Chapter Nine

803 26 2
                                    


Narinig ni Greisha ang pagki-click ng susian sa pinto ng condo ngunit hindi siya tuminag sa pagkakahilata sa sahig na nalalatagan ng carpet.

She didn't care kung napasok na pala siya ng masasamang loob. She didn't care kung mapatay man siya in the process. She didn't care anymore.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hinila niya ang isang throw pillow na nakakalat lamang sa sahig at itinakip iyon sa mukha.

She had been drinking all night at may hangover siya nang magising. Hanggang nang mga sandaling iyon ay masakit na masakit ang ulo niya. She would welcome anything to stop the pain, even a bullet in her head.

Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa kanya. Huminto iyon sa kanyang ulunan. She heard a familiar sigh pagkatapos ay ang marahang paghila ng throw pillow sa kanyang mukha.

"Tumayo ka nga riyan, Greisha. Marami tayong pag-uusapan."

Nang marinig niya ang tinig ng kanyang mama ay bigla siyang napadilat. Biglang-bigla, gusto niya itong hilahin at isubsob ang kanyang mukha sa dibdib nito para mag-iiyak.

Ngunit pinigilan niya ang sarili. Bukod sa batid niyang mahihirapan ang kalooban nito kapag ipinakita niya ang kanyang paghihirap, she would hold her mother accountable somehow. Kung sa simula pa lang ay sinabi na nito sa kanila ang totoong pagkatao ni Carlos...

"P-paano kayong nakapasok?" nagtatakang tanong niya.

"I used the duplicate key na ibinigay mo kay Gavin," tugon nito. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman iyon kusang ibinigay sa akin ng kapatid mo. I had to steal it from his drawer dahil ipinagpipilitan niyang kailangan mo muna ng space. But what I'm going to say can not wait, lalo't hindi mo naman sinasagot ang mga tawag ko sa telepono mo at cellphone."

Binigyan niya ng kopya ng susi niya si Gavin in case of emergency. Sa dalawang kapatid ay ito ang mas malapit sa kanya. Ito rin ang mas mahirap impluwen-siyahan ni Carlos if the situation arose.

Bumangon siya. Tinungo niya ang sofa at kamuntik na siyang mapatid sa bote ng alak na naiwang nakahambalang sa daraanan niya.

"Pinapunta ba kayo rito ni Carlos?" direktang tanong niya habang hinihilot ang magkabilang sentido.

"In a way, he asked for my help," pag-amin nito nang maupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang isa niyang kamay at ikinulong sa dalawang palad na pinagaspang na ng mabibigat na trabaho. "But the main reason why I came here is because I am still your mother. kahit hindi mo na ako kailangan ay hindi pa rin natatapos ang pagiging ina ko sa iyo."

"Oh, 'Ma... it's not that I—"

"Listen to me first bago ka mag-react. Greisha, I've been blind for a long time. Dapat ay matagal ko nang nahalata na may namamagitan sa inyong dalawa. Hindi ko alam kung ano ang puwede kong idahilan. Maybe I've been too busy with the business. maybe hindi kita talaga napag-ukulan ng sapat na atensiyon despite my effort—"

"Or maybe naisip n'yo na rin noon pa man na sasaktan lang ako ni Carlos."

Napabuntong-hininga ito at mapait na ngumiti. "Yes, I admit that was true. Naisip ko na rin ang posibilidad na maaaring umibig kayo sa isa't isa ngunit ayoko iyong kunsintihin. He may be Artem's son, at aaminin kong napamahal din siya sa akin na parang tunay kong anak. But he's also the son of the best friend who committed the most hurtful betrayal of my life."

"Kung gayo'y bakit n'yo siya tinanggap, 'Ma? Bakit n'yo siya kinalinga despite his background?"

"Iyong totoo?" Tumingin ito sa kanya, tears blurring her eyes. "Dahil mahal ko si Artem. Wala akong ibang lalaking minahal sa buong buhay ko kundi si Artem lang. When Carlos came to me, sinabi niya sa akin na ibinilin sa kanya ng daddy niya na sa akin siya humingi ng tulong kung kailangan. At wala na raw siyang matakbuhan."

Mr. Meddlesome (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon