Chapter Three

725 26 0
                                    


Simula iyon ng pagkakaroon ng kulay ng mundo ni Greisha, lalo't nang mga sumunod na araw ay napapansin niyang tila nagkakaroon ng ibang haplos ang pakikitungo sa kanya ni Carlos. Naroroong out of the blue ay pasalubungan siya nito ng mamahaling pabango at stuffed monkeys na iba't iba ang kulay at laki na alam nitong kinokoleksiyon niya.

Kunsabagay ay dati na naman itong maalalahanin. Dati na siyang pinasasalubungan nito ng kung anu-ano, lalo na kapag nanggagaling ito sa mga out-of-town trips. Kadalasan ay mga souvenir mula sa mga lugar na pinanggalingan nito.

"But it's different this time," kuwento niya kay Liezel na halos three times a week kung mag-overseas call. "Alam kong special ang mga gifts niya sa akin dahil iyong mga ibinibigay niya sa akin ngayon, iyong mga bagay na alam niyang talagang maa-appreciate ko."

"In love ka, gaga." may kalakip na pag-ismid sa tinig nito. "Kahit nilagang mani ang ipasalubong niya sa iyo, I bet na ipe-preserve mo ang balat!"

"True," amin niya, "pero iba talaga ang feeling ko ngayon. Those stuffed-monkeys cost him a fortune, lalo na iyong isang halos kasinlaki ko!"

"Baka naman naaalala ka niya kapag nakakakita siya ng unggoy." Sinundan nito ng tawa ang sinabi.

Alam niyang nagbibiro ang kaibigan. kabisado rin niya kung gaano ito ka-brutal pagdating sa biruan, subalit nasaktan pa rin siya.

"Do you think I'm so ugly that a guy like him can't fall in love with me?" Bakas sa tinig niya ang hinanakit.

"Oh, oh, insecurity knocks again!" Para na niyang nakikita ang pag-iling-iling nito. "I am kidding, all right, and you're not ugly. Kung mag-aayos ka lang, you'll have one of the most beautiful faces sa Uganda." Humagikgik ito. "Kidding again. Masyado ka kasing seryoso. Lighten up, my friend."

"Easy for you to say dahil ipinanganak kang maganda."

"Well, maybe hindi ka nga kasingganda ko," anitong tumatawa pa rin, "but you are beautiful in your own, unique way, too. Masyado ka lang kasing manang mag-ayos, madalas, baduy pa. 'Pag nakikita ko 'yong mga pictures na ipinapadala mo sa akin, parang gusto kong umuwi para i-make over ka!"

"What can I do? I am fat. Kahit anong isuot ko, 'yong taba ko pa rin ang makikita ng mga tao."

"First and foremost, hindi ka mataba. Maybe a little heavy on the side..."

"I am twenty pounds overweight!"

"That's an improvement kaysa naman sa forty-five pounds na sobrang timbang mo no'ng high school," sabi nito as if it could bolster her self-esteem. "And besides, sino ba ang nagsabing nakabase sa timbang ang sex appeal ng isang babae? Sexy is in the attitude, not in the weighing scale!"

"Ibig mong sabihin, sexy ako despite my weight?"

"Bakit? Mayroon ka bang attitude?"

Sa sinabi ng kaibigan ay nagkaroon siya ng bagong goal: to have that sexy attitude she was talking about. Nagbasa siya ng mga magazine at self-help books. Sinikap niyang i-apply sa sarili ang mga natututuhan niya.

Hindi madali, pero pakiramdam naman niya ay umeepekto naman. Hindi lang ang mama niya ang nagsasabing nagbu-bloom siya kundi maging ang iba niyang kaibigan.

Maging si Carlos...

"TALAGA naman!" bulalas nito nang pumasok siya sa komedor isang umaga at datnan niya itong nag-aalmusal kasalo ang mga kapatid niya. Nakabihis na siya para pumasok sa eskuwela.

She was wearing a black blouse na medyo masikip kung kaya't nagmukha siyang payat, and cotton pants in a lighter shade of beige. "Si Miss Greisha Rosario y Cartajena, araw-araw, gumagan­da. Could it be that she's in love?"

Mr. Meddlesome (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon