Cassandra Hendrix POV
"Cassandra! Gising na, anong oras na tulog ka pa rin diyan. Bahala ka diyan late ka na!"
Automatiko akong napabalikwas sa kama nang marinig ang napaka lakas na sigaw ni Ate. Ito talaga ang alarm clock ko sa umaga—a living alarm clock.
Kaya, palaging naka simangot ang itsura ko umagang umaga palang.
Nag inat pa muna ako bago tuluyang naimulat ang aking mga mata. Nag tungo ako sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig nang mapalingon ako kay Ate at napansing naka suot na siya ng damit pang trabaho.
"Bakit ang aga mo naman ata umalis, Ate? Anong oras na po ba?" Muli akong uminom ng tubig nang mag salita si Ate Alexandra dahilan para maibuga ko ang tubig. Mabuti na lamang at malayo sa akin si Ate kung hindi nabasa ko pa yung suot niya.
"7:15. Sige, mauuna na ako."
Mabilis pa sa alas kwatro kung kumilos ako nang makitang 7:15 am ang nakalagay sa alarm clock. Wala na akong sinayang na oras pa at tuluyang lumisan ng bahay nang matapos akong mag ayos ng aking sarili.
Para akong nasa isang competition ng sprinting sa bilis ng aking pag takbo papuntang University. Mabuti nalang at walking distance lang siya mag mula sa bahay kaya kakayanin makapasok pa rin on time kahit late ng gising. Nag hahabol hiningang napatigil ako sa pag takbo nang makarating ako sa main gate ng Steinfield University. Napa singhap ako ng sariwang hangin matapos ay malakas na bumuntong hininga.
Finally!
Napatingin ako sa wristwatch ko at nanlaki ang mga mata nang makitang 7:50 am na. Patay tayo dito, 8:00 am ang start ng unang subject ko. Hinanda ko ang aking sarili bago tuluyang tumakbo papasok sa loob ng Steinfield University.
Malawak ang University na 'to kaya tama lang na tumigil ako sa main gate dahil malamang sa malamang kapag nag tuloy-tuloy ako sa pag takbo patungo sa loob ng classroom ay siguradong hindi ko na maabutan ang pag sikat ng araw bukas.
Buong lakas akong tumatakbo ngayon sa gitna ng mahaba at malawak na kalsada ng University nang may biglaang may bumusina sa aking likuran dahilan para ako'y mapa-upo sa lupa. Kamuntikan na akong mabangga dahil sa ilang dipa lang ang layo ng bumper sa akin. Daglian akong tumayo at inis na hinampas ang car bonnet saka dinapuan ng masasamang tingin ang tinted na windshield nitong kotse. Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan nang bigla pa itong bumusina sa kadahilanang hindi pa ako umaalis sa pwesto ko. Wala akong nagawa at gumilid upang paunahin ang aroganteng driver na ito na hindi man lang bumaba sa kanyang sasakyan. Ngunit, bago pa man tuluyang maka alis itong sasakyan na ito ay bumaba ang side window at bumungad sa aking ang isang pamilyar na mukha.
"Kung gusto mo mag pakamatay, tumalon ka sa tulay." walang emosyong usal niya matapos ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Mukha kang titan kapag tumatakbo. " muli niyang itinaas ang side window nang mapansin kong ngumiti ito ng nakakaloko saka pina harurot ang kanyang kotse.
Umagang umaga lakas makabasag trip nung gagong 'yon ha. Tsk! Ganoon na ba kahalata ang pagod ko para sabihan na 'mukhang titan kapag tumatakbo'?
Kaagad rin akong natauhan nang mag laho siya sa aking paningin at muling nag patuloy sa pag takbo patungo sa loob ng classroom. Mabuti nalang at wala pa ang Professor na naka assigned sa unang subject ko ngayon. Para akong lantay na gulay na nag lalakad patungo sa aking pwesto. Dala ng sobrang pagod, nai-subsob ko aking mukha sa aking desk. Dios ko po!
"Ehem! Good Morning Class!" Pilit akong umayos ng aking pagkaka-upo nang marinig ko ang boses ng aming Professor.
Sinundan ko ng tingin ang aming Professor na nag lalakad papasok sa loob ng aming classroom nang makilala ko ang tatlong lalaking naka sunod kay Sir. Para silang mga naliligaw na pato na sumusunod sa kanilang magulang.
'Ha! The three ugly ducklings.'
"Kindly introduce yourselves to the class." Agad na umalingawngaw ang mga bulungan sa loob ng silid matapos mag salita ni Sir.
"Ang gwapo nila bes."
"Kaya nga. Akin ka na lang kuyang naka blue." Itong dalawang naka pwesto sa harapan ko basta gwapo sa paningin nila, laglag pantay agad. Hindi naman halatang maharot kayo, ano?
Napangalumbaba nalang ako sa aking desk habang tatlo naman ay sunod-sunod na nag pakilala na siyang naging sanhi nang ingay sa loob ng classroom. Damn, yung eardrums ko!
"Zander Kace Anderson."
"Lanz Jin Mendoza."
"Chris Mark Guevarra here."
"Okay, you may now sit there beside Ms. Cassandra Hendrix." automatiko akong napalingon sa aming Professor nang sabihin niya ang mga katagang 'yon matapos ay nag papalit-palit ang aking tingin sa mga bakanteng upuan sa aking tabi at sa tatlong ugly duckling na nag lalakad sa papalapit sa aking pwesto. Marahan akong napa kurot sa aking pisngi nang maramdaman ko itong sumakit.
'No, this can't be real. Someone needs to keep him away from me.'
"Are you nuts??" agad akong naka balik sa realidad nang mag salita ang taong katabi ko. Napa singhap ako saka napalingon kay Zander. Kinalma ko muna ang aking sarili matapos ay pilit na ngumiti. "Yes dear, I am. It's your face that's making me insane to the point that I would let my hand skin your face. Seems fascinating, am I right?"
'Damn. Sa dinami-dami ng pag kakataon na pwede ko siyang makatabi sa klase, bakit ngayon pa kung kailan pa may sama ako ng loob sa kanya?'
What a pleasant day indeed!
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
Teen FictionCassandra Hendrix and Zander Kace Anderson had an unforgettable past with the same person. Samantha Carson, Cassandra Hendrix's best friend and Zander Kace Anderson's lover, died because of car accident. Thereupon, Cassandra Hendrix, an unobtrusive...