nagpapakita niisa kila Brylle at Paolo
Asan na kaya ang mga mokong !
"Andyan lang yong mga yon " sabi ni alex
"Kung andyan lang sila asan dyan sa labas?" Tanong ko kay alex. Pangiti ngiti lang sya
"Alam mo ba kung asan sila ?" Sabi ko pa kung makapagsabi kasi parang may alam sya na hindi ko alam
"Hindi . Hay basta " sabi nalang ni alex nakulitan na siguro sa kakatanong ko . Eh sa nagaalala lang ako bawal ba?
"Tara na kain na muna tayo " sabi nya kaya tumango nalang ako
Nakarating naman kami sa dati naming pinakakainan
Hindi nanaman nakapagtimpi ang bunganga ko at nagtanong nanaman ako sakanya
"Asan na ba mga yon . Wala naman sila dyan sa paligid " sabi ko . Makulit na kung makulit eh basta!
"Hayst Zylle Chill! Tanong ka ng tanong . hindi ako hanapan ng mga nawawalang tao no" sabi nya . Tumigil nalang ako sa kakatanong at umorder nalang ng pagkain baka meron na sila dito mamaya . Kakain ang mga yon
____________________
Enjoy reading ! 💖 HOPE YOU'LL LIKE IT . LOVELOTS!
YOU ARE READING
Too Much Perfect To Be Loved (COMPLETED)
Dla nastolatkówPrologue : Paano kaya kung kakasimula palang pero bigla nalang may bumalik para kunin ang dating sakanya The best things come to those who don't give up. 'Ang kay Zylle ay Kay Zylle lamang ' Minsan talaga may mga taong iniwan kana nga tapos pag n...