Chapter 18

246 14 4
                                    

 USO PO MAG-COMMENT. TRY NIYO, HINDI NAKAKAMATAY. :D

*******************************

''Abi! Di mo na ba ako mapapatawad?'' mula sa likuran ni Abi ay wika ko. Nasa pathway kami nang mga oras na iyon at papunta na sa susunod na klase namin.

Binalingan niya ako. ''Ba't ganoon sinabi mo sa kin? Kailan pa ako nag-traydor sayo?'' hindi maitatago ang pait sa boses nito habang nagsasalita.

Linaro-laro ko ang mga kuko ko. ''Eh.. Hindi naman kasi talaga para sayo 'yun eh.''

''Talaga? Para kanino naman? Eh ako lang naman ang kaibigan mo sa school, 'di ba?'' tila pinapamukha nitong siya lang ang kaibigan niya sa buong Campus tapos ganoon pa ang mangyayari.

''Oo.. Pero hindi ko naman kasi alam na hindi sayo galing yung papel na 'yun eh.''

Hinarap niya na ako. ''Ha? Kanino? Ano bang sabi?''

''Alam mo na.. Kung sino ang laging nang-aasar sa akin.''

''Si..'' natutop nito ang bibig. ''I knew it! Si Playboy right? Hindi nga ako nagkamali ng hinala, nagpa-transfer siya dito para lang asarin ka? Wow!''

''Anong wow dun?! Bakit parang mukhang masaya ka pa?''

''My god, hindi mo maintindihan! You must be that damn important! Biruin mo, nag-enroll siya dito tapos sinadya niyang pareho kayo ng section na papasukan para lang asarin ka! Yan ang sinasabing effort, try to appreciate it!''

''Effort ba ang lagi niyang pang-aasar sakin? Baka hobby.''

Tumawa siya saka ako inakbayan. ''Kawawa naman 'tong bestfriend ko, may stalker siyang Playboy. Patulan mo na kasi.''

''Ayoko nga! Baka sabihin niya type ko siya, never! Kung dati crush ko siya ngayon nawala na yun dahil sa lagi niyang pambbwisit sa akin.'' Kinwento ko sakanya yung nangyari sa amin kanina sa Canteen.

Natawa ito. ''My god! Sinabihan niyang manok si Vince? How come? Narinig ba ni Vince?''

''Hindi. Nakaalis na kasi siya kanina. Nakakainis, alam mo ba 'yun?! Ampangit ng ugali niya! I mean, ano bang nakain ko nun at nagustuhan ko siya? Ano bang pinakain mo sakin nun?!''

''Ikaw? Ano bang nakain mo ngayon at bigla mo siyang sinusungitan? 'Di na ba pwedeng ibalik yung pagka-crush mo sakanya nun?''

''Speaking of the devil..'' usal ko nang makita si Playboy. Matalim ang tingin sa akin.

Hinawi niya ng kamay niya 'yung mga classmate naming malapit sa akin. Lumapit siya sa akin saka niya ako tinitigan.

Para namang mahuhulog na yung puso ko sa takot nang mga sandaling iyon sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

Inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko. ''May kasalanan ka sakin.''

Yun lang at pumasok na ito sa loob.

Hindi na ako nakapagsalita. Napamaang nalang ako habang pinagmamasdan siyang papasok sa loob. Bakit ba bigla-biglang natatakot ako sa kanya? Tapos yung puso ko parang ninenerbyos na ewan!

''Ano daw??'' excited pa si Abi na lumapit sa akin. ''Grabe ha! Nanghahawi!''

''May kasalanan daw ako sakanya.''

Pumasok na kami sa loob. Nakayuko ako para hindi ko makita si Playboy. Umupo ako sa likod. Hindi pa rin matahimik ang puso ko.

Syet! Ano na ba 'tong nangyayari sa akin?

''Mabuti naman at ikaw na ang nagkusang lumapit sa akin.''

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon. 'Di ko namalayan, nasa likod ko lang pala siya. Mabilis akong tumayo. ''Ayy sorry! Dun nalang ako sa--''

Hindi pa ako nakakahakbang nang pigilan niya ako sa kamay. ''Dito kalang. Baka gusto mong maisumbong?''

Mabilis ang mga ginawa kong pag-iling. Sunod-sunod. Umupo nga ulit ako.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-upo niya sa tabi kong upuan.

Nadadagdagan naman ang kabang nararamdaman ko dahil sa takot.  Relax lang Gel! Kaya mo yan, 'di ka naman niya siguro kakainin.

(''.) .. (.'') .. (''.'')

''Alam mo bang pinakaayaw ko sa lahat 'yung napapahiya?''

''Hindi.''

''At ayoko din yung naiiwanan, alam mo ba 'yun?!''

''Hindi rin.''

''At ang pinakaayoko sa lahat, yung sumasagot-sagot!''

''Hin--'' 

KBYE!

Tinignan ko siya ng matalim. ''Kung hindi mo ko pinahiya hindi sana kita iniwan! Kasalanan mo lang din naman ah!''

''Kabastusan 'yun, alam mo ba? Magkasama tayong pumasok dun tapos iiwan mo 'ko ng basta-basta? Dahil lang sa crush mong manok na 'yun wa-walk outan mo 'ko?''

''Ano bang problema mo kay Vince? Wala namang dudang mas gwapo siya sayo. Baka insecure ka kasi.''

''Ako, maiinsecure? May sarili akong mukha at porma. At mas marami akong fans. Eh siya? Tumilaok nalang siya.''

Nakakainis na talaga! Hindi na ako umimik pa.

"Away mag-syota yata. Sila ba?"

"Si Vince pinag-aawayan nila! OMG!" Kahit nagbubulungan 'yung mga babae sa harapan namin naririnig ko padin sila.

"Hoy mga bruha! Anong pakialam niyo kung nag-aaway sila? Mga inggitera! Inggit lang kayo!" Pagtatanggol ni Abi. Katabi lang niya ang mga ito.

"Bakit sila na ba? Wow! Congr--"

"Sssh! Isa ka pa! Tumahimik ka sasapakin kita diyan."

"Ang sungit mo naman!"

"Talaga! Konyatan pa kita!"

"Heh!"

Hinayaan ko nalang si Abi makipag-away sa mga chismosa at chismoso naming kaklase.

Nang dumating si Prof. nakinig nalang ako sa discussion. More on discuss tapos kwento 'tong Prof namin ngayon. Hindi man lang magpa-recite or magpa-quiz. Para sana dun maibaling kahit kaunti man lang sa kaba na nararamdaman ko.

After awhile..

Nakakaantok na makinig sa klase! Napahikab na tuloy ako. Naramdaman kong bumigat ang talukap ng mga mata ko.

Maipipikit ko na.. Ayan na..

Naramdaman kong bumagsak na 'yung ulo ko. Pero taliwas sa inaasahan kong desk na matigas ang babagsakan nun.. Sa malambot na bagay iyon bumagsak. Hindi na ako nag-atubiling tignan kung ano iyon. Mukhang safe naman iyon dahil mabango.

Amoy masculine scent.. Napangiti nalang ako sa bango niyon.

And the next thing she knew, she was asleep.

Zzz Zzz..
*************************

VOTE, COMMENT PLEASE! I'm begging! HAHA. Hahakot lang ako ng Readers na willing din mag-comment. Baka gusto niyo rin, di ba? A million thanks! :))))))

Mr. Playboy meets Ms. Sungit (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon