CHAPTER TWENTY FIVE

3K 64 0
                                    

Third Person POV

"Na drop na po ang kaso ni Cassandra, Mrs. Hendrix." Wika ni Reymond matapos niyang sagutin ang tawag mula sa kanyang sekretarya.

"Mabuti naman. Pero, wala pa bang balita sa anak ko??" Mababakas ang sobrang pag alala ni Madison sa kanyang anak.

"Wala pa po, Mom." Ani Alexandra. Ilang saglit pa ay nakaeinig sila ng sunod-sunod na pag doorbell at dagliang nag tungo sa tabi ng pinto si Alexandra upang tingnan kung sino ito.

"Mom, si Zander at Lanz." Mabilis na nag tungo sa may gate si Alexandra at binuksan ito. Sinuri niya si Zander at Lanz.

"Oh, bakit ganyan ang mga itsura ninyo?" Pumasok sa loob sa loob ng bahay ang dalawang lalaki. Ka agad na kumuha ng first aid kit si Alexandra nang makita niyang halos puro gasgas ang katawan ni Lanz matapos ay nilagyan ito ng gamot saka bandage.

Alas cinco na nang umaga nang makarating sila Zander Kace at Lanz sa bahay nila Cassandra.

"Ha! Ha! Ha! Alam ko na po kung na saan si Cassandra." Nanlaki ang mga mata ng mga taong naroroon sa loob ng bahay at napatingin kay Zander.

Mabilis pa sa alas kwatro kung lapitan ni Madison si Zander Kace at lumuhod sa kanyang harapan. "Nasaan ang anak ko? Ayos lang ba siya?"

Hinawakan ni Zander Kace ang kamay ni Madison at tumango. Para bang nabunutan ng tinik si Madison.

"Tumawag na rin po ako ng pulis at papunta na po siguro sila ngayon sa lugar kung saan kami dinala." Singit ni Lanz kasabay ng muling pag tayo ni Zander mula sa kanyang pag kakaupo sa sofa.

"Bakit hindi mo sinabi ang bahay nila Jake? Aish. Tara na!!" Dagliang hinila ni Zander Kace si Lanz papalabas nang mag salita si Martin na kakalabas lang ng office room.

"Sasama ako, Zander!" Dali-daling bumaba ng hagdan si Martin matapos ay hinalikan sa pisngi ang mag ina niya.

"Ibabalik ko si Cassandra dito, Madison." Ngumiti siya saka tuluyang nilisan ang bahay nila.

Ginamit nila ang sasakyan ni Martin marahil naiwan ni Zander Kace ang kanyang sasakyan sa ibang lugar. Sinabi lahat ni Zander Kace ang mga napag usapan at nangyari sa loob ng lumang bahay. Samantalang, si Lanz ay muling tumawag sa pulis at sinabi ang address nila Jake at Victor Alegado.

***

"Noted, Lanz." Binaba ni Detective Mendoza, tiyuhin ni Lanz, ang cellphone nang makatanggap siya ng tawag kay Lanz matapos napalingon sa mga nag kukumpulang tao na nahuli nila sa lugar na ito.

"Sandali nga kailangan malaman ito ni Boss!!" Nag salubong ang kilay ni Detective Mendoza saka nilapitan ang lalaking sumigaw.

"Boss? Sinong Boss?" Naitikom ng lalaki ang kanyang bibig matapos ay nag iwas ng tingin sa detective.

"Kanino kayo nag ta trabaho?" Nanatiling tahimik si Magno nang hatakin siya ng mga pulis. Pilit na nag pumiglas si Magno hanggang sa ipasok siya sa sasakyan kasama ang iba pang mga guwardiyang nag babantay sa labas ng lumang bahay.

"Asuncion, ikaw na bahala sa kanila. Humingi kayo ng arrest warrant sa nakakataas."

Ilang saglit pa ay nag tungo na ang ibang pulis sa police station kasama si Asuncion na kaibigan ni Detective Mendoza. Habang si Detective Mendoza at iba pang natitirang pulis ay nag tungo sa labas ng bahay ng mga Alegado.

Hindi sila maaaring pumasok marahil wala pa silang warrant of arrest.

***

Arranged Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon