Chapter Eight

699 19 0
                                    


"Is it true?" pagkumpirma niya kay Josef matapos niyang ihayag dito ang natuklasan niya.

Namumutla na ito at hindi mai-focus ang mga mata sa kanya. Iyon pa lang ay sapat nang kumpirmasyon, gayunpaman ay mas mamatami­sin niyang marinig dito ang pag-amin.

She wanted to understand, and once again forgive him. She had cared for him truly at hindi niya matanggap ang isiping nagawa nitong ipagbili ang kanilang relasyon dahil wala talaga itong pagtingin sa kanya noon.

Hindi niya matanggap dahil mangangahulugan lang iyon na kahit ang pangalawang pagkakataong ibinigay niya rito ay nagsim­ula rin sa kasinungalingan. Na ang sinasabi nitong pagmamahal na hindi nabawasan sa pagdaraan ng panahon ay isa ring malaking kabulaanan.

"K-kung sasabihin kong 'oo,' m-mawawala ka na ba sa akin?" ninenerbiyos na tanong nito.

"Whatever your answer may be, hindi talaga tayo ang para sa isa't isa," mahinahon niyang sagot dito. "Kinumbinsi ko ang sarili kong mahalin ka, and I thought I succeeded, pero hindi pala."

"P-pero pumayag kang makipagtanan sa akin noon..."

"I did because... because I thought I can be contented with a man who loves me so, kaysa patuloy akong umasa sa lalaking mahal ko nga'y wala namang ginawa kundi saktan ang damdamin ko," amin niya. "I may have used you nang hindi ko sinasadya, but I deeply cared for you."

"Kung gano'y bakit mo ako iiwan?" Iniangat nito ang mukha, at sa unang pagkakataon ay tumingin ito sa kanya ngunit may talim naman ng hinanakit ang mga mata.

"Dahil ayoko nang maging unfair pa sa iyo. Hindi ko na kayang dayain ang sarili ko. Mahal ko pa rin si Carlos, Josef."

"Mahal na rin kita," bahagya nang mataas ang boses na sagot nito. "Aaminin ko na noong una, I only see you as a means na makatakas sa kalagayang pinagsadlakan sa amin ng aming ina. Oo, niyaya kitang magtanan kahit wala akong intensiyong siputin ka. Kailangang-kailangan ko lang noon ng pera..."

Kahit paano naman ay nanlumo siya sa narinig. Napaupo siya sa isang high stool na malapit sa mini-bar ng kanyang condo-unit.

"Pero ngayon, Greisha, mahal na kita. Totoong mahal na kita. Huwag mo lang akong iwan, patutunayan ko 'yan sa 'yo."

"But I didn't love you."

"It doesn't matter. Napag-aaralan naman ang pagmamahal, tulad ng nangyari sa akin sa 'yo. Sinisira lang tayo ni Carlos dahil... dahil nakikita niyang malapit ka na namang maging masaya."

"Akala ko rin noong una, but no," umiling siya. "This time, kumbinsido akong totoong mahal ako ni Carlos. At kahit pa hindi, kahit pa masaktan na naman ako sa kanya, mas mamatamisin ko pang tumandang dalaga kaysa tumandang hindi siya ang kasama ko."

Marahil ay naramdaman nito ang sinseridad sa kanyang sinabi, pagkaraan ng tila pagkahaba-habang sandali ay malungkot na lamang itong napatango.

"Then I wish you luck," mapait na sabi nito at walang paalam nang nilisan ang kanyang condo.

"BE CAREFUL!" Huli na ang babalang iyon ni Carlos. Dumupilas na ang isa niyang paa sa ikalawang baitang ng hagdang kahoy at nahulog siya.

Salamat sa maagap nitong pagsaklolo at hindi siya tuluyang lumagapak sa marmolisadong sahig. Ngunit kasintigas din yata ng marmol ang dibdib na kinasadlakan niya.

Sa impact kasi ng kanyang pagbagsak ay ito ang nawalan ng balanse at sa ibabaw siya nito napasadlak.

"Were you hurt?" nag-aalalang tanong niya nang makitang napangiwi ito.

Mr. Meddlesome (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon