Chapter 1

850 25 4
                                    

Hello nga pala sa bf ko, Mon! Iloveyou! Naks.

Sume-segway.. HAHA! o siya..

---------------------------

Kinalabit ako ni Abi. Ang bestfriend kong tahimik pero nagiging madaldal kapag kinikilig.

''Oh?'' tanong ko.

''Tignan mo! Yon yung crush mong dancer di ba?''

Tinignan ko agad kung saan yong tinuturo niya. OMG!  Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Siya nga!

Ang gwapo talaga niya! T.T

By the way, hindi pa pala ako nakakapagpakilala.

Ako nga pala si Gel. Ipinanganak na pihikan at nagkakagusto sa iilang lalaki lang.

Isa na don si Mister Dancer. 

''Uy tumahimik ka nga Abi! Huwag kang maingay!''

''Gel, ano bang pangalan niya?''

Ano nga bang pangalan niya?? T.T

''Shit! Hindi ko alam! Pero wala na yun sakin, basta nakikita ko siya masaya na ako don.''

Nakaupo kami ngayon sa plaza. Dito namin naisipang tumambay. Sakto naman dumaan si crush. Buti nalang!

''Ano? Tagal mo ng crush yan di mo pa alam pangalan niya?''

''Yun na nga eh. Paano ko ba malalaman pangalan niya?''

''Edi makipagkilala ka! Tange to!''

''Ayoko! Nahihiya ako! Isa pa, mukha naman siyang masungit.''

''Try mo nalang kaya akitin. Kindatan mo sabay haplusin mo legs mo. Ganto o,'' ini-action pa niya iyon.

''Gaga! Ano ako, prosti?! Pero Abi, crush na crush ko siya..''

''Alam ko! O, teka. Bat huminto siya sa mga girls doon?''

Nakita ko, huminto nga si crush sa mga kababaihan sa harap ng People Center. Hmp!

Nakikipag-usap lang yata, pero parang anlalandi naman nung mga babaeng yun!

''Halla.. Eh babaero pala yang crush mo na yan eh!''

''Nakikipag-usap lang siguro. Aalis din yan. Hindi naman siguro siya babaero--- Aba! Hoy!'' napasigaw agad ako nang makita kong hinihila-hila ng mga girls si crush.

Mukhang inaaya nila si crush somewhere.

''Naku! Anak ng patis! Pinag-aagawan yong crush mo o!''

Naiinis na ako. ''Mga malalandi! Inaagaw nila si crush! Mga alimparot na yun!''

''Eh andami mo palang kaagaw eh! Tsk tsk!''

Napatayo na ako. ''Pigilan mo ko Abi. Pigilan mo ko!''

''Sus, OA naman neto! Malay mo nagpapalibre lang yung mga girls or di kaya kapwa niya dancer mga yan.''

''Sana nga--'' napatanga ako nang makita kong sumama si crush sa mga haliparot girls.

''O kitamo? Playboy yang crush mo! Sasabi ko sayo!''

Naiinis na talaga ako. Dagdag pa si Abi na kung ano-ano lang sinasabi. Grr!

''Gago na yun! Inaya lang ng mga babae, sumama na! Badtrip!''

Walanjong lalake!


''Sssh.. Relax ka nga lang! Malay mo may pupuntahan lang. Wala naman siguro silang gagawing masama.''

Etong si Abi talaga. Gulo ng utak kahit kelan.

''Kakabadtrip! Nakita mo yun? Nakita mo yun?! Ayoko na sa kanya! Hindi ko na siya crush! Binabawi ko na ang sinabi kong gwapo siya!''

''Naku, hindi rin.''

Ever since kasi, i hate playboys! They're getting into my nerves! I hate him na!

_________________

* LATER ULIT*

COMMENT & VOTE. :)

T.S: nasa multimedia po :)

Mr. Playboy meets Ms. Sungit (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon