CHAPTER TWENTY

3K 64 6
                                    

Third Person POV

Mahigit isang oras ang lumipas bago natapos ang theatre play. Isa isang lumabas ng auditorium ang mga audiences.

"Cass, you nailed it!!" Tuwang tuwa na litanya ni Trixie matapos ay mahigpit na niyakap si Cassandra.

"Good job sa ating lahat!!" Ani Shein matapos ay nag aya ng group hug. Pasado alas dose ng tanghali na natapos ang play kung kaya't nagkayayaan ang mga cast na kumain ng lunch sa malapit na Samgyupsalamat sa Steinfield University.

Mabilis na lumipas ang isang oras at nag paalam na ang mga sasabak sa championship game mamayang alas tres ng hapon. Nag tungo sa loob ng locker room si Zander Kace nang makarating siya sa Steinfield University. Naabutan niya ang iba niyang mga ka team members niya na nag aayos na. Ilang sandali pa lamang ay nakarinig sila ng magkakasunod na pag pito at palakpak.

"Okay, Zander. Hindi muna kita ipapasok sa 2nd quarter. 3rd to 4th quarter ka mag lalaro. Sigurado ka ba na kaya mo?"

"Kaya Coach." Nag palit si Zander Kace ng kanyang jersey matapos ay ipinasok sa loob ng locker ang kanyang bag. Nag tungo siya sa labas ng locker room nang lapitan siya ni Lanz.

"Pweda ba akong maki share sa locker mo?" Hindi siya pinansin ni Zander Kace. Tinalikuran ni Lanz si Zander Kace matapos ay nag tungo sa locker ni Zander saka doon ipinasok ang kanyang bag.

Hindi alintana iyon ni Zander Kace matapos ay sabay-sabay na nag tungo ang mga basketball players sa loob ng gymnasium. Mayroong halos 30 minutes pa ang natitira bago mag alas tres ng hapon.

Sa kabilang banda, si Cassandra naman ay naka balik na sa loob ng auditorium. Siya'y tumutulong sa mga tao sa loob ng auditorium na mag ayos para sa huling show ng theater play na gaganapin mamayang alas kwatro.

"Kaya mo iyan, Shein." Pang palubagloob ni Cassandra sa kanyang kasamahan na si Shein. Muling nag pokus si Shein sa pag sasaulo ng mga linya habang siya'y inaayusan ng make up artist.

Hinanap naman ng paningin ni Cassandra si Trixie. Si Trixie ang magiging narrator sa oras na ito hanggang sa matapos ang theater play. Nang mahanap ni Cassandra ay kaagad niya itong nilapitan.

"Pupunta na muna ako gymnasium. Manonood na muna ako doon since alas tres na." Tumango tango naman si Trixie matapos ay nag paalam din siya. Lumabas ng auditorium si Cassandra at tinahak ang daan patungo sa loob ng gymnasium.

Sigawan at tilian ang bumalot sa loob ng gymnasium nang mag umpisa ang laro. Inilibot ni Cassandra ang kanyang paningin upang humanap ng kanyang mauupuan nang mapansin niyang punong-puno ang mga upuan. Wala siyang choice kung hindi tumayo na lamang sa gilid.

***

Muling lumipas ang ilang minuto at natapos ang second quarter. Nag lalaro sa 56 at 60 ang scores. Lamang ang Walf Fare University ng apat na puntos sa Steinfield University.

Binigyan ng ilang minutong break time ang mag kabilang team.

"Jake, mukhang ipapasok na sa third quarter si Zander. Malalamangan tayo niyan." Nangangambang litanya ni Noel Tuazon, isa sa mga manlalaro ng Walf Fare University.

"Huwag kayong mag alala ako ang bahala sa kanya." Kampanteng wika ni Jake Alegado matapos ay uminom sa plastic cup na hawak niya. Mamaya-maya pa ay nag tipon-tipon sila kasama na ang kanilang Coach.

"Nice game pero, huwag kayong mag pa kampante. Kaya niyo 'yan at ayoko ng makikita pa ang ginawa mong pag siko kanina Reynaldo ha." Ani ng kanilang Coach saka nag tungo sa lamesa ng Committee. Isa isang tiningnan ni Jake Alegado ang kanyang mga kasamahan nang mapansing nakalayo ang kanilang Coach.

Arranged Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon