Trixie Sandoval POV
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa aking balat. Bumangon ako sa aking kama at napatingin sa aking alarm clock.
7:30 am.
Bumaba ako ng kama at naisipang mag ayos na muna ng sarili bago tuluyang pumunta sa aming kusina.
"Bunso, nakita mo ba kung na saan si Tricia??" Bungad ni Kuya Reymond na kagigising lang rin. Kumuha siya ng gatas sa refrigerator namin saka nilagyan ang baso na hawak niya.
"Baka sumama kila Mom sa Office." kibit balikat na litanya ko saka kinuha sa kanya ang gatas.
"Okay, then." tinalikuran niya ako matapos ay agad rin natigilan saka ako nilingon
"Ikaw na nga lang. Bunso, samahan mo ko mag grocery mamaya ha?" pakiusap ni Kuya matapos ay nag puppy eyes pa.
"Sure." walang alin langan na sagot ko marahil may bibilhin rin akong gamit para pag gawa ng customes na gagamitin sa theater play. Kumain ako agad ng breakfast dahil pinag mamadali ako nito ni Kuya baka daw madami na naman yung tao.
***
Mabilis kaming nakarating sa loob ng Supermarket. Nagpaaalam ako kay Kuya Reymond para kumuha ng iba pa naming kailangan para mas mapaaga ang pag labas namin sa supermarket.
Tinahak ko ang daan patungo sa fruit and vegetable section nang mayroon akong mabangga dahilan para mahulog ang laman ng basket na hawak ko.
Tahimik akong napa talungko saka pinulot ang mga pagkaing nag si kalat sa sahig.
"Sorry, Miss." automatiko akong napatingala nang marinig ang boses na 'yon.
"Chris/Trixie??" hindi maka paniwalang wika namin. Tinulungan niya ako sa pag pupulot ng mga nahulog na pag kain saka ito inilagay sa basket.
"Thanks, Chris." muli kong binuhat ang basket saka nag paalam kay Chris. Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang makasalamuha ko ang isang babaeng patakbong nilampasan ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lapitan niya si Chris matapos ay niyakap ito.
"Hoy, Chris! Bakit ang tagal mo?!" wika niya sapat na para marinig ko. Napa buntong hininga na lamang ako saka tuluyang nilisan ang fruits and vegetables section.
"Oh, ayan na ba lahat bunso?" salubong na tanong ni Kuya Reymond nang magkita kami sa frozen food section. Tumango ako matapos ay tuluyang kaming pumunta sa counter para mag bayad.
***
Pumunta kami ngayon sa National Book Store sa loob ng mall na ito para maghanap naman ng gamit para sa pag gawa ng costume. Iniwan ko si Kuya Reymond sa labas para bantayan niya ang aming pinamili na naka lagay lahat sa isang push cart.
Kumuha ako ng basket nang makapasok ako sa National Book Store marahil mukhang marami akong kakailanganing bilhin. Abala ako sa pag hahanap ng papel sa bondpaper section nang matanaw ko muli ang isang pamilyar na lalaki na abala rin sa pag hahanap.
"Ano, may nahanap ka na?" wika ko nang makalapit sa kaniya. Panandalian siyang napalingon sa akin saka muling nag patuloy sa pag hahanap.
"Ah, wala daw silang stock ng brand na sinabi mo nung nakaraan. Kaya board paper nalang hinahanap ko." wika niya saka marahan na hinatak ang board paper nang maka kita siya sa kasuluk-sulukan. Inilagay niya 'yon sa basket na nasa kanyang tabi nang biglang dumating ang babaeng kasama niya.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
Teen FictionCassandra Hendrix and Zander Kace Anderson had an unforgettable past with the same person. Samantha Carson, Cassandra Hendrix's best friend and Zander Kace Anderson's lover, died because of car accident. Thereupon, Cassandra Hendrix, an unobtrusive...