Chapter 15

237 4 0
                                    

Mon's POV

Walang kanerbyos-nerbyos na pumasok ako sa Room ni Mr. Gonzales. Unang araw ko ngayon sa Realms University. Lahat ng I.F Dancers ay nagplanong mag-aral dito. Wala din naman daw silang gagawin, edi mag-aral nalang. Para makapang-chix na rin. Kaya kahit late enrollee kaming lahat, okay lang.

At pumayag na rin naman ako, dahil alam kong marami talagang chix dito sa Realms. At dahil dito rin naman nag-aaral yung babaeng weirdo, pero cute. Lagi ko na siyang maaasar ngayon. Humanda siya.

Papasok pa lamang ako nang mapatingin sa akin ang lahat. Maya-maya ay naging instant sikat na ako. Dinig na dinig ko pa ang impit na tilian ng mga babae sa harapan ko.

''Goodmorning po Sir.''

Napatingin sa akin ang Prof. ''Oh, you must be Mon Zulueta. The new student.''

''Yes Sir.''

''Uy, ano raw name niya? Mon? Oh my god, siya na ba yung new classmate natin?''

''Ang cute!''

''Balita ko dancer yan eh.''

Ang lalandi naman ng mga 'to! Di man lang marunong magbulungan.

''Okay now. You may take your seat Mr. Zulueta.''

''Thank you Sir.'' nginitian ko pa ang mga babae bago umupo.

Grabe! Wala man lang chick dito ah! Amboring naman ng pinasukan kong section. Kahit isa man lang sana. Inilibot ko ang tingin para maghanap ng chick.

Pero natigil ang mga mata ko sa paghahanap nang mapatingin ako sa likod. Napangisi ako nang makilala kung sino iyon. Si Miss weirdo'ng cute. So, classmate ko pala 'tong weird na 'to.. what a small world.

Naka-earphones ito at tulog habang nakalupaypay sa upuan. Bahagya pa itong nakanganga.

Muntik na akong mapabunghalit ng tawa.

HAHAHAHA!

Ampangit ng itsura ng loka-loka!

Dali-dali akong naglabas ng notebook at ballpen mula sa Faux Leather Pouch Bag ko at nagsulat. Linukot ko iyon ng mabuti saka ibinato iyon sa kanya.

Sakto iyon sa mukha niya. Nagising siya. Pipikit-pikit pa niyang pinulot ang papel.

''Miss Reyes! Ano'ng ginagawa mo?!'' sigaw nung Prof.

Gulat na napatayo si weirdo. ''Ah Sir! Ano po yun?''

Napangiti ako. Tiyak, magugulat siya kapag nakita niya ako ngayon.

Makakabayad na rin ako sa wakas, Weirdo Girl.

Mr. Playboy meets Ms. Sungit (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon