Chapter Four

594 22 0
                                    


"Hindi ba puwedeng bukas ka na lang umuwi?" lambing niya kay Carlos. "Sabay na tayo. Medyo masikip kasi ang van at uncomfortable ako. Hindi masyadong malakas ang aircon."

"Hindi puwede. Hindi ako nagsabing mag-i-stay ako rito kaya siguradong hindi makakatulog si Mama Lilian hangga't hindi ako dumarating. Alam mo naman 'yong nanay mo, daig pa ang inahin." Ngunit may fondness naman sa tinig nito nang sabihin iyon. "Isa pa, this is your chance to be with your friends. Ano na lang ang sasabihin nila kung sakali, ang laki-laki mo na, naka-chaperone ka pa?"

"Then stay a little longer. Hindi pa naman gano'n kalalim ang gabi. If you leave after an hour, you'll be home before midnight."

"I don't trust myself to stay even for a little while, princess," sabi nitong nangingislap ang mga mata. Kislap na nagpapaalala sa nangyari sa loob ng cottage niya. "Baka itakwil ako ni Mama Lilian."

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Sige na nga. Pakisabi na lang kay mama na baka magsama ako ng kaibi­gan bukas sa bahay. Uuwi kasi si Carrie sa Cebu the day after tomorrow, mas malapit ang bahay namin sa airport kaysa kung sa Novaliches pa siya manggagaling."

"I'll prepare the guest room myself."

"No, don't bother. Sigurado namang hindi iyon matutulog. Dadaldalin lang ako n'on sa kuwarto ko, so she better stay in my room."

"Suwerte niya naman," biro nito, sabay bukas ng pinto ng sasakyan. "Pa'no? Bye for now. Mag-iingat ka sa dagat, ha? Kung lalangoy ka, huwag kang pupunta sa masyadong malalim. Huwag mo ring kalilimutang i-check ang pinto ng cottage n'yo before going to sleep. Delikado ang panahon ngayon lalo't mukhang maraming guests ang resort."

"Yes, father." She waited for his kiss, her heart beating fast, ngunit hindi nangyari ang kanyang inaasam.

Matapos lumulan sa sasakyan ay pinisil lamang nito ang kanyang kamay, then started the car and waved good-bye.

Naiwan siya sa kanyang pagkadismaya.

MABILIS na lumikwad ang panahon. Dumating ang araw ng kanyang graduation. Excited siya, hindi man siya nakaabot sa pagiging cum laude ay sapat na sa kanyang maiuuwi ang diploma.

Diplomang magiging pasaporte ni Carlos para totohanin na ang relasyon nila.

Bagama't noong una ay nadismaya siya, hindi na rin gaanong masakit na hindi ito kasamang sumaksi sa kanyang pagtatapos. Sa kasalukuyan kasi ay nasa Hong Kong ito at may inaasikaso kaug­nay ng negosyo nitong dalawang taon pa lamang naitatayo.

He now owned a firm na ginagamit na marketing arm ng iba't ibang kompanya, mula sa flower shop hanggang sa mga food chains na sa higpit ng kompetisyon ay willing magtapon ng pera para sa mahuhusay na promosyon.

Sa loob din ng halos dalawang taon, she lived the life of a happy, fulfilled woman. Wala na siyang mahihiling pa. Carlos had been very good to her. Wala man silang usapan, hindi man naulit ang nangyari sa loob ng cottage sa Batangas, she knew that they shared something very special.

Iyon nga lang, sa harap ng kanyang pamilya ay ibang Carlos ang nakikita niya. Maganda rin naman ang trato nito sa kanya ngunit walang sweetness, puro affection lang. Lumalabas lang ang pagkamalambing nito kapag silang dalawa lang. Madalas din, patago na ang pagbibigay nito sa kanya ng mga regalo.

Hindi naman niya iyon ipinagdaramdam. Naisip niya na tinutupad lang nito ang pangako sa sarili. Hinihintay lang nitong makapagtapos siya ng pag-aaral para wala namang masabi rito ang kanyang mama.

And now, here she was, nagmamartsang papunta sa entablado, suot ang itim na toga.

Finally, her dreams would all come true.

Mr. Meddlesome (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon