Zander Kace Anderson POV
Mabilis na lumipas ang ilang linggo matapos ang pangyayari sa loob ng eskinita. Hanggang ngayon ay kataka-taka pa rin ang pangyayaring iyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon sila ka interesado kay Cassandra at kamuntikan pa siyang mapahamak.
Flashback.
Papa labas ako ngayon sa Steinfield University dahil kakatapos lang practice namin for the championship game na gaganapin sa makalawang linggo. Nag stretching pa muna ako sa labas ng gate nang maramdaman kong sumakit ng mga binti ko.
'Don't you dare come near me again, jerk!'
Napa hawak ako sa aking pisngi nang muli kong maalala ang pangyayari kanina sa loob ng gymnasium.
'What made her so furious that she even slapped my face??'
Pilit kong inaalala ang lahat ng maling nagawa ko sa kanya at ni isa ay wala akong matandaan.
"Sino kayo??" Natauhan ako napa lingon sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita si Cassandra habang hinaharangan ng tatlong misteryosong mga lalaki. "Basta. Sasama ka o pe-pwersahin ka namin?!" Nag salubong ang mga kilay ko nang mag taas ang lalaking nasa gitna. Akmang lalapit ako nang muli kong narinig na mag salita si Cassandra.
"Sasama ako pero, hayaan niyo muna akong itali ang sintas ng sapatos ko." Marahan siyang tumalungko nang gumilid ang tatlong lalaki marahil may dadaan na mga tao kasabay nang mabilis na pag takbo ni Cassandra.
"Bullshit! Natakasan tayo!" Daglian nilang hinabol si Cassandra matapos sabihin iyon sabihin ng isang lalaki. Palihim ko silang sinundan at nag tago nang makitang pumasok si Cassandra sa isang parking lot na malapit dito sa Steinfield University.
Pinag masdan ko lang sila at hinanda ang sarili kung sakali man na mahawakan nila si Cassandra. Mabilis na lumipas ang ilang minuto at lumabas ang tatlong lalaki sa parking lot kasabay rin nang pag labas ng isang pusa. Mamaya maya pa ay lumabas si Cassandra sa kanyang pinag tataguan. Naisipan ko siyang lapitan nang bigla siyang tumakbo papasok sa eskinita. Mukhang nakita siya ng tatlong lalaki.
Dali dali akong dumaan sa shortcut patungo sa eskinitang iyon at nag tago sa sulok nang matanaw ko sa kalayuan si Cassandra na tumatakbo. Muli kong hinanda ang sarili ko para hatakin siya at pinakiramdaman ang paligid.
Wala pang ilang minuto ang lumilipas nang makarinig ako ng mabibilis na yapak at bahagyang dumungaw saka dali-dali hinatak si Cassandra nang makitang naka lapit na siya sa aking pinag tataguan. Tinakpan ko ang kanyang bibig at bumulong nang hindi pa rin siya mapakali sa kanyang pwesto.
"Shh, huwag kang malikot Cassandra.." Mamaya maya muli ay lumabas kami ng aming pinag tataguan nang mapansin naming wla na ang tatlong lalaking humahabol kay Cassandra.
Lumabas kami ng eskinita at patakbong pumasok sa Nitro 7 Coffee & Tea Bar dito sa Taft Avenue nang muli naming matanaw sa kalayuan ang tatlong lalaki na hinahanap si Cassandra. Mabuti na lamang at maraming tao sa loob ng Coffee Shop na ito at hindi nila kami mapapansin sa loob.
Nag hahabol hiningang napa tingin ako kay Cassandra na patuloy pa rin akong hindi pinapansin at iniiwasan.
"If I did something wrong, I'm so-"
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
Teen FictionCassandra Hendrix and Zander Kace Anderson had an unforgettable past with the same person. Samantha Carson, Cassandra Hendrix's best friend and Zander Kace Anderson's lover, died because of car accident. Thereupon, Cassandra Hendrix, an unobtrusive...